MATAGAL bago nakasagot ang kaibigan. Pinagmamasdan siya nito na tila tinitimbang ang kanyang sasabihin kay Roden. Sa huli, ang totoong saloobin pa rin ang sinambit ni Robert kahit alam niyang magdudulot ng kirot ito sa kaibigan.
“Tama pa rin pala ako, Roden. Naalala mo ba ang sinabi ko noong umalis si Alexa? Sinabi kong huwag mo ng asahan na maayos pa ang tinatawag niyong destiny ninyo kasi halatang mas mahal ni Alexa ang pangarap niya kaysa sa iyo.”
“Hindi man lang ako kasama sa mga pangarap niya. Samantalang ako, bawat galaw at desisyon ko ay siya ang iniisip ko, Robert. Sobrang sakit.”
“Alam mo namang may mga pagkakataong na hindi nating inaasahan kung saan makakaramdam tayo ng sakit. Alam mo, pare, siguro may mas may hihigit pang darating na babae kaysa kay Alexa.”
“Siguro nga, Robert. Bakit ka pala napadalaw bigla dito sa bahay?”
“Wala naman, gusto lang kitang makausap saglit dahil hindi tayo masyadong nabibigyan ng pagkakataon na makapag-usap sa opisina. Mas pinipili mo kasing kausapin ang mga kalabaw kaysa sa akin.”
“Sira! Ang sabihin mo ay naiingayan ka lang sa mga anak mo kaya nag-alsa balutan na naman.”
“Sinabi mo pa, pare. Alam mo namang good boy na ako kaya instead na sa mga bars ako magliwaliw ay dito na lang sa bahay mo. Malas nga lang at broken-hearted kang nadatnan. Hindi pa naman tayo talo, p'wede mo sana akong maging panakip-butas.” Humalakhak si Robert.
“Baliw ka talaga! Want some beer?”
“Yes. Mabuti pa, ubusin na natin lahat ng mga nakaimbak mong alak sa bahay mo.”
“No problem!”
Marami silang kalokohan na binaikan ni Robert habang nag-iinuman ang mga ito. Kahit papaano ay nakatulong ang presensiya ng kaibigan para mabawasan ang bigat na kanyang dinadala. Bumalik lamang ang realidad nang umuwi na ito.
Alas-tres na pala ng hapon. Hindi na sila nakakain ng pananghalian ng kaibigan dahil nabusog na sila sa pulutan. Muli siyang bumalik sa kuwarto at nahiga.
Pinilit niyang idilat ang mga mata para sagutin kung sino ang tumatawag. Bahagyang masakit ang kanyang ulo dahil sa kanyang nainom. Nabawasan konti ang kanyang pagkahilo dahil nakaidlip siya kahit papaano.
Hindi niya inaasahan na si Alexa nag kanyang caller. “Alexa!”
“Can we talk, Roden?”
“Makikipagbalikan ka na ba? Alexa, gusto talaga kitang makausap.”
“Magkita na lang tayo, Roden. Hihintayin kita sa Riverside.”
“Okay, Alexa. Magibihis lang ako.” Masayang tugon niya sa imbitasyon ng dalaga.
Nabuhayan siya ng loob sa pagkikita nila ni Alexa. Agad siyang nagtungo sa kinauupuan nito sa kainan sa centro malapit sa ilog kaya tinawag itong Riverside.
“Take your seat, Roden.” Pormal na tugon ni Alexa.
May mga pagkain na ring nasa kanilang mesa. Mainit-init pa ito. Halatang hindi pa gaanong matagal na naghihintay ang dalaga s akanya.
“Sana maayos na natin ang nangyari kagabi, Alexa.” Tinangka niyang hawakan ang palad ng kasintahan pero agad na hinila ni Alexa ang kamay nito na parang napaso sa pagkakadikit ng kanilang mga palad.
“Are you drunk?”
“Nakainom lang, Alexa.”
“Roden, ayaw kong magpaliguy-ligoy pa. Hindi ko gustong saktan ka o paasahin, nagkataon lang na nabigyan ako ng opportunity and I want to grab it. At patawarin mo ako kung naduwag ako para sabihin sa iyo ang totoo. Umuwi ako ng Pilipinas para personal sa sabihin sa iyo ang lahat ng tungkol nito pero hindi ko alam kung paano simulan, Roden. Alam kong masasaktan ka.”
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT TO ONE LOVE (COMPLETED)
General Fiction"I found you're magic night weird, until you finally spelled love to my heart, you pretty wicked." Simpleng inis ang dahilan kaya iniwan ni Jinry ang mala-prinsesa niyang buhay sa Romblon. She chose to live with her aunt and cousin. Pinag-aralan ang...