chapter 6

12 0 0
                                    

Ariela's pov.

Walang mapaglagyan ang inis na nararamdaman ko dahil sa lalaking yun.
Hindi ko alam kong bakit inis na inis ako sa kanya gayong wala naman siyang masamang ginagawa saakin.
Siguro ng dahil pa to kahapon.
Kapag nakikita ko siya naaalala ko kong pano sila mag tawanan ni Danica.
May nalalaman pang pa akbay akbay.

At ano daw?
Kasama namin siya papunta sa liga?
Hell no!

Arghhh bat ba siya ang iniisip ko!
Hindi naman kami close kaya pweding hindi ko siya pansinin kahit mag kakasama kami.

"Bunso halika na aalis na tayo."
Pag tatawag saakin ni kuya.
Nag bilang muna ako ng 5 minuto bago bumaba.

Ng makababa na ako ay tanging si kuya lang ang nakita ko.
Sinilip ko sa may kusina kong nanduun si toothpick pero tanging mga hugasin lang na plato ang nakita.
Panigurado sermon naman ang aabutin namin kay ate angela mamaya pag uwi.

"Bunso halika na."
Pag tawag ulit ni kuya.

"Oo n----

Ng akma kong pagharap kay kuya ay mukha ni toothpick ang bumungad saakin.
Amoy na amoy ko ang matamis niyang pabango.

"Sorry"
Pag papaumanhin niya.

Inirapan ko na lamang siya tsaka lumihis ng daan para makalabas.

Pagkalabas ko ay may nakaparadang pamilyar na kotse saakin.
Hindi ko maalala kong saan ko to nakita pero pakiramdam ko ay kilala ko ang may ari nito.

Lumapit si kuya kotse at tsaka deritsong sumakay sa parteng likuran.
Sumunod namang lumapit sa sasakyan si toothpick at naupo sa driver seat.
Ng mapansin nilang nakatayo pa ako sa labas ay bumaba si kuya at hinila ako palapit sa kotse.
Bahagya namang binuksan ni toothpick ang pintuan ng passenger seat tsaka ako itinulak ni kuya papasok.

"Bat dito ako?"
"Dapat nga ako diyan sa likuran katabi mo kuya eh"
Tanong ko kay kuya na kakapasok palang sa sasakyan.

"Bunso nakakahiya naman kay Dwayne kung pareho tayo dito sa likod mauupo."
"Magmumukha siyang driver natin."

"Bakit dito ako sa harap diba nga diyan ako sa likod at ikaw dito dahil parehas kayong lalaki."
Saad ko naman.
Sinimulan ng paandarin ni toothpick ang sasakyan.

"So inaamin mo na bunso na babae ka?"
Nakangiting tanong ni kuya.

"Kuya naiinis na talaga ako sayo ah isa pa talaga at di ako sasama at di ako manunuod ng laro mo."
Wala akong pakialam kong marindi man tong katabi ko dahil sa ingay namin ni kuya.

"Ang cool niyo namang mag kapatid."
"Para kayong aso't pusa kong mag bangayan."
Singit naman ni Dwayne habang tutuk na tutuk sa pag d-drive.

"Tigre't leon kamo."
"Ewan ko ba diyan kay Ariela hilig hilig makipag bangayan."

Hinayaan ko nalang silang dalawa mag usap at hindi na sumawsaw pa.

"Pero alam mo talaga pare hindi ko alam na kapatid mo pala siya."
"Wala kasing hawig sayo eh."
"Kung hindi nga nabangit saakin ni Danica na magkapatid kayo di ko pa malalaman."
Seryusong sabi nito.

"Bakit nag ka kilala na ba kayo?"
Takang tanong naman ni kuya.

"Ah oo kahapon sa Basketball court mismo"

"Ahhh."
Tango tangong sagot naman ni kuya.
"Kilala mo na pala si dwayne bunso?"
Pagbabaling niya saakin.

"Hindi"
Diretsong sagot ko.

"Hindi mo na ba agad ako natatandaan?"
"Ako yung kasama ni danica kahapon"
This time tumingin na talaga siya saakin.

"Hindi ko matandaan eh."
Pag sisinungaling ko.

"Baka naman kasi si Danica lang tinititigan mo.?"
Panunukso ni kuya.

"Anong gusto mong gawin ko titigan ko ang isang taong di ko naman kilala?"
Pangbabara ko kay kuya.

"Yun nadulas din."
"Titigan pala bunso ah."
"Natatandaan mo naman pala,kunyari kapa ah."

Isa pa talaga tong si kuya eh.
Minsan sarap ipamigay.

"Alam mo pre ang sungit ng kapatid mo."
"Tarayan ba naman ako kahapon e hindi ko naman inaano."
Pag susumbong ni toothpick.

"Masungit talaga yan pre lalo na sa mga lalaki,alam mo na."
"Pero teka lang bunso marunong ka na palang mag taray ngayon?"
-kuya

"Hindi ako nananaray kuya!"
"Tsaka pwedi ba tigilan niyo nga ang pag k-kwento tungkol saakin dahil baka nandito ako at naririnig ko lahat ng sinasabi niyo!"
Inis kong sabi tsaka ako humarap sa may bintana.

"Oh"
"Miss sungit"
Mahinang bulong ni toothpick.

"Isa ka pa pwedi ba mag focus ka nalang sa pag d-drive mo dahil pag tayo--

"Wala namang tayo."
Hindi niya ako pinatapos at bigla na lamang siyangnsumingit sa sinasabi ko.

"Close ba tayo para mag biro ka ng ganyan,tsaka manginig ka nga tingin mo papatol ako sayo?Huh kahit siguro mag paka babae ako hindi hindi ako papatol sa toothpick na gaya mo!"

"Relax umagang umaga ang init ng ulo mo."
"Tumingin ka sa salamin tingnan mo itsyura mo ang panget mo kapag nagagalit haha."
-dwayne

"Ikaw kaya tumingin sa salamin ng makita ng malabo mong mata kung gaano ka kapangit!"
-at hindi ko na malayan na kaming dalawa na ang nag babangayan.

"Pangit man sa iyong paningin maiinlab ka din haha"
Lintik talagang tong toothpick nato pag hindi to tumigil malilintikan sakin to.

"Sa tingin mo talaga close tayo para mag biro ka ng ganyan saakin no!?
"Hoy toothpick sinasabi ko sayo ah tropa ka ng KAPATID ko pero hindi ibig sabihin non eh tropa narin tayo dahil hindi mangyayari yun."

"Ang hype beast mo bunso anong nangyayari sayo?"
Tanong ni kuya.

"Kuya halata naman kung sinong nakakapag init ng ulo ko diba!?"
-ako

Bakit pakiramdam ko ang tagal namin makarating sa pupuntahan namin.
Kabilang baranggay lang ba talaga ang pupuntahin namin o kabilang lungsod na.

"Relax lang bunso mapag biro lang talaga yang si Dwayne."
Pag papakalma saakin ni kuya.

"Pwes hindi magandang biro kuya at sabihin mo sa tropa mong toothpick sa susunod na bumanat pa siya ulit ng banat niyang singaw sa kanyang buto eh tatamaan na talaga siya saakin."
Sabi ko kay kuya.

"Hindi naman ako payat ah."
Rinig kong sabi ni dwayne.

Nag kibit balikat nalang si kuya.
At hindi rin nag tagal ay nakarating na kami sa pupuntahan namin.






To be continue.

I Love You To The Moon And BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon