PANSAMANTALA muna siyang umupo habang nakatitig sa mga hawak nitong ibinigay sa kanya ng nakaalis ng binata. Kung mababasa lang ni Jestoni ang totoo niyang nararamdaman, makikita nitong hindi totoo na mayroong siyang kasintahan at naging masaya ang kanilang pagsasama kaya gumanda siya.
Ang totoo nito ay ginalingan niya ang magkunwari kapag nakaapak na siya sa kanilang tahanan. Gusto niyang ipakita sa lahat na naging masaya ang kanyang bakasyon at tuluyan na ssiyang handa para harapin ang mga trabaho niya na iniwan ding pansamantala.
Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang binatang unang nakilala niya sa Batac. Kahit pa siguro sinabi ng binata na hiniwalayan siya ng kasintahan nitong si Alexa noong maramdaman niya ang kislap sa paligid habang salo ni Roden ang kanyang katawan,ayaw niyang maniwala na basta na lamang pakakawalan ng binata ang kasintahan nito. Larawan ng dalawa ang nagmamahalan na walang makapaghihiwalay sa mga ito.
Ni walang kahit na anino ni Roden ang nagpakita sa kanya o nagparamdam lamang, patunay ito na naayos ng binata ang gusot nila ng kasintahan. Tama, marahil ay may simpleng pagtatampo lamang ang naganap sa pagitan ng dalawa. At tiyak niyang dahil abala si Roden sa pag-aasikaso kay Alexa ay hindi pa niya naman na nakauwi na siya sa kanila.
BAGSAK ang mga balikat ni Roden nang marinig nito ang malungkot na balita. Nasa bahay siya ng mag-inang Maring at Michelle. Nais niyang yayain si Jinry na pupunta sa farm kinabukasan. Balak na rin niyang sa bahay nila siya matulog para madaanan niya ang dalaga.
“Akala ko nga ay dito muna siya hanggang matapos ang pagdiriwang ng ating kapistahan.”
Ang pista ay sa katapusan at may isang buwang activities ang isinasagawa ng siyudad. Isa na rito ang pagbibigay-pugay sa mga balikbayan.
“Hidi ko alam na uuwi na siya, Aling Maring. Hindi na kasi kami nag-usap pagkatapos noong isang gabi.”
“Nabigla din kami ni Michelle kasi noong nakauwi na kami ay nagpaalam na lang siya na uuwi na kinabukasan. Tumawa na ang daddy niya kanina, nasa kanila na si Jinry.” Pagbabalita ni aling Maring at may lungkot na sumilaw sa mga mata ng ginang.
“Kuya, alam ko ang address ni Ate Jinry sa Romblon. Gusto mo ba siyang puntahan o dalawin? Siguradong matutuwa siya pag nakita ka niya.”
“Michelle, iyang bunganga mo. Huwag kang sumasabat kapag hindi ka kinakausap. Nakakahiya kay Roden.”
“Okay lang po, Aling Maring. Sige, Michelle. Kapag may oras ako ay dadalawin ko si Jinry.”
Makahulugang kinindatan ni Michelle ang binata. Hindi maintindihan ni aling Maring kung anong pinag-uusapan ng mga titig nina Roden at Michelle. Nagdesisiyon niyang iwan ang dalawa para sila na ang mag-usap.
“Kuya Roden, mahal mo ba si Ate Jinry?”
Nagulat ang binata salantaran tanong ni Michelle sa kanya. “Michelle, anong sinasabi mo?”
“Pesensiya ka na, kuya. Napapansin ko kasi na iba ang titig mo kay Ate Jinry. And take note, Kuya Roden, kapag magkasama kayo ay kakaiba ang mga palitan niyo ng ngiti. Kumikinang pa ang mga mata ninyong dalawa..” Panunukso ni Michelle.
Napatawa si Roden sa sinabing iyun ni Michelle sa kanya. “Kung anong napapansin mo, Michelle. Ang mabuti pa ay uuwi na ako sa amin.”
“Ibibigay ko na ang address ni Ate, Kuya?”
“Oo, Michelle. Gusto ko talagang makausap ang pinsan mo.”
“Walang problema, Kuya. Pero, paano po si Alexa? Hindi kaya makakasama sa relasyon ninyo kapag magseelos siya kay ate Jinry?” May pag-alala sa tinig ng dalaga.
