ONE NIGHT TO ONE LOVE (PART 5)

1.9K 40 0
                                    

HUMARAP siya sa salamin at kinausap ang kanyang sarili. Pinagalitan niya ang kanyang isip na hindi niya dapat binabalikan ang mga ganoong sitwasyon dahil hindi ito nakabubuti sa kanya. Magdudulot lamang ng kalituhan. Ang mabuti pa ay matulog muna siya sandali at ipinangakong sa kanyang paggising ay nabura na ang bagay na iyun.

“Ate Jinry?” Kumakatok si Michelle. Dumating na ang kanyang pinsan.

“Bukas iyan, Michelle. Come in.”

Bumukas ang pinto at iniluwa sI Michelle. Nagmamadaing lumapit ito sa kanya. “Masama ba ang pakiramdam mo, ate? Gusto mo bang sumaglit sa clinic?”

Natawa siya sa pinsan nito. “Michelle, pagod lang ito kaya wala kang dapat ikabahala.”

Nakahinga ng maluwang ang pinsan nito. “Mabuti naman kung ganoon, ate. Saan ba kayo nanggaling ni Inay?”

“Kina Roden.”

“As in Kuya Roden? Ang pinakaguwapong suki ni Nanay?”

Nakangiting tumango ang dalaga dahil sa reaksiyon ng dalaga. “Nakita mo na pala siya, ate. Ang gandang lalake niya, ano?”

“Well, oo.”

“Sayang talaga at matanda na siya sa akin at ninang ko pa ang nanay niya. Para kaming magkapatid. Kaya, hindi na niya napansin ang alindog ko.” Humagikhik ito.

“Michelle, hayaan mo muna ang pinsan mong magpahinga. Baba!”

Pagkatapos nilang magpalitan ng tingin ay pinagsaluhan nila ang malutong na tawanan. Kahit nasa pangalawang palapag na sila ng bahay ay napakalinaw pa rin ang boses ni Maring kapag sinisita niya ang anak nito sa kanyang ginagawa. Nagpaalam ang kanyang pinsan at bumababa ito.

“READY, Jinry?” Masayang si Roden ang kanyang nagisnan sa sala.

Dalawang araw pagkatapos nilang nagkakilala ng binata ay sinadya siya ni Roden sa kanilang bahay para yayain siyang mamasyal. Hiniling nitong isama nila si Michelle ngunit tumanggi ang kanyang pinsan dahil may nauna na itong nakatakdang lalakarin.

“Oo, Roden. Magpapaalam lang ako kay nanay.”

Akma siyang pupuntahan si Maring pero sumulpot ito sa sala at masayang nakatingin sa kanilang dalawa. “Lalakad na ba kayo?”

“Opo.” Nahihiya siyang sumagot sa tiyahin.

“Sige. Mag-ingat kayong dalawa. Roden, nakahanda na ang mga orders mo sa shop, daanan mo na lang.” At bumalik ang ginang sa kanyang kuwarto para maghanda na rin para mapuntahan na ang kanyang empanadahan.

Napatingin siya sa binata. Masuyo siyang tiningnan ito at inalalayan sa siko si Jinry. “Tara?”

Mabini niyang ginantihan ang mga ngiti ni Roden sa kanya.

“Are you really serious with this?” Hindi maiwasang matawa ni Jinry sa hitsura ni Roden.

Pagkatapos niyang alisin ang jacket nito ay tumambad ang isa pang pang-itaas na suot nito, kulay orange ito at nang itaas ni Roden ang laylayan ng pantalon nito ay lumitaw din ang kulay orange niyang mga medyas. Hindi pa nakuntento ang binata at isunuot nito ang orange cap na kinuha niya sa backpack nito.

“I told you, I love empanada so does the color.”

Tinatakpan ni Jinry ang kanyang bibig para hindi makatawag ng pansin ang malakas niyang pagtawa habang nasa isa sila sa mga cottages sa Paoay kung saan ang over view ay ang malinis na Paoay lake.

“Pinagtatawanan mo ako.” Pinandilatan siya ni Roden at lumapit sa tumatawa pa ring dalaga.

“Hindi!” Tanggi ng dalaga ngunit namumula na ang mukha nito sa kapipigil na ibulalas ang kanyang tawa.

ONE NIGHT TO ONE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon