ONE NIGHT TO ONE LOVE (PART 9)

1.9K 43 0
                                    


“HOW is Jestoni?”

“Kasal na kayo ni Alexa?”

Nakayukong tumawa si Jinry. Nang lingunin niya si Roden ay napapailing din itong nakangiti habang nakatingin sa kanya. Sabay silang nanahimik at sabay din silang nagsalita at halos magkapareho ang tinutumbok nilang dalawa.

“You first.” Pagbibigay-daan ni Roden sa kanya.

“I am asking if you and Alexa are married.”

“I don’t have any ring in my finger.” Itinaas pa ni Roden ang kanyang kamay para makitang nagsasabi ng totoo si Roden. Wala ngang nakasuot na wedding ring ang binata.

Hindi pa sila kasal ni Alexa. Pero, hindi pa rin ito sapat para mapanatag ang kanyang kalooban na mamahalin din siya ng lalakeng nakakapagbigay sa kanya ng katuparan sa kanyang vision at totoo ang mga sinabi niya sa sarili dahil nangyari iyun sa pagitan nila ni Roden. Ang kaibahan lang ay hindi parehas ang naramdaman nila ni Roden dahil para sa kanya ang gabing iyun ay isang masamang panaginip hindi kagaya na itinuring niyang magical ang tagpong iyun.

“And you’re still together?”

“No. Noong gabing nakipaghiwalay siya sa akin ay hindi na kami muling nagkabalikan pa. How about Jestoni? Kayo na ba?”

Umiling ang dalaga.” Hindi ko siya kayang mahalin at paasahin. Mayroon na siyang kasintahan at tanggap na rin niya ang pagkabigo niya sa akin. We are good friemds.”

“That’s good news, Jinry. Atleast, may pag-asa.”

“Pag-asa?”

“Forget about it, Jinry. So, can we go somewhere else?”

“I will show you our coco sugar factory.”

“Sounds interesting.”

Napansin niya kung paano siya hawakan ni Roden sa siko. At hindi nagtapos ang pag-alalay ng binata sa kanya. Hanggang sa marating nila ang sinasabing lugar ng dalaga ay nakahawak pa rin ang binata sa palad ni Jinry.

Nagkatinginan ang mga nadatnan nilang mga tauhan. Pasimple niyang kinalas ang kanyang palad na hawak ni Roden. Namula ang kanyang mga pisngi.

“Ang guwapo naman ng boyfriend ninyo, Maam Jinry!”

“Bakit ngayon mo lang siya dinala dito, maam?”

Pinandilatan niya ang dalawang dalaga na nagangantiyaw sa kanya. “Hindi ko siya boyfriend.”

Naghagikhikan ang dalawa na panay pa ring sulyap sa katabi niyang binata.

“Hi, ladies!”

Dahil sa sinamahang kindat ang pagbati ni Roden ay lalong natawa ang dalawang babae.

“Siya si Roden, siya ang agriculturist na sinasabi ni Daddy na bibisita sa ating kompanya. Umaasa ako na magiging maayos ang pakikitungo sa kanya.”

“Kahit hindi mo sabihin, maam! Kahit nga dito na lang si Sir Pogi manirahan ay talagang magiging maayos ang pakikitungo namin sa kanya.”

May isang babaeng naglakas ng loob na lapitan si Roden at kahit naroon siya na boss ay hindi nahiyang magpakita ang babae ng matinding atraksiyon sa kanyang kasama.

Tumabi kang babae kung ayaw mong palayasin kita at tanggalin sa trabaho! Nagngitngit siya dahil halatang nasisiyahan naman ang binata sa mga ginagawa ng mga ito sa kanya.

“Back to work!”

“Nagselos tuloy si .aam Jinry! Kayo kasing mga babae, basta guwapo ay gustong sunggaban!” Sinita sila ng isang nakatatanda sa kanilang mga trabahante. Matamis siyang ngumitt sa ginang na umawat sa kalandian ng mga dalaga nilang employees. Parang gusto niyang i-promote sa lalong madaling panahon ang babaeng ito.

ONE NIGHT TO ONE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon