Princess Kim
"Ano pang kailangan mo?" Inabot nya ang extra nyang pang kumot at unan.
"Okay na ako" Siraulo talaga tong lalaking to. Papatulugin ba naman ako sa sahig? Pero okay lang naman, basta kasama kami sa iisang kwarto. Yiieeee
Nginitian nya ako at tumango, di ko alam kung bakit ang lungkot ng ngiti nya.
"Sorry talaga princess ah, k-kay Mira kasi iyong katabing kwarto" pagdadahilan nya.
Mabuti na lang at mautak tong lalaking to, aba! Yokong matulog sa parehong kama na tinutulugan nung hipon na iyon.
"Okay lang, ang laki na ng utang ko sayo, promise aalis ako kaagad dito." Pagbutihan mo pa ang pag arte princess.
"S-saan ka naman pupunta?" Lihim akong napangiti..mahal nya pa ako. Alam ko iyon..
Mahal mo pa ako Daryl Na..
Akin ka lang..
"Kung pwede sana, kaila Royce--"
"What!!" Nabigla ako ng sumigaw sya. Aba! Gagong lalaki? Gabing gabi na kaya...
"Shhh, baka magising ang mga kapitbahay mo ulol." Napakamot sya sa ulo nya at sumalampak ulit sa kama nya.
"D-dito ka na lang muna, pero isang buwan lang princess ah, baka naman kuyugin ako ng mga kuya mo." Tumango ako...
Promise di ka kukuyugin ng mga kuya ko, pulido ang plano ko Nana...pursigido akong bumalik ka sakin...
Isang buwan lang.....
You gave me a chance to win you back..
"Goodnight.."
"Goodnight."
BINABASA MO ANG
APPLE JUICE (Minju x Jaemin) ✔
Fanfiction"Beer ang sabi ko. hindi apple juice." "Huh? Beer naman iyan ah." 🚨Nctzone series #1: Jaeminju🚨