ONE NIGHT TO ONE LOVE (PART 1)

6.3K 66 0
                                    

ONE NIGHT TO ONE LOVE
Written by: Jinky Tomas

CHAPTER 1

PAG-AALINLANGAN sa kanyang sinabi ang maaaninag sa mukha ng amang si Don Romino. Unica hija siya ng mga Recasio. Napamahal na sa kanya ang Recasio Coco Industry, ang kompanya ng kanilang pamilya na naging daan upang bumuti ang kanilang kabuhayan at maraming mga ordinaryong manggagawa ang nakikinabang. Sariling desisyon niya ang kumuha ng kursong Business Management. Dahil gusto pa niyang magkaroon ng kaalaman para lalong maging maayos ang pagpapatakbo sa mamanahing kabuhayan, ipinagpatuloy niya ang kumuha ng Agriculture Technology major in Crop Science. Ang mga kaalamang ito ang magiging pundasyon sa kanilang kompanya. Sa edad niyang twenty six, dalawa na ang kursong tinapos niya at parahong naipasa ang board exams para dito. At kahit ano pang gusto niyang kuning kurso ay hindi siya mahiihirapan. She has brain and money.

“Bakit tila biglaan, anak? Diin ka pa-kadto?”

“Gusto ko sa Batac, dad.” May excitement na sumilay sa kanyang mga mata. Kapag nauugnay ang lugar na ito ay nag-iiba ang kanyang mood. Nakakaramdam siya ng kakaibang saya. Ang lugar ay parang palaging humahatak sa kanya na puntahan ito. Nabibighani talaga siya sa lugar na iyun kahit bata pa siya noong pabalik-balik na apakan ito.

“Sigurado ka bang si Jestoni ang dahilan? Are you really leaving?” Hindi na niya maalala kung ilang beses tiniyak ng kanyang ama kung talagang aalis siya at sa loob pa rin ng Pilipinas ang destinasyon. Kapag nakakaramdam na ng stress and toxic situation ang dalaga, siguradong sa ibang bansa niya gustong magpalipas ng oras.

“Hindi ka naniniwala sa akin, daddy?” Nagsalin siya ng coconut juice na galing sa kanilang mga niyugan. Ito ng pinakagusto niyang inumin sa tanghali dahil bukod sa sariwa at malinamnam, may maganda pang dulot ito sa katawan.

Matagal bago siya sinagot ng ama. “I am worried, hija. Kapag malaman ng mommy mo itong binabalak mo, siguradong hindi tatapusin ang anim na buwan niyang European tour.”

“Then, why tell, dad?” Naging mahigpit ang bilin ng ginang na hindi siya aalis ng Romblon habang siya ay nasa bakasyon. May mga pagkataon kasi noon na tumatakas siya kasama ng kanyang mga kaibigan para pumunta sa ibang lugar. May pagkakataon na muntik na silang maaksidente nang sumadsad ang sinasakyan nilang private plane ng isa niyang kaibigan. Mabuti na lamang at hindi bumagsak ang sasakyang panghimpapawid sa masukal na kagubatan. Malapit sa dagat bumagsak ito, kaya walang masyadong nasaktan sa kanila, maliban sa ilang galos at bukol sa ulo na kanilang nakamit.

Since then, ayaw ng kanyang ina na basta na lamang siyang aalis ng walang paalam at higit sa lahat, ayaw ng ginang na umalis siya habang ang mommy nito ay nasa ibang bansa.

Nagseryoso ang don. “Are you asking me to tell lies?”

“Dad, pagbigyan mo na muna ako. I will tell mom about it. Kailangan ko lang munang lumayo kahit sandali. Inis na inis talaga ako sa Jestoni na iyun. Akala mo kung sinong tao. Ang hirap pakiusapan. I told him, I will not going to like him, pero matigas ang ulo. Mas matigas pa sa bungo ng niyog.” Naningkit ang mga mata ni Jinry.

“Be careful how you will talk to your mom. Ayaw kong magtampuhan kami dahil sa pabugso-bugso mong desisyon, Jinry.”

“Promise, dad. Hindi ko kayo idadamay sa sitwasyon na ito. Alam kong mas matutuwa si mommy kasi sa kapatid niya ako mamamalagi.”

“Tinawagan mo na ba si Maring para sabihin ang iyong pagdating?”

“Not yet, dad. I will not. Gusto kong sorpresa ang pagpunta ko doon.” Napalitan ng sigla ang kanyang boses.

“Gusto mong isama ang isa sa mga kasambahay? Baka maligaw ka, anak.”Bilang ama, hindi madaling mapanatag ang kalooban nito lalo at nag -iisang anak si Jinry.

ONE NIGHT TO ONE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon