PAGKATAPOS ng kanilang salo-salo ay nakiusyuso siya sa kusina at tumulong. Mayroon daw silang isang daang pirasong order na kukunin mamayang hapon. Lalo siyang humanga sa tiyahin, may sarili siyang pwesto sa bayan at may mga tauhan, ngunit may mga pagkakataon na kapag order ng mga malalapit sa kanya at dati ng suki, siya mismo ang naglalaan ng oras para siya ang maghanda. Bagamat sa ilan, simpleng negosyo ang ang paggawa nito, ang kanyang tiyahin ay kumikita na ng halos isang daang libo sa bawat araw sa dami ng kanyang kliyente at suki. Minsan, may mga frozen na rin siyang delivery sa mga kalapit-bayan ng Ilocos. Hinahanap-hanap kasi ang timpla ng kanyang tiyahin.
“Nanay, bakit hindi na lang kayo magtayo ng branches?” Naisip ng dalaga.
“Dito na lang, anak. Kung tutuusin, dito na sa Batac ako nagkaroon ng buhay at ang timpla ko ang magsilbing pasasalamat sa mga biyayang natatanggap namin sa araw-araw.”
“Kaya po gustung-gusto ang luto mo, Nanay. Kasi hindi ka ang nagluluto para kumita kundi nais mong maghanda na may halong pagpapahalaga at pagmamahal, Nanay.” Totoo sa kanyang kalooban at may halong paghanga sa prinsipyo ng kanyang tiyahin.
Karamihan sa mga negosyante ngayon ay ang kikitain nila ang una nilang iisipin at nakakahiya mang isipin ay pati ang kanilang coco industry ay priority nila ang kumita at mapalago ang kanilang negosyo para maging kilala ito sa business world.
Masaya silang nagkukwentuhan ang mag-tiyahin ng biglang nagsalita si Michelle na humahangos papuntang kusina. “Inay, nandito na ang inutusan ni Kuya Roden na kumuha ng mga empanada!”
“Sige, papasukin mo na. Ikaw na muna ang bahala sa kanila, Michelle.”
“Opo!”
Alam ni Michelle na sabik ang dalawa na mag-usap. Pabibigyan muna niya ang kanyang inay, dahil mamayang gabi ay sosolohin niya ang oras ng pinsan.
“Bakit hindi na lang po sa shop kumuha ang Roden na iyun ng produkto, Nanay?” Binalot ng kuryosidad ang dalaga ang mapansing tila hindi magkandauto si Michelle sa pagbibigay ng bilin kung paano buhatin ang mga lutong empanada para hindi ito masira.
“Matagal at loyal kong suki si Roden, anak. Nagbinata na siya sa pagbili sa akin ng empanada. Kaya naman napamahal na rin ako sa batang iyun. At palagi niyang request sa akin na kapag kukuha siya ay ako ang magluluto at magbibigay siya ng extra bayad para sa pagod ko.”
“Talaga po? May pagka-demanding din pala ang Roden na iyun! ” Lalong nagkaroon ng interes ng dalaga na lumalim ang pag-uusap nila ng ginang.
Napangiti ang ginang sa kanyang naging komento. “Mabait si Roden, Jinry. Sa lahat ng mga kustomers ko, siya itong pinakamabait sa kanila.”
“At sobrang guwapo niya, Ate Jinry!” Saad ni Michelle na papalapit sa kanila. Kapansin-pansin ang kilig na nararamdaman ng nagdadalaga niyang pinsan.
“Michelle, ayan ka na naman. May kasintahan na iyan at malapit nang ikasal!” Pinandilatan ng ginang ang kanyang anak.
“Matagal ko na pong tanggap, inay. Hanggang paghanga lang talaga ang kalalagyan ko.” Lumapit ang dalaga sa kanila at inakbayan nito ang kanyang ina.
“Seems you like him a lot.”
“Konti lang Ate Jinry, para ko lang kapatid si Kuya Roden. Kung edad lang din ang pag-uusapan, mas bagay kayong dalawa sa agwat.”
“Tigilan mo nga ang pinsan mo, Michelle. Kung anu-ano ang sinasabi mo diyan. Sinabi ng may kasintahan si Roden. Hindi magandang ang dalagang tulad mo ang parang nagpapakita ng nararamdaman mo sa lalake.” Mahabang sermon ng ginang.
Tumawa si Jinry nang balingan siya ng pinsan at kindatan nito. Hindi man niya lubusang kilala ang lalakeng sumingit sa kanilang pag-uusap, napansin ni Jinry na malaki ang bahagi ni Roden sa buhay ng kanyang tiyahin. Kung pag-usapan nilang mag-ina ang tungkol sa binata ay kilang-kilala nila ito.

BINABASA MO ANG
ONE NIGHT TO ONE LOVE (COMPLETED)
Художественная проза"I found you're magic night weird, until you finally spelled love to my heart, you pretty wicked." Simpleng inis ang dahilan kaya iniwan ni Jinry ang mala-prinsesa niyang buhay sa Romblon. She chose to live with her aunt and cousin. Pinag-aralan ang...