80

125 8 1
                                    

Flashback 

Daryl Na


Nakaharap ako ngayon sa babaeng papakasalan ko. Walang emosyon kong pinagmamasdan ang sahig.

Kita ko si Tristan at David na nagsisikuhan sa tabi. Hayyysss kung kaedad ko lang sana sila..

Ayoko naman talaga pakasalan tong si Mira. Pero iyong mga magulang ko na nasa Canada. Gustong gusto akong ipakasal sa babaeng to.

Then sila pa ang wala ngayon. Tss.

Lumipad masyado ang isip ko at di ko na namalayan na kailangan na pala naming magpalitan ng mga salita. Si Mira ang unang nagsalita imbis na ako dapat.

"Daryl Na." Hindi ko kayang tignan sya. Nanatili paring sa sahig ang titig ko.

"Daryl Na, I just want to ask you something." Inangat ko ang tingin ko sa pari.

"Daryl do you really want to marry me?" Natigilan ako sa sinabi nya. Ano to? She's asking me?

Paano kung hindi?
Paano kung ayoko?

"Mira--"

"Daryl, just answer my question." Nagbulung bulungan ang mga tao sa paligid. Sila Jiro naman ay naaaliw lang na pinagmamasdan kaming dalawa

"Daryl Na, just answer me...honestly."

Pinapakawalan nya ba ako? Sa mismong kasal namin? Kung oo, paano sya? Mapapahiya sya.

"Daryl. Do you really want to marry me? Live with me? Have ki--"

"No."

Nagsinghapan ang mga tao sa loob ng simbahan.

Kita ko ang pagngiti ni Mira sa likod ng puti nyang belo.

"Just as I've expected."

Walang emosyon ko syang tinitigan. Parang wala lang din naman sa kanya. Hindi man lang sya nasaktan.

She didn't love me.

"No?"

Tumango ako.

"Then I'll let you go." Lumaki ang mata ko sa sinabi nya.

Totoo?

Putangina? Naubos ang luha ko kakaiyak kagabi dahil nabakla ako sa babaeng nagngangalang princess kim. Umiyak ako kagabi kasi akala ko wala na talaga akong kawala. Tapos etong babaeng to? what the?

"Go Daryl." Tumayo na sila Jiro nang nakangisi sa kin.

"She's broken, singing her heart out infront of the crowd right now."

Ito pa ang isang dahilan kung bakit ayaw ko syang pakasalan eh. Kaya ko namab syang tapatan sa english pero mas gusto ko iyong tagalog na trashtalker.

"Are you sure?" Tanong ko. Pero ang totoo gusto ko nang umalis sa harap nya. Tumango lang sya sakin.

"Go....before I change my mind and marry--"

"Thanks." Huli kong sabi bago ako tumakbo palabas ng may malapad ka ngiti.

Princess Kim humanda ka sakin...lulunurin kita sa kagwapuhan ko.

----

Princess Kim

"Happy birthday baho!!!!"

Gaga talaga tong mga babaeng to. Sabay sabay pa nila iyong sinigaw. May dala dala silang mga torotot at party hat na disney.

APPLE JUICE (Minju x Jaemin) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon