Princess Kim
"Hoy Lalaki!" Singhal ko sakanya ng mas hinigpitan pa nya ang hawak nya sa braso ko..
Pagewang gewang akong humarap sa kanya..gagong lalaki to..ikakasal na sya bukas..tapos mangdidistorbo sya ng inuman?
"Mag usap tayo..." malamig nyang sabi..
Kumunot ang noo ko...
Mariin nya akong tinitigan. Iyong titig na desidido syang kausapin ako kahit mabali pa ang mga buto nya sa katawan.
Bigla akong humagalpak ng tawa. Puta nasisiraan na ako ng ulo.
"Pfffttt hahahahahhahahahahhahahahahhahahahahahahahahhahahahahaahhahahaha"
Pinahid ko pa ang luha ko. Pero hindi na iyon luha dahil sa sobra kong pagtawa..
Pagkatapos kong tumawa di ko mapigilan na humikbi..putangina mo Princess...nababaliw ka na..
"Una, si Mira...ngayon ikaw naman?"
Kita ko kung gaano sya nagulat sa sinabi ko..yaan na, this is my time to shine. Ibubuhos ko na to ng buong puso.
Laban lang princess.
"Anong problema nyong mag-asawa? Putangina nyo, pakamatay na kayo hahahahhahahahahahhahahahahahahha" umalingawngaw sa buong tahimik na paligid ang walang kwenta kong pagtawa. Habang ang kausap ko raw kuno ay tahimik lang na tinititigan ako.
"Sumuko na ko diba? Wala naman akong talent fee sa pagiging kontrabida ko sa inyo eh." Hindi ko na napigilan ang pag iyak ko..bahala na, si Daryl naman to eh. Sanay na iyan sa pag iyak ko.
"Princess---"
"Ayokong magmukhang kontrabida bukas...iyon ang totoong dahilan kung bakit di ako pupunta.."
"Ayokong makita kang ikakasal sa iba kaya ginawa kong excuse ang pagkanta sa fair bukas..."
"Makinig ka---"
"Ayokong umiyak sa harap nyong dalawa. Ayokong makita kayo. Kasi nga diba? Ako iyong kontrabida..."
"Listen---"
"Kung bibigyan ako ng tyansang agawin ka, gagawin ko ba? Syempre hindi! Pagod na akong umarte ng walang sweldo hahahahahhahahaha"
"Princess---
"Iyon iyong tanong sakin ni Mira."
"Please liste--"
"Daryl, bakit ba ang gaga ko? Ilang beses na akong nabokya...ang malas kong babae...I just realized that I dont deserve you."
"PRINCESS KIM MAKINIG KA SAKIN."
natigilan ako ng bigla syang sumigaw. Unalingawngaw ang boses nya sa paligid. First time ko syang narinig na sumigaw ng ganito ka lakas.
"Princess.." humina iyong boses nya..
Almost like a whisper..
"Princess....sorry. sorry na pinaiyak kita..sorry na di ko tinupad yong pangako ko. Sorry if I disappoint you."
Umiling iling ako sa kanya..
No Nana....
"I'm here, I'm here to fix us.." bulong nya..
"You told me, walang tayo diba?" Mapait akong napangiti...
"Have a happy marriage...I hope this is the last time na ganito tayo. And yes Daryl....handa akong isalba iyong imaginary na tayo..we're friends now..."
Tinalikuran ko na sya..iyong amin? Hindi naman iyon nag eexist..we're just the emo buddies. Lalayo na lang siguro ako...
Tama..
Lalayo na ako.
Mula sa kanya. Mula kay Mira. Mula sa kanila.
Tatakbo na sana ako
Pero bago pa ako makalayo naramdaman ko ang kamay nya sa braso ko. Hinila nya ako palapit sa kanya..
Niyakap nya ako mula sa likod.
A warm and heartbreaking backhug. Dumaloy na na parang talon ang mga luha ko. Basang basa na ang pisngi ko.
"Princess.." bulong nya
"Princess I love you..."
BINABASA MO ANG
APPLE JUICE (Minju x Jaemin) ✔
Fanfiction"Beer ang sabi ko. hindi apple juice." "Huh? Beer naman iyan ah." 🚨Nctzone series #1: Jaeminju🚨