Pagka patay ko ng computer ay agad akong tumakbo papunta sa kusina para tanungin si ate tungkol sa sinabi ni mama.
Pag ka dating ko sa kusina ay nakita ko si ate at kuya na nag uusap."Oh bunso bat ganyan ang itsyura mo para kang hinabol ng sampung maligno?"
Tanong ni kuya habang nakangisi."Ikaw ang hahabulin ng sampung maligno kuya kapag hindi ka nag sabi saakin ng totoo!"
"Bakit inaaano ba kita?"
Takang tanong naman ni kuya.Lumapit ako sa kanya at itinaas ang manggas ng suot kong damit.
"Anong sinasabi ni mama na boyfriend ko ha?"Mapanghamon kong tanong kay kuya na abala sa niluluto niya.
"May sinabi ka naman sa kanya noh!?""Ano bang pinagsasabi mo bunso bat ko naman sasabihin kay mama na may boyfriend ka."
"Wag ka ngang mapagbintang bunso masama yan.""Ikaw ate may alam ka ba?"
Pagbabaling ko naman kay ate na humihiwa ng ng gulay."Wala akong alam diyan bunso ah."
"Kung ganon anong boyfriend ang pinag sasabi ni mama!"
"Saan niya napulot ang balitang yun?""Bakit di mo tinanong si mama?"
Tanong ni kuya tsaka pinatay ang gas stove."Pinatayan ako eh"
"Argggggggggg"
Malakas na sigaw ko."Baka naman kasi talaga may boyfriend kana hindi mo lang sinasabi saamin ng ate mo."
"Nagkukunwari kapang pa tomboy tomboy."
Sabay tawa niyang sabi."Mandiri ka nga sa pinag sasabi mo kuya!"
Inis kong singhal sa kanya."Oh bakit hindi ba?"
Minsan talaga iniisip ko kong kapatid ko talaga tong si kuya wagas kong maka pang api."Baka totoo naman talaga bunso mag tatampo ako sayo kapag hindi ako ang unang tao ang makaalam na may boyfriend kana"
Sabat naman ni ate."Ate pati ba naman ikaw?"
"Akala ko ba solid tayo bakit ka nakikigatong sa mga pinag sasabi nitong si kuya."Turo ko kay kuya na pangisi ngisi lang.
"Tsaka alam mo naman kong sino ang gusto ko diba?""Mag paka babae ka nalang kaya bunso?"
O_O
"ATE!!!"
"Ano bang nakain niyo at pinipilit niyo ako sa bagay na hindi ko naman gusto!"
"Ate! Kanina lang pabor ka sa gusto ko diba? Anong nangyari at nahawa ka dito kay kuya?"
Hindi ko talaga maintindihan kong bakit nag kakaganto tong mga kapatid ko.Hindi nila ako sinagot kaya nag palipat lipat lang ang tingin ko sa kanila.
Hindi naman ako galit.
Naiinis lang ako dahil hindi lang isang beses nila ako pinipilit ang bagay na hindi ko naman gusto."Aishhh bahala nga kayo!"
Kinuha ko ang bola na nakapatong sa upuan at deritsong lumabas ng pintuan."HOY saan ka pa pupunta kakain na tayo."
Sigaw ni kuya."Mamaya na ako kakain wala akong gana tirhan niyo nalang ako!"
Tsaka ako lumabas ng bahay.Dumiretso ako sa basketball court na hindi kalayuan sa bahay namin.
Doon ko nadatnan sila Marj,Roxanne,Tiffany.
Mga tropa ko simula ng bata pa kami.
Parepareho ang hilig naming apat.
Ang mag laro ng basketball.Lahat kami ay lalaki ang datingan at kilala kami dito dahil sa angking galing namin sa pag babasketball.Marami na kaming nakalarong purong lalaki pero hindi kami matalo talo.
At isa pang dahilan kong bakit ako ginaganahan mag laro dahil kay danica.
Palagi siyang nandito sa court para manuud ng laro namin.
BINABASA MO ANG
I Love You To The Moon And Back
Fiction généraleAriela is girl who had a boyish personality.She hates wearing dresses,makeups and different kind of girl things. Pero ng dahil sa isang taong labis na niyang kinaiinisan ay magbabago ang kanyang nakasanayan. Ng dahil sa kasunduang kanilang pinagusap...