66

54 3 0
                                    

Princess Kim

Buti na lang marami akong pera..kundi wala nang pag asa ang bahay ng kulugong to..

Bumibili naman ako ng mga groceries...marunong naman akong magluto kaya survive pa ein kahit papaano..

Kahapon dumalaw ako sa bahay...ABA ANG MGA MAGAGALING KONG KUYA TINATABOY AKO?

Di man halata miss nila ako..tss..

Isang linggo na ring di pa bumabalik si Daryl....Miss ko na iyong kulugong iyon..

Nauubusan na rin ako ng oras..

Isang linggo na lang..

Isang linggo na lang at kasal na nila..

UMUWI KA NA NANA!!!!!

Araw araw hinihintay ko sya na umuwi..he's a liar, sabi nya araw lang pero kita mo naman..

Humikab ako ng napakalakas...

Matutulog na ako. Wala nang pag asa pang bumalik iyong lalaking iyon..

Tatayo na sana ako para matulog ng bigla na lang bumukas ang pinto..As in umalingawngaw talaga sa buong bahay..biglang pumasok ang isang lalaking madilim ang aura


T-teka..

"Nana..."

Hindi sya umimik at lumapit sya sakin..blangko nya akong tinitigan..

Napangiti ako..he's here. May pag asa pa ako.

"Daryl" niyakap ko sya ng napakahigpit pero wala man lang syang imik..

"Princess..."

Napabitaw ako sa yakap..bakit parang ang lamig ng boses nya? Grrr giniginaw ako..

"You lied"

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi nya.. I lied,

"Sabi mo naglayas ka..." napalunok ako..

Ang lakas ng pintig ng puso ko.. dahil sa kaba. Alam nya....alam na nya.

"Pinatuloy kita dito..."

Napaatras ako ng makita ko ang pagkuyom ng kamao nya...

"Anong pinag--"

"Nakita kita....sinundan kita princess...hanggang sa bahay nyo."

T-teka..

Kahapon pa sya dumating?

"Bakit ka nagsinungaling?"

Napayuko ako....hindi ko na kailangang magdeny pa..huli na ako, tatanggapin ko na ba?

"Bakit ka nagsinungaling?" Nanlamig ang mga kamay ko ng tumaas ang boses nya..

"Daryl..."

"Princess Kim, sumagot ka.."

Wala na....

Isusuko ko na to siguro...

"G-gusto lang kita makasama....bago ka ikasal, I-I tried to win you back."

Tinignan ko ang reaction nya..napaigting ang bagang nya at parang anytime sasabog na sya..

Pero atleast nakinig sya....

Pero alam kong makikinig lang sya...pero di sya maniniwala..

"For what?" Sa wakas ay tanong nya..

"For us...."

"S-sinubukan kong isalba ang atin--" di pa ako natapos pinutol nya na agad iyon...at ang mga salitang binitawan nya ang sumampal sa akin...

"Walang tayo Princess.." natigilan ako..

Oo nga..

Walang kami...

Walang kami na isasalba..

Kasi nung una palang..may Princess at Daryl pero walang sila..magkaibigan lang...dahil sa katangahan ko, may daryl na nagcocomfort..pero walang kami..ako lang at sya..

"Mahal mo ko Daryl."

Wala na..

Isusuko ko na to siguro..

"And you fucking lied.."

APPLE JUICE (Minju x Jaemin) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon