ONE NIGHT TO ONE LOVE (PART 4)

2K 43 0
                                    

LIHIM na nagpasalamat ang dalaga nang maging straight ulit ang kanilang binabagtas na daan. Kung siya ang masusunod, mas gusto pa niyang naglakad na lamang siya. Ang problema ay si Nanay Maring dahil siguradong hihingalin ito kapag maglakad sa pataas at pababang parte na iyun ng kalsada patungong kina Roden.

“Jinry, hindi ako makahinga.” Narinig niyang sambit ni Roden.

“Ha? Bakit, may asthma ka ba?”

“Wala. Jinry, masyadong mahigpit ang pagkakayakap mo sa akin.” Kinindatan siya ng binata. Nakita niya iyun sa salamin.

Mapupula ang mga pisnging lumuwang ang pagkakayakap niya sa likuran ng binata. Nakakahiyang baka isipin ni Roden na sinasamantala niya ang pagkakataon para mayakap siya nito.

Nakita pa niya ang pahabol na pagsulyap sa kanya ni Roden pero binalewala niya ito. Itinuon niya ang paningin sa paligid. Mangilan-ngilan na ang bahay sa parteng iyun ng barangay, ang malawak na makikita ay maisan at mga tanim na tabako na siyang mga pangunahing itinatanim sa parteng iyun ng lugar. May iba ring bawang ang tanim at mga gulay, partikular na ang pechay at mga native na okra.

Sa wakas ay narrating din nila ang tahanan ng mga Camangeg. Accommodating ang mga magulang ni Roden. Sa maikling introduction na naganap, may ilang impormasyon pa ang kanyang nalaman kung bakit ganoon na lamang kadikit si Roden sa mag-ina. Malapit na magkaibigan ang nanay ng binata at si Maring, dahil huling nagkaroon ng anak, itinuring ni Maring na anak si Roden hanggang dumating si Michelle. Naging mag-kumare ang mga ito noong nagsilbing ninang si Aling Rona sa binyag ni Michelle.

------

“JINRY, ako na ang bahala dito sa ginagawa ko. Umupo kaa na lang sa isang tabi.”

Nais niyang tulungan ang kanyang tiyahin dahil nahihiya naman siyang walang ginagawa samantalang ang mga tao sa paligid niya ay abala at may kanya-kanyang ginagawa. Si Mang Kardo na ama ni Roden ay abala sa pag-aayos ng mga gagamiting panggatong sa susunod na linggo. Mag-aani na daw ang mga ito ng tabako at ang mga kahoy ay gagamitin sa pagluluto ng tabako sa ginawang kugon. Ang nanay ng binata na si aling Rona ay abala naman sa paghahanda para sa kanilang pananghalian. At si Roden na nagawa pang maghubad ng pantaas na suot ay tumutulong ito sa ina sa paghuhugas ng mga gulay na sahog. Si Maring ay inuumpisahan na niyang iabot ang mga empanada ingredients sa arina. Kakainin kasi nila ang mga ito bago sila kumain ng late lunch.

“Nanay Maring, tulungan ko na lamang po kayo.”

“Huwag na anak, baka matalsikan ka ng mantika. Iisang apron pa naman itong dala ko. Nakakahiya naman kung hihiram ako kina Mareng Rona.”

Atubili man ay sumunod siya sa utos ng tiyahin nito. Kinuha nya sa bulsa ang kanyang cellphone. Hindi makapaniwala si Jinry na kahit isang guhit ay wala siyang mahagilap na signal. Pasimple siyang umiba ng p'westo para makasagap man lang kahit naghihingalong signal pero wala pa rin.

“Seriously?” Hindi niya maiwasang magreklamo. Halos thirty minutes na siyang naghahanap ng signal at hindi biro na pasimple-simple ang kanyang ginagawang hunting. Ayaw niyang iparating na kanina pa siya nananabik na magkaroon na ng sim connection para makatawag siya sa kanilang bahay. This will be a big help para maiwan ang mga mata ni Roden an nag-aanyaya palagi na titigan niya ito. Naiinis din siya sa kanyang sarili dahil unang pagkikita pa lamang naman nila ng binata ay marami na siyang hindi maipaliwanag na nararamdaman.

“Yes, Jinry? Wala ka namang kinakausap dito.”

Munttik niyang nabitiwan ang kanyang cellphone sa biglang pagsulpot ni Roden sa kanyang harapan. “Will you mind, Roden? Magdamit ka naman. Yeah, you have a good body. Perfect built, but, please!”

ONE NIGHT TO ONE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon