75

58 2 2
                                    

Princess Kim

"Para sa kagandahan!!!!!!" Itinaas ni Kriza ang baso nya..Kami namang mga uto uto itinaas rin namin ang baso namin..

"Cheers!!!" Sabay namin sigaw. Nagtawanan pa kami bago namin nikagok iyong inumin.

Natigilan naman kami ng may sumilip sa bakod nila Cerise..galit na galit at umuusok ang ilong..

"Pwede bang magsitahimik kayo?? Nakakaistorbo na kayo sa tulog ah!!" Sinigawan nga kami ng feelingerang kapitbahay ni Cerise.

"Fuck you!" Gaga! Lasing na nga si Cerise..itinaas nya pa ang gitnang daliri nya doon sa babae..

"Fuck you too bitch!!" Sigaw nung babae..tinawanan lang namin ang reaksyon nya..

"Fuck you whore!!!" Sabay sabay namin sigaw sa kanya..pagkatapos noon ay magsitawanan nanaman kami...

Gf kasi iyon ni Luke, tapos umalis ng bansa iyong isa naming kaibigan na si Nicole na ex ni Luke dahil sa kagagahan nung babae..

Mga ilang minutong sigawan pa ang namutawi bago napagdesisyunan nung bakekang na magwalk out...aba! Wag nya kaming hamunin sa sigawan..lalo na pag buo kami..at lalong lalo na pag lasing kami..

"Di ako makapaniwala na iyon ang ipinalit ni Luke sa kay Nicole....I mean like..wala na bang taste ang henerasyon ngayon?" Natatawang sabi ni Elaine Unnie..

"Bakit ikaw ba may taste ka ba?" Natahimik si Elaine Unnie dahil sa pambara ni Iris.

"Wala kang galang na bata ka." Binatukan nya ang babae..

Tahimik lang si bella at precious na uniinom ng applejuice sa tabi...underage pa sila kaya pa applejuice lang muna..

Iyon naman sana ang pakay namin dito sa bahay ni Cerise pero ang bruha..bumili ng alak kaya eto kami ngayon..mga tanga na nagtatawanan.

Okay na sana eh...nag enjoy na sana ako pero bigla na lang may pumasok sa gate nila Cerise.

Napawi ang ngiti ko ng makita ko kung sinu sino ang nagsipasukan. Tumigil ang mga mata ko sa iisang lalaki..

Halos maduling na ako...ito ba ang sinasabi nilang babagal ang mundo pag nagtitigan kayo?

Pero di pwede eh...

He's not mine anymore..

......

Ha ha ha..

Bukas na pala...

Ikakasal na sya bukas..

"Princess..mag-usap tayo." dalidali syang lumapit sa pwesto ko.. natahimik kaming lahat. Bawat kilos ni Daryl ay binabantayan ng mga tao sa paligid...pati ako.

"Ayoko."

Letse...nahihilo na ako..

"Princess Kim.." tawag nya sakin ng may pagbabanta.

Kung may ulirat pa sana ako ngayon talagang sasama ako sa kanya..nakakatakot ang boses nya...pero lasing ako..kaya wala lang iyong epekto sakin..

Ngangawa pa sana ako ng bigla nya na lang akong hinila kung saan..di ko na narinig pa ang sigaw nila Cerise. Inaawat sila nila Matthew..

Ano nanaman ba to Daryl?

Sumuko na ko diba?

Bakit nandito ka nanaman?

APPLE JUICE (Minju x Jaemin) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon