ONE NIGHT TO ONE LOVE(PART 6)

1.9K 48 1
                                    


MULI niyang tiningnan ang kasintahang si Alexa habang nakikipag-usap pa rin ito gamit ang kanyang celllphone. Tumatawag daw sa kanya ang ina. Hindi lang niya maiwasang magtaka dahil ngayon lamang lumayo si Alexa habang nakikipag-usap sa mga magulang nito. Kahit sino ang kausap ng kasintahan ay nasa tabi pa rin siya nito.

Napatingin sa kanya ang dalaga. Ngumiti ito sa kanya at muling ipinagpatuloy ang kanyang pakikipag-usap.

Nang bumalik sa mesa si Alexa ay napansin agad ni Roden ang biglang pagbabago ng mood nito. Kanina lang ay napakasaya ng kasintahan, samantalang ngayon ay parang binabalot ng sangkatutak na problema.

“Alexa, are you okay?” Pag-aalala niya sa nakitang mukha ng kasintahan.

“I’m fine, Roden.”

“Are you ready for your speech tonight?”

Napilitang ngumiti ang dalaga. “Yes. At sana maging maganda ang gabi, Roden.”

“It will, Alexa. Isa pa, alam kong napakaganda mo mamayang gabi at hindi nagkamali ang mga event coordinators na ikaw ang pinili nilang magbibigay ng inspirational talk.” Puno ng paghangang turan nii Roden sa katabing dalaga.

“Thank you, Roden.”

Nanibago ang binata sa ikinikilos ng kasintahan. Ayaw naman niyang magmukhang pakialamero kaya hindi niya tinanong kung anong mga napag-usapan nila ng kanyang mga magulang. Pinakiramdaman niya ang kasintahan, pinayapa niya ang kanyang isip at inilagay sa kanyang utak na iniisip lamang ni Alexa ang mangyayari mamayang gabi. At hindi marunong maglihim sa kanya ang kasintahan. Batid ni Roden na sasabihin din nito sa kanya kung bakit hindi siya mapakali.

KAPAG ganoong halos marinig ni Jinry ang kabog ng kanyang dibdib ay ayaw na niyang ituloy ang lakad. Para kasing may naghihintay na malaking pagbabago sa kanyang buhay. Hindi siya manghuhula, pero, kapag kinulit siya ng kanyang inuition ay nagkakaroon siya ng kakaibang nararamdaman.

“Jinry, bakit iyan lang ang suot mo?”

Napatingin siya sa kanyang suot nang punain siya ni Maring. Nakasuot siya ng t shirt at pants na binagayan niya ng paborio niyang sneakers. “Opo, Nanay. Bakit po?”

“Ang mabut pa, anak, ay best dress ang iyong isusuot. Isasama ka namin ni Michelle hindi para tumulong kundi para makapanood. Maganda ang ganito para naman may experience ka na ikukwento kapag bumalik ka na sa Romblon.”

“Nanay, komportable na po ako sa ganito kong suot. At isa pa, Nanay, bakasyunista ako at hindi balikbayan kaya hindi ko kailangang sumabay sa pagsusuot ng magandang damit.”

“Tama si ate, inay! Maganda naman ang shirt and pants!” Pagtatanggol ni Michelle sa kauotan nilang magpinsan.

“Ewan ko sa inyong dalawa. Bakit hindi na lang kayo magsuot ng bestida!”

“Naku po!” Napatawa ang dalawa dahil sa panabay nilang sagot sa reaksiyon ng ginang.

------

PINIPIGILAN ni Roden ang kanyang sarili na komprontahin ang kasintahan. Tila pinipiga ang kanyang puso sa patuloy na pakikinig ni Roden sa mga sinasabi ni Alexa.

Hindi niya makayanang tingnan kung paano alagaan ni Roden si Alexa habang nagpapatuloy ang selebrasyon. Napansin niya kung paano ingatan ng binata ang kasintahan nito. Maganda si Alexa at maganda ang hubog ng katawan na bakat sa gown nito na inspired sa suot ni queen Elsa sa pelikulang Frozen. Pumunta ang dalaga sa madilim na bahagi ng gym. Ramdam niya kung paano siya nasasaktan sa nakikita niyang kiios ng magkasintahan. Gusto niyang magselos sa mga ito pero wala naman siyang karapatan dahil hindi niya pag-aari si Roden. Pinunasan niya ang kanyang luha at naghanap ng kanyang mauupuan para hindi siya mangawit kung sakaling matagalan siya sa pagtatago sa kanyang damdamin.

ONE NIGHT TO ONE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon