ONE NIGHT TO ONE LOVE (PART 3)

1.9K 41 0
                                    

“NARITO na ang sundo, Jinry! Labas na, anak!”

Napataas ang isang kilay ng dalaga sa kanyang narinig. May kalayuan ba ang bahay nina Roden o dahil lang sa mga bitbit nila kaya may sundo pa sila? Nakita naman niya kanina ang laman ng basket, hindi naman ganoon karami kaya hindi rin ito mabigat.

Mabilis niyang itinali ang lace ng kanyang riubber shoes, kinuha ang cellphone at nagmamadaling lumabas. Nasa baryo naman siya at hindi kailangan ng pormal na kauotan kaya kuntento na siya sa simpleng gayak. Ang importante ay komportable siya sa kanyang suot.

“Nanay, nakalimutan nating bitbitin ang basket.” Nakatingin ito sa mga kamay ng ginang na ang tanging tangan ay susi ng bahay.

“Inilagay na ni Roden sa loob ng tricycle, anak. Hinihintay na niya tayo sa labas.”

Tama ba ang kanyang narinig? Mismong si Roden ang magsusundo sa kanila? Aba, may maganda rin palang pusong itinatago ang lalake. “Roden?”

“Oo, Jinry. Siya ang magsusundo sa atin.”

Nagkibit-balikat lamang ang dalaga at sinabayan sa paglalakad ang ginang.

“Ready na ba kayo, Aling Maring?” Sumungaw ang tinig mula sa labas ng kabahayan.

Naptingin si Jinry sa nagsalita nang tuluyan na silang nasa labas ng bahay. Ang aasahan niyang makikita niya ay simpleng lalake lamang na taga-baryo at simpleng kaguwapuhan ang taglay nito kahit madalas siyang hangaan ni Michelle. Pero, iba ang nasisilayan niya sa mga pagkakataong iyun. Hindi simpleng kakisigan kundi makapangyarihan ang taglay na pagmumukha si Roden. He is masculine in every inch!

Agad na nakatawag ng pansin sa kanya ang buhok nito na nilampasan ang kanyang batok sa haba. Bagamat nakalugay ito ay hindi naging dahilan para magmukhang marumi ang lalake. Nakadagdag ito sa maamo niyang mukha at nakakabighani ang mga mata nito na tila malalim kung makatitig. Ang ilong nito na matangos na binagayan nang mga labing katamtaman sa kapal. Mayroon siyang cleft chin, broad shoulders and beneath his shirt, alam niyang mayroong nagtatagong abs doon.

Napapaligiran siya ng mga makikisig na lalake sa tanang buhay niya at hindi niya inisip na si Roden ang makakatawag ng kanyang pansin. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo habang nakatitig siya sa lalake. Ni hindi niya magawang kumurap dahil natatakot siyang biglang maglaho ang lalakeng nasa kanyang harapan. Enjoy na enjoy pa ang kanyang mata na pagmasdan ang magandang nilalang na nasa kanyang paningin.

“Masakit ba ang mga paa mo, Jinry?” Ang paghawak ni Nanay Maring ang pumukaw sa kanyang damdamin na tila nasa ilalim ng hipnotismo dahil nanatiling naka-focuss ang kanyang titig kay Roden.

“Po?”

“Aling Maring, ayos lang ba ang kasama ninyo?”

Napakurap si Jinry dahil sa baritonong boses na parang musika sa pandinig ng dalaga. Ang kanyang nararamdaman ay tila inililipad ng mga mahalimuyak na bulaklak sa ibabaw ng ulap.

“Kanina pa tayo hinihintay ni Roden, anak. Hindi ko alam kung masakit ba ang binti mo dahil tumitigil ka sa ppaghakbang at bigla na ang natulala.” Nag-aalala ang mga titig sa kanya ng ginang. Hinawakan pa nito sa palad ang dalaga para matiyak na hindi masama ang nararamdaman ni Jinry.

Nakakurap ang dalaga at pilit ngumiti para ikubli ang hiya sa napansin sa kanya ng ginang. Wala siyang ideya kung ilang sandali siyang nawalan sa katinuan para hindi mamalayan ang mga nangyayari sa paligid. Nakakahiya tuloy dahil nag-aalala ang kanyang tiyahin sa inasal nito.

“Okay lang ako, nanay.”

Lalong naging masikip ang kanyang paghinga nang tuluyang mapalapit silang mag-tiyahin kay Roden. Higit na kahanga-hanga ang facial feautres na ito sa malapitan. Idagdag pa dito ang ginamit na pabango ng binata na hindi naman matatawag na branded o mamahalin, pero nakakahalina ito sa pang-amoy ni Jinry habang nalalanghap niya ito

“Roden, ssiya pala si Jinry. Anak, si Roden.”

“Hi, Jinry. Finally to meet you.” Inilahad nito ang palad ng binata.

Tinanggap ito ng dalaga. “Nice to meet you. You know me?” Nagdulot ito ng tuwa sa dalaga.

“Nabanggit ka na dati sa akin ni Michelle, JInry. I must say, she is right. You’re beautiful.”

Lalong nadagdagan ang kasiyahan sa mg alai ni Jinry sa paghangang natanggap niya buhat sa kaharap na binata. “And you’re handsome.” Hindi napigilang sambitin ng dalaga. hindi niya sinabi ang mga ito para ibalik ang paghanga sa binata kundi dahil iyun ang totoong description niya kay Roden.

Tumikhim si Maring na siyang naging dahilan para maghiwalay ang kanilang mga palad. Hindi nila namalayan na magkalapat pa rin ang mga palad ng mga ito habang nakamasid lamang sa kanila ang ginang.

“Jinry, diyan ka na sa likod ni Roden sumakay. “ Walang malisyang sambit ng ginang.

“Hindi ba ako pwede sa loob, Nanay?” Kumislot ang kanyang puso.

“Jinry, may parte kasing pataas ag daan, kaya kailangang nakapatong ang basket sa upuan dahil lalagyan ko ng tali para hindi magkalat kung sakaling matanggal ang paagkakasara nit.” Si Roden ang nagpaliwanag.

“P'wedeng sa kanlungan ko ang basket.”

“Jinry, nakalimutan mo yatang dambuhala itong nanay mo at maiipit ka lang. Kung sa baby seat ka naman ay maaari kang mauntog, anak. Mas magiging aayos ang lagay mo sa tabi ni Roden.” Natatawang saad ng ginang.

“Jinry, mabaho ba ako at ayaw mong tumabi sa akin?”Naglalaro ang pilyong ngiti sa mga labi ni Roden.

“Nanay, dito na po ako sa side sumakay.” Pagtatapos ng dalaga sa usapan.

“Nice choice, Jinry. Tsaka, maraming lubak sa daan, kapag dito ka sa likuran ko, hindi mo masyadong ramdam.”

Hindi niya tiyak kung nagsasabi ng totoo ang binata pero wala naman siyang magawa dahil nauna ng umupo ang basket kaysa sa mahubog niyang balakang. Isa pa, hindi niya alam ang pakiramdam sa pagsakay ng mga ganitong klase ng transportasyon dahil may sarili siyang kotse. Kung p'wede lang niyang dalhin ay ginawa na niya ito.

“Kumapit ka sa baywang ko, Jinry. Kung nahihiya ka ay sa tainga ko nalang ka hahawak.” Nakangiting tiningnan siya ni Roden mula sa rear mirror ng sasakyan.

Simpleng biro lamang binitiwan ni Roden, ngunit bumenta iyun sa kanya at napatawa siya. Narinig din niya ang tawa ni Nanay Maring na halatang natuwa rin sa biro ng binata.

Mainit naman ang panahon, pero pinanlalamigan ng kamay si Jinry. Hindi niya tuloy alam kung paano kakapit sa mga maliliit na bakal na nakakabit sa sidecar hanggang muntik siyang napadausdos dahil sa lubak na daan.

Napatili siya ng malakas na naging dahilan para itigil ni Roden ang pag-usad ng sasakyan. Pati ang kanyang tiya ay lumabas para alamin ang nagyayari kay Jinry.

“Anong nangyari? Are you okay, Jinry?” Puno ng pag-aalalang tanong ni Roden sa kanya.

Napadilat ang dalaga. Halos habulin niya ang kanyang paghinga. “Ayos lang ako, Roden. Muntik lang akong nahulog.” Nahihiya niyang pagtatapat.

Mabuti na lamang at kalahati lamang ng kanyang puwit ang nawala sa tamang lugar at naihabol niya ang isang kamay sa baywang ni Roden. Kung nagkataon ay tumalsik na siya at nagpagulong-gulong sa daan. Kapag nangyari iyun, ito na ang pinakanakakahiyang pangyayari sa kanyang buhay.

“Jinry, kumapit ka kasi sa baywang nitong si Roden. Mahuhulog ka talaga kapag wala kang kakapitan. Hindi maayos ang ibang parte ng daan dito, anak.”

“Opo,” sagot ng dalaga.

Wala siyang choice. Mas nakakahiya namang mapabalitang may iisang dalagang bakasyunista na nahulog sa tricycle dahil walang makapitan. Pikit-mata niyang hinawakan ang baywang ni Roden. Hindi nga siya nagkamali dahil ramdam niya ang mga muscles nito sa bahaging tiyan kahit nakasuot ng t-shirt ang binata. Para siyang nakayakap sa bato habang nakakapit sa baywang ng binata.

ONE NIGHT TO ONE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon