chapter 8

10 0 0
                                    

Mulat na mulat ang mata ko habang ramdam ko ang labi niya sa labi ko.
Mag kalihis ang aming mga ilong habang parehong gulat sa isat isa.

Halos tumagal iyun ng 3 minuto bago ako nagka lakas para itulak siya.
Diretso akong tumayo at pinunasan ang aking labi.

"I-im sorry hindi ko sinasadya."
Kinakabahang sabi ni Dwayne.
Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil sa lakas ng hiyawan at kantyawan saamin.

Nawala sa utak nila ang pagka panalo namin at napalitan ng nakakadiring pangyayaring ito.
Halos hindi ako makaangat ng ulo dahil sa kahihiyan na aking nararamdaman.

Lahat sila nakatingin saakin,ultimong si kuya saamin din nakatingin.

"A-ayos ka lang?"
Tanong ni dwayne.
Balak niya sana akong hawakan sa balikat pero umiwas ako at binundol siya sa balikat.
Ngunit hindi ko alam na napalakas ang pag kakabundol ko sa kanya.
Rinig na rinig ko ang tila tunog ng butong nabali kaya naman ay huminto ako sa balak kong paglalakad.

Hindi muna ako humarap at hinintay ang sasabihin niya ngunit ilang minuto na ang nakakalipas hindi parin siya nagsasalita hanggang sa nakita ko nalang sila kuya na dali daling lumapit papunta sa dereksiyon niya.

Dahan dahan akong pumihit patalikod at nabigla sa nakita ko.

Nakaluhod siya habang hawak hawak ang kaliwang balikat niya habang namimilipit sa sakit.

"Pare ayos ka lang?"
Tanong ni kuya tsaka siya inalalayan tumayo ngunit siguro'y sadyang nanghihina siya kaya hindi niya nagawang makatayo.
"Anong ginawa mo?!"
Tanong ni kuya na hindi mo maintindihan kung galit o nag aalala.

Hindi ko siya sinagot dahil pati ako ay kinakabahan na.

"A-ayos lang ako mga pare namamanhid lang to."
Sabi ni dwayne ngunit bakas sa mukha niya ang sakit.

"Dadalhin kana lang namin sa hospital pare para ma check yang balikat mo."
Sabi naman ni Aris tropa nila kuya.

Hindi na niya nagawang mag salita pa dahil inalalayan na siyang tumayo nila kuya.

Ng naka ilang hakbang na sila ay biglang huminto si kuya sa pag lalakad at bahagyang humarap saakin.

"Mauna kanang umuwi."
Sabi ni kuya.
Wala akong makitang emosyon sa mukha niya.
Hindi ko maintindihan kong galit ba siya o ano.

Lumapit ako sa bench kung saan nandun ang mga gamit namin.
Kinuha ko ang bag ni kuya at bag ko.
Dali dali akong lumabas sa Court dahil sa mga taong nakatingin saakin.

Mabuti nalang at may dumaan ng jeep kaya naman dali dali ko itong pinara at sumakay.

Habang nasa loob ako ng jeep naalala ko yung nangyari.
Nang gigigil ako habang nakapikit sa sobrang inis.

Alam kong walang kasalanan si dwayne pero hindi ko parin maiwasang magalit sa kanya.
Nakakadiri mang isipin pero siya ang first kiss ko.
Ni kaylanman hindi ko inisip na mag kaka first kiss lalong lalo na sa toothpick na yun.

Iniisip ko si Danica pano nalang kapag nalaman niya malamang magagalit saakin yun.
Hindi ko man alam kong anong relasyon nilang dalawa pero panigurado magagalit siya saakin kapag nalaman niyang nagkahalikan kami ni dwayne.
Ayuko na atang mag pakita sa kanya pero mukang di ko magagawa lalo na't pupunta ako sa kanila mamaya.

Wag na kaya akong pu---

"BAYAD MO INENG!!!"
sigaw saakin ni manong kunduktor.
Naputol ang mga iniisip ko dahil sa lakas ng sigaw niya.
"KANINA PA AKO DITO TANONG NG TANONG SAYO TAPOS NAKATUNGANGA KA DIYAN."
Dali dali naman akong kumuha ng sampung piso at ibinigay ito sa kanya.

Mabuti nalang at konti lang ang pasahero dito sa jeep at muka namang walang pakialam sa nangyayari tanging yung batang lalaking katabi ko lang ang nakatingin saakin.
Hindi lang pala basta naka tingin kundi titig na titig.

Problema nito.

"Ang ganda mo naman po ate pwedi po ba kitang maging gilplen?"
Inosenteng tanong niya kaya naman hindin ko mapigilang mapanganga at matawa sa kanya.
Halatang batang pata pa dahil sa tono ng pananalita niya.
Kung pag babasihan ko ang edad niya siguro hindi siya nalalayo sa 7 to 9 years old.

Hindi ako mahilig sa mga bata pero na kkyutan ako sa kanya.

"Alam mo ang bata bata mo pa ang dami mo nang nalalaman.Sino bang kasama mo dito?"
Tanong ko sa kanya.

Kaming dalawa lang kasi ang mag katabi dito sa kabilang side ng upuan kaya naman nag tataka ako kong sino ang kasama niya.

"Wala po."
"Ako lang po mag isa."
"Ate gilplen na ba kita."
Nakangiting sabi niya saakin.

Hindi talaga ako makapaniwala sa mga pinagsasabi nitong batang to.
Siguro kong matanda lang to kanina ko pa to natalakan dahil sa kulit.
Pero syempre bata to kaylangan kong bolabulahin.

"Huh?"
"Eh kasi di mo naman ako kilala tsaka napaka bata mo pa."
Hinawakan ko siya sa dalawang balikat niya at iniharap ito saakin.
Kitang kita ko na biglang nalungkot siya dahil sa aking sinabi.

Seriously alam niya na ang mga bagay nato?

"Ganto nalang kapag nakita mo ako ulit ibig sabihin girlfriend mo na ako."Okay ba yun?"
Sabi ko sa kanya.

Alam kong imposible naman na kaming mag kita ulit malaki rin tong lugar namin kaya ganun na lang ang lakas ng loob kong sabihin yun sakanya.

"Talaga po ate kapag nakita ulit kita magiging gilplen na kita?"
Tuwang tuwang tanong niya.

Tumango tango lang ako sa kanya at tsaka ko ginulo ang abuhin niyang buhok.

"Sige ate wag kang mag alala gagawin ko ang lahat pala makita ulit kita,kakain din ako ng madami pala mabilis na akong lumaki."
Hinawakan niya ang kamay ko at biglang tumayo kaya naman inalalayan ko siya dahil baka matumba.

"Kuya pala na po."
Natawa talaga ako sa kanya dahil sa ka kyutan niya.Siya lang ata ang nakitang kong bata na kaya nang mag isang sumakay sa pampasaherong sasakyan na walang kasamang matanda.

"Oh bababa kana?"
Tanong ko sa kanya.

"Opo ate bye po!"
Mabilis na sagot niya at bigla na lamang akong hinalikan sa pisngi at dali daling tumakbo pababa.
Aalalayan pa sana siya ni Manong kundoktor pero bigla nalang itong tumalon mula sa jeep at mabilis na tumakbo.

Napangiti nalang ako dahil sa kakulitan ng batang yun habang nakahawak sa pisngi ko kong saan niya ako hinalikan.

Cute.
Panigurado akong kapag lumaki yun mas gwapo pa yun kay kuya.
Tch..

Ilang saglit pa ay nakarating narin ako sa babaan at deritsong umuwi ng bahay para mag pahinga.
Ng pag pasok ko palang sa kwarto ko ay biglang sumagi sa isipan ko kong ano nang nangyari kay dwayne.

Pumikit ako ta umiling iling.
"Ano bang pakialam ko dun!"
Mahinang sabi ko tsaka ko hinubad ang jersey na ipinasuot saakin nung kapitan sa kabilang baranggay.

Kaylangan ko muna nang pahinga para makaisip ng magandang paliwanag kay danica kong sakali man na alam niya na yung nangyari.




To be continue...




I Love You To The Moon And BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon