chapter 7

9 0 0
                                    


Mag dadalawang oras na kaming nakaupo dito pero hindi parin dumadating ang mga ka team ni kuya.Hindi na siya mapakali dahil sunod na silang lalaro.

"Nasan na ba tong mga to!"
Inip na sabi ni kuya habang hindi mag kanda ugaga sa kaka pindot ng cellphone niya.

"Baka na traffic lang yun pre?"
"Pero tingin ko hindi na sila aabot sa laro niyo."Sabi ni Dwayne.
Naniningkit ang mata niya habang tinitingnan kong ilang minuto nalang bago matapos ang unang laban."Lapit na silang matapos pre."

Napailing iling naman si kuya halatang galit na ito dahil sa itsyura niya."Kaylangan nilang makarating dahil kong hindi maaring hindi kami makapag laro.
Saad ni kuya."Kulang kami ng dalawang player kaya kapag wala sila paniguradong automatik talo kami.

"May extrang damit kaba diyan?"
Tanong ni dwayne kay kuya.

Wag niyang sabihin na mag lalaro siya.

"Meron ako dito."
Tsaka niya inilabas ang spare na damit niya."Pero kong sasali ka kulang parin ng isa."
Gusto kong matawa sa reaksiyon ni kuya dahil akala mo naman pasan niya na ang mundo.
Pag dating talaga sa larong to napaka seryuso niya.

"Kaya nga nandito ako kuya diba."
Sabay tayo ko at lumapit sa kanya.Gulat naman silang tumingin saakin."Sayang naman kong papalagpasin ko tong pag kakataon na to para makasama ka sa isang totoong laro."

"Bunso hindi to laro laro lang?"
"Alam kong magaling ka sa larong to pero babae ka hindi ka pwedi dito."
"Wala na tayong magagawa kundi mag hintay pa sa kanila."
Nag aalalang sabi ni kuya.

Luminga linga ako para hanapin kung sino man ang namumuno sa paligang ito.
Kilala ko naman ang Captain chairman sa lugar na ito kaya hindi ako nahirapang mag hanap.

Tinapik ko muna si kuya bago sila iniwan at lumapit sa Chairman ng baranggay.
Ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyari ako narin ang gumawa ng palusot para payagan niya akong mag laro.
Hindi naman ako nabigo sa pag kumbinsi sakanya katunayan siya pa ang nag bigay ng jersey na suot ko.

Gusto niya raw akong makitang mag laro kaya naman dalidali akong bumalik sa pwesto nila kuya.

Nakatalikod sila saakin kaya hindi nila namalayan na nakabalik na ako.
Nasa gitna na ang 5 miyembro ng kabilang team samantalang nandito pa nakaupo at na m-mroblema si kuya kong paano makapag laro.

"Akala ko ba mag lalaro kayo bakit nakatunganga pa kayo diyan."
Tanong ko.

"Paano nga kami makakapag laro gayong kulang kami ng isang mem--"Kusa niyang pinutol ang sinasabi niya ng makita niya ako.
"Bunso s-saan mo yan kinuha?"
Taka niyang tanong habang tinutukoy ang damit kong suot.

Narinig kong tinatawag na ang team ni kuya which is kami para pumagitna na.

"Magtatanong kaba o mag lalaro?"
"Kuya naghihintay na sila saatin"
Sabi ko sa kanila na nakatulala parin habang nakatingin saakin.
"Wag kayong mag alala gagawin ko ang lahat para hindi tayo matalo."
Naka ngiti kong sambit.

Nauna narin akong pumagitna.

Gaya ng inaasahan ko maraming nagtatanong kong anong ginagawa ko duon gayong babae daw ako.
Maraming nag sisigawan na pabigat lang daw ako sa laro.
Well lets see hindi lahat ng naririnig kong comment eh against sa pag sali ko sa gropu nila kuya.

Marami ding namamangha at naniniwala saakin.

"Dami mong fans ah."
Sabi ni dwayne habang naka ngiti.

"Gusto mong humingi?"

"Wag na hindi ko naman kaylangan ang atensiyon nila."

Ano daw bakit parang ang layo ng sagot niya sa tanong ko.
Abnormal talaga.

"Good luck saatin."

Tumango naman ako sa kanya para di ako mag mukang war freak.

Tiningnan ko isa isa ang magiging kalaban namin at halos balikat lang nila ang height ko.

Ilang minuto pa at nag simula na kaming mag laro.
Hindi ko inaasahan na mahihirapan ako sa pag dedepensa nang bola.

Magaling ang mga kalaban namin.
Sa tanang buhay ko ngayon palang ako nahirapan mg ganito.
Ang lapit lang ng lamang namin sa score.

Maraming naghihiyawan at sumisigaw ng number 3.
Yun kasi ang nakalagay sa suot kong damit ngunit hindi ko sila pinapansin dahil nakatutuk lang ang atensiyon ko sa bola.
Kahit ang mga kalaban namin hindi maiwasang mamangha saakin.

Apat na beses kaming nag timeout dahil sa pagod na aming nararamdaman.
Halatang nahihirapan din sila kuya at iba pa naming ka team sa pag dedepensa sa mga kalaban.

Hindi ko namalayan na ilang minuto nalang bago matapos ang laro.
Last 3 minutes nalang ang natitirang oras para sa fourt quarter at sa natitirang oras malalaman kong sino ang mananalo saamin.

All 68 ang score namin.
And kapag nag kataon na mapunta sa kanila ang bola matatalo kami.

Ng akma na akong tatayo para pumunta sa gitna ay hinarang ako ni Dwayne.

"Kaya pa ba?"
Sabi niya habang umiinom ng tubig.

Hindi ko siya sinagot at hinablot ko nag hawak niyang bote ng mineral water.
Ibinalik ko rin ito sa kanya pag katapos kong uminom.

Halatang gulat siya saaking ginawa.
"Wag kang mag alala wala akong rabis."
Sabi ko tsaka ko inayos ang sintas ng suot kong sapatos.

"Para ka talagang lalaki."
"Alam mo bang para narin tayong nag kiss sa ginawa mo?"

"E di marami na pala akong nahalikan ganon?"
Sagot ko bago ko siya tinalikuran at lumapit kay kuya.
"Sa tingin mo kuya mananalo tayo?"

"Oo naman bunso."
"Wala kana bang tiwala sa sarili mo?"
-kuya

"Syempre may tiwala ako sa sarili ko sayo ako nawawalan ng tiwala kuya haha."
Pang iinis ko sa kanya.

"Loko loko ka talaga bunso."

Narinig na namin ang pito ng refeere kaya naman sabay sabay na kaming pumagitna.

Gaya nga ng inaasahan ko sila ang may hawak ng bola.

Tatlong minuto.
Kaylangan naming makuha ang bola at maipasok ito para siguradong kami ang mananalo.

Nakita kