“DADDY, hindi ba mas praktikal na sa mismong sa Agriculture department?” Malaking bagay ito sa kanilang negosyo dahil pabor iyun lalo na sa lalong pag-usbong at pagpapalago ng kanilang negosyo.
May isang regional agriculturist na bibisita sa kanilang farm dahil gusto nilang obserbahan ang ginagawa nilang coco sugar at barbecue charcoal na gawa sa coconut shells.
“Sabi ng tito mo na Agriculture undersecretary, mismong ang kompanya natin ang pinili, hija. Are you not happy about it?”
“Siyempre, masaya po, Daddy.”
Hindi mawala sa mukha ng kanyang ama ang labis na kasiyahan nito. Makakatulong para mapalawak ang kanilang produkto. Kung may pakakataon ay kanya na ring bubuksan sa usapa ang binabalak niyang coconut cake and sugar cane wine aand candies, ganun din ang lumalago na niyang sugarcane plantation.
Nakatulong ang kanyang determinasyon at oras para magampanan niya ang mga ito at maisagawa ang matagal na niyang plano pagdating sa agrikultura.
Ito ang pangunahing pinaglalaanan ng panahon ng kanilang bayan. Unang produkto nila ang niyog at pumapangalawa naman ang palay.
“Hindi ka pa ba uuwi ng bahay, hija?”
“Mamaya na, Daddy. Mauna na lang po kayo para makapaghinga.”
Paalis na ang ginoong nang may mapansin ito sa mesa ni Jinry. “May bulaklak ka na naman palang natanggap. At ano iyang nasa temperature bag?” Ininguso ni Don Romino ito.
“Longganisa, dad.”
“Sino kaya ang nagbibigay sa iyo iyan, anak? Weekly kang nakakatanggap ng sariwang bulaklak at may pagkain pa. Kung wala pang kasintahan si Jestoni ay siya ang unang iisipin kong nagbigay iyan.”
Patay-malisyang nagkibit ng balikat ang dalaga. Hindi niya alam kung sinong nagbibigay ito sa kanya dahil sa guard ito iniiwan. Pareho ang description ng guwardiya sa nagdadala ng bulaklak. Wala man lang pagkakakilanlan kung sino ang nagbibigay ito sa kanya. May card ding kalakip ang bulaklak ngunit simpleng mensahe lamang ang nakalahad sa pamamagitan ng tula.
Dahil natatakot siyang kainin ang longganisa kahit masarap sa pang-amoy dahil kapag ibinibigay nito sa mga katulong ay niluluto nila agad. Wala namang kakaibang napapnsin sa mga kasambahay nila, kaya alam niyang safe kainin ang mga ito. Ganoon pa man ay ayaw pa rin niyang ilagay sa alanganin ang kanyang kalusugan.
“Wala akong ideya, daddy. Ang mabuti pa po ay umuwi na kayo at magpahinga.” Pagtataboy niya sa kanyang ama.
“Tama ka, Jinry. Ito na ang mga senyales ng mga tumatanda. Kailangan ng humiga ng mas maaga. Maiwan muna kita, anak. Umuwi ng maaga. Napag-iiwanan ka na ng panahon. Balita ko ay may kasintahan na si Jestoni.”
“Bye, Daddy.” Kinawayan niya si Don Romino.
Nabuga ng hangin ang dalaga. Iiang taon na ang nakakalipas mula noong tuluyan ng tumigil sa pagsuyo si Jestoni. Ang kasintahan nito na tinutukoy ng kanyang ama ay dati rin nilang kaklase noong mga high school pala sila. Alam niyang magiging masaya ang binata sa piling ng kasintahan nito dahil mabait ito at masipag na dalaga.
Bata pa siya. Sa batch nila ay hindi lamang siya ang dalaga. Marami pa sila at ayaw niyang magmadali sa larangan ng pag-ibig. Gustong maghintay ang kanyang puso para hindi siya masaktan sa huli. Nakatatak pa rin sa isip niya si Roden. Aminado siyang hanggang ngayon ay nasa isipan pa rin niya ang binata at sariwa pa ang mga alaala nilang dalawa.
Kumusta ka na, Roden? Nais niyang kumustahin ang binata kay Michelle pero nag-aalangan siyang gawin ang bagay na ito.
Napatingin siya sa mga bulaklak na inilagay niya sa vase para magtagal man lang ng ilang araw ang mga kasariiwaan ng mga ito. Sumungaw sa kanyang puso ang pag-asa na sana minsan ay si Roden naman ang magigay sa kanya ng mga ito.
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT TO ONE LOVE (COMPLETED)
General Fiction"I found you're magic night weird, until you finally spelled love to my heart, you pretty wicked." Simpleng inis ang dahilan kaya iniwan ni Jinry ang mala-prinsesa niyang buhay sa Romblon. She chose to live with her aunt and cousin. Pinag-aralan ang...