“Wala na kami ni Alexa, Michelle. Higit niyang pinili ang pangarap niya na manirahan sa ibang bansa.”
“I’m sorry to hear that, Kuya. Hindi na ba ito maaayos, kuya?”
“Sinubukan naming mag-usap, Michelle pero wala na talaga.”
“Huwag ka ng malungkot, Kuya. Malay mo, may mas higit na para saa iyo tulad ni Ate Jinry.”
Gusto niyang yakapin ang pinsan ni Jinry sa sinabi nito sa kanya. Hindi niya kailangang magmadali, bibigyan muna niya ng pagkakataon ang sarili na maghilom ang sakit na nararamdaman niya. Gusto niyang makatiyak na hindi niya lang gustong magpalipas ng sama ng loob kaya gusto niyang makita si Jinry.
Kailangan niyang matiyak ang kanyan nararamdaman. At kung mapapatunayan man niyang totoo ang kanyang hinala sa sarili, gagawin niya ang lahat para magingg maayos ang kanilang sitwasyon. Hindi niya muli pang pakakawalan ang dalaga.
“Salamat sa oras mo, Michelle. Paano, uuwi na ako.”
“Sige po, Kuya. Mag-ingat ka palagi.”
Tumango ang binata sa kausap bago tuluyang lumabas ng bahay. Deretso na siyang uuwi sa kanilang bahay. Nakuha na niya ang address ni Jinry. Maingat nitong isinilid ang kapirasong papel sa kanyang wallet. Pinaandar niya ang kanyang motorsiklo at kinawayan na lamang si Aling Maring na nakadungaw sa bintana.
------
INIBA ni Jinry ang pag-uusap nila ng pinsan. Aayw niya munang makarinig na kahit na simpleng impormasyon tungkol sa binata.Pinipilit niya ang kanyang sarili na maging maayos ang lahat. Inaabala niya ang kanyang sarili sa mga gawain sa opisina para malibang siya at hindi nakatuon ang atensiyon niya kay Jinrry.
Naisip niyang burahin ang pinapaniwalaan niyang vison para makilala niya ang susunod niyang pag-ibig. Hindi ito totoo, tinawag nga itong bangungot ni Roden. Marahil, hindi talaga siya nito gusto kaya nasabi niya ang bagay na iyun sa kanya. Nakakasakit ng ng damdamin, dahil kay Roden niya unang sinabi ang mga hinahanap niyang senyales para masabing pag-ibig ang pumupukaw sa kanya. At mismong ang binata niya nakita ang mga ganoong pagkakataon.
Kung mahihiya siya sa sarili o matutuwa ay hindi niya batid. Ano na ang kaya ang sasabihin ni Roden? Sa sinabi niyang one nigt to one love ang engkuwentro nila ng binata sa gabing iyun, ang matatawag na yata niyang most embarrassing moment in her life.
Kung ibang lalake lang, magiging kampante pa rin siya dahil iyun ang una nilang pagtatagpo. Pero, iyung kay Roden mismo nangyari? Wala na siyang mukhang maihaharap pa sa binata.
“Ate, ibinigay ko pala---“
“Michelle, mamaya ulit tayo mag-usap. Narito na kasi ang mga kliyenteng kakausapin ko.” Nagmamadali niyang pinatay ang kabilang linya at tumayo para kamayan ang mga kararating na mga kapwa niya neosyante.
Nakaramdam ng panghihinayang si Michelle nang tuluyan ng maputol ang pag-uusap nila ng nakakatandang pinsan. Kanina pa sila nagkukwentuhan ng dalaga, ngunit huli na ng maalala niya na hiningi ni Roden ang tinitirhan nito. Hindi naman siguro magagalit si Jinry sa kanya lalo pa at may magandang hangarin naman si Roden kung bakit siya pupunta.
Umaasa na lamang siya na anumang mangyayari sa pagitan ng dalawa ay parehong ikabubuti ng mga ito at matutuwa sa kalalabasan.
![](https://img.wattpad.com/cover/188786439-288-k797731.jpg)
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT TO ONE LOVE (COMPLETED)
Ficción General"I found you're magic night weird, until you finally spelled love to my heart, you pretty wicked." Simpleng inis ang dahilan kaya iniwan ni Jinry ang mala-prinsesa niyang buhay sa Romblon. She chose to live with her aunt and cousin. Pinag-aralan ang...