chapter 4

9 0 0
                                    


Ariela's pov.

Hindi ako makatulog dahil sa inis na nararamdaman ko.
Hindi maalis alis ang mukha ng toothpick na yun sa isipan ko.
Kitang kita ko sila kanina habang masayang nag tatawanan ni danica.
Muntikan na kaming matalo dahil nawala ang focus ko sa paglalaro.

Pano ba naman imbes na nasaakin ang atensiyon ni danica ay sa kanya napupunta.
Pakiramdam ko tuloy pati kay danica naiinis ako.

Hayyyyyu ewan.
Nakakainis!

Alas nwebe na pero hindi parin ako dindalaw ng antok.Kinuha ko nalang ang cellphone ko at saktong pag bukas ko nito ay may ilang mensahe.

Nakita ko ang message ni Danica.
Yun lang ang binuksan ko dahil panigurado puro GM naman nila marj ang laman ng inbox ko.

"Are you still awake?"
Yan ang laman ng mensahe niya.

Hindi ko na sana rereplyan kaso na konsensiya ako.

"Oo"
Maikling reply ko.

"Tatawag ako."
Sagot niya.

Hindi paman ako nakaka pag compose ng message ay nag ring na ito.

Agad ko namang sinagot.

"Napatawag ka?"
Tanong ko sa kanya.

"Wala naman iimbetahin sana kita dito bukas ng hapon may simpleng celebration para kay kuya."
"Kararating niya lang kasi kaninang umaga galing sa America kaya mag papa welcome party daw sila mama."

Paliwanag niya.

"Kuya?"
"May kuya ka pala?"

Tanong ko.
Alam ko naman na may kapatid siya nakwento niya na to minsan.
Pero di ko kilala kuya niya never ko pa siyang na meet kong sakali man makapunta ako sa kanila bukas yun ang una.

"Nakwento ko na sayo si kuya diba?"
Sambit niya.

"Hindi pa ah."
"Baka sa iba mo na kwento."
-ako

"Gusto mo kwento ko sayo."
-danica

"Wag na."
"Mapapagod ka lang kakasalita alam ko naman na ang sasabihin mo eh."

"Baliw ka talaga."
"Basta bukas ah punta ka"
Paninigurado niya.

"Sige ba para naman makilala ko na yung kuya mo."
Naka ngiti kong sambit.

"Actually nakilala mo na siya."
-danica

"Huh?"
Taka kong tanong.

"Siya yung kas--------"

*toot *toot *toot

Hindi na natapos pa ni danica ang sinasabi niya dahil biglang nag off ang cellphone ko.

Kainis naman.

Pero saan ko naman nakilala kapatid niya?.

Aishh bahala na nga.

Ng maputol ang pag uusap namin ni danica ay bapag desisyunan kong bumaba para kumuha ng tubig.

Sakto namang nasa sala si kuya.

"Oh bat gising kapa kuya?"
Tanong ko sa kanya habang kumukuha ng tubig.

"Bakit ikaw lang ba ang may karapatan mag puyat?"
"Hahaha joke lang bunso."
"Gumagawa lang ako ng invitation mo para sa birthday mo."
Sagot ni kuya habang tutuk na tutuk sa computer.

"Isa pa yang birthday birthday na yan eh"

"Tsaka nga pala wag mong kakalimutan na may laro ako bukas."
"Nangako ka saakin na sasamahan mo ako kaya gumising ka ng maaga."

Sambit ni kuya.
Si kuya talaga ang idol ko sa pag babasketball siya rin ang nagturo saakin kaya ako natutu at gumaling sa larangan ng pag babasketball.
Kaya ganon nalang ang inis niya saakin non dahil hindi niya ako matalo talo.
Kaya siguro palagi niya akong pinipilit na magpa ka babae dahil sa basketball.

"Anong nginingiti ngiti mo diyan?"
Tanong ni kuya saakin.
Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako.

"Wala naman."
"Wag kang mag alala kuya sasamahan talaga kita dahil gusto kong manood kong paano mag laro ang isang Alden Sandoval."
-ako

"Matulog kana dahil kapag ako ang naunang magising sayo iiwan talaga kita."
Pananakot ni kuya.

"Para namang ibang bansa ang pupuntahan mo eh kabilang barangay lang naman."

Pangbabara ko sa kanya.
Hilig niya kasi talagang manakot kahit sa anong bagay.
Talent niya na ata yun.

"Aishh matulog kana nga lang! Iniistorbo mo ako eh"

"Goodnight kuya."

"Goodnight"

Balak ko pa sanang guluhin si kuya kaso naisip ko na kaylangan niya na rin matapos ang ginagawa niya para makapag pahinga na siya.
Ayuko naman maglaro siya bukas ng may malalaking bag sa mata.
(Di mo gets? Eyebag mga pare😊😅)

Dumiretso nalang ako sa kwarto ko at natulog.

.....




To be continue...

I Love You To The Moon And BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon