Ariela's pov
"Alam mo dami mong reklamo gayong ikaw naman tong may kasalanan."
"Malamang makikita mo siya mamaya kaya simulan mo nang humingi ng sorry sa kanya dahil hanggat hindi ka nag sosorry sa kanya hindi ka makakagamit ng mga damit ko."Hindi ko naman kasi alam na mangyayari yun.
Kinakain na ako ng konsensiya ko sa kakaisip kong anong gagawin ko.
Malamang makikita ko siya sa party ng kapatid ni Danica dahil paniguradong imbetado din siya.Baka mapatay na ako non.
Aisssh bahala na kisa naman makonsensiya ako dito mag damag.
Hihingi nalang ako sa kanya ng sorry.Ng iksaktong alas 3 na ay napagdesesyunan ko nang umalis ng bahay para pumunta kila danica.
Hindi naman ako nagtagal at nakarating sa kanila dahil hindi naman kalayuan ang bahay nila sa bahay namin.Pagka pasok ko ng gate ay agad kong hinanap si Danica at hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko siyang nag aayos ng mga flower vase na nakalagay sa mesa kaya naman agad akong lumapit dito.
"Tulungan na kita."
Nakangiti kong sambit.Nakasimple dress siyang floral na abot tuhod at may flower crown sa ulo.
Para siyang dyosa sa ayos niya.
Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.
Marami narin mga bisitang dumating at kanya kanya sila ng pwesto."Oy bat parang nakakita ka ng multo diyan?"
Takang tanong niya tsaka ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa."Diyosa ang nakita ko hindi multo."
Wala sa sarili kong sabi."Huh?"
Huli na nang maisip ko ang sinabi ko.
"Ah wala sabi ko ang cool ng design niyo dito."
At tsaka ko kunwaring inilibot ang aking paningin."Asan nga pala kuya mo?"pag iiba ko kunwari ng usapan."Ah si kuya?"
"Nasa loob pa siguro nag papahinga.""Ahh"
"May masama ngang nangyari sa kanya eh."
Tila malungkot nag pag kakasabi niya."Bakit anong nangyari?"
Tanong ko naman."Naaksidenti daw sa basketball eh."
Tsaka siya naupo sa upuan na nasa may gitna namin."Tapos narinig ko pang sabi niya kila mama na baka raw posibleng hindi na siya makapag laro ng basketball."Ng marinig ko ang huling sinabi niya ay biglang pumasok sa isipan ko si Dwayne.
Posible kayang.........
"Oh nandiyan na pala si kuya eh,"
Sabi niya habang nakaturo sa may bandang likuran ko.
"Kuya diba kilala mo naman na si Ariela."Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan.
Tiningnan ko si Danica na nakatingin narin pala saakin kaya naman dahan dahan akong pumihit patalikod.Hindi ko alam kong anong magiging reaksiyon ko ng makita ang mukha nang lalaking nasa harapan ko ngayon.
Si Dwayne.
Naka saklay ang isang braso niya at halatang hindi niya ito maigalaw.
"K-kapatid mo siya?"
Naguguluhang tanong ko kay Danica habang nakaturo kay dwayne."Oo'si kuya Dwayne."
"Bakit may problema ba?"Takang tanong naman ni Danica.
Hindi ko alam kong anong magiging reaksiyon ko ng malaman kong kapatid niya si toothpick.
Kung magiging masaya ba ako dahil mali ang iniisip ko tungkol sa kanila o magagalit dahil kapatid niya si danica.
Pero sa totoo lang wala akong karapatan magalit sa kanya dahil ako itong may kasalanan na nagawa sa kanya."W-wala."
Sagot ko sa kanya habang umiiling iling pa."Wala nga ba?"
Seryusong sabat naman ni Dwayne.Yumuko ako at mariing pumikit dahil paniguradong magagalit siya saakin.
"Ewan ko muna kayo kuya tinatawag ako ni manang eh."
Pag papaalam ni danica.Susunod sana ako sa kanya ng bigla na lamang akong hawakan ni Dwayne sa pulsuhan gamit ang isa niyang kamay.
"Siguro naman alam mo na kong bakit ako nagka ganito diba."
Seryusong sabi niya habang nakatingin da braso niya.Wala akong nakikitang galit o inis sa mukha niya pero ramdam ko ang pagiging seryuso niya na ibang iba sa mga ipanakita niya nung nasa bahay namin siya.
"S-sorry."
Pag hihingi ko ng paumanhin.
Hindi ko alam kong tatangapin niya ang sorry ko."Sa tingin mo madadaan daan mo ako sa sorry mo?"
"Hindi ko naman intensiyon na maging ganyan ka eh."
Sabi ko habang nakayuko.
"Oo inaamin ko na sadya kitang binundol pero maniwala ka hindi ko gusto na mangyari yan sayo.""Sinadya mo dahil nahalikan kita ganun ba yon?"
-dwayne"O-oo"
"Pero hindi ko rin ginustong mangyari sayo yan."
Turo ko sa braso niya.
"S-sorry."
Mahinang sabi ko.Tiningnan ko lang siya dahil nakatitig lang siya saakin na tila nag iisip kong papatawarin niya ba ako o hindi.
"Mapapatawad mo naman ako diba?"
Ewan ko ba kung bakit parang may krimen akong nagawa.
Hindi matahimik ang konsensiya ko lalo na ngayon na nakikita ko ang kalagayan niya.Paano kapag tuluyan na siyang hi di makapag laro ng basketball ng dahil saakin.
"Mapapatawad naman kita e sa isang kondesyon?"
"A-anong kondesyon?
Kinakabahang tanong ko."Kapag sinabi ko ba gagawin mo?"
Naninigkit ang mata niyang tanong saakin."Basta ba hindi ilegal at mapatawad mo ako s-sige gagawin ko."
-sagot ko sa kanya.Tumango tango naman siya.
"Magiging personal slave kita and at the same time girlfriend.""And at the same time girlfriend"
"And at the same time girlfriend"
"And at the same time girlfriend"
"And at the same time girlfriend"
"ANO!!!?"
Hindi ko na napigilan ang mapasigaw dahil sa sinabi niya.
To be continue.....
BINABASA MO ANG
I Love You To The Moon And Back
Ficción GeneralAriela is girl who had a boyish personality.She hates wearing dresses,makeups and different kind of girl things. Pero ng dahil sa isang taong labis na niyang kinaiinisan ay magbabago ang kanyang nakasanayan. Ng dahil sa kasunduang kanilang pinagusap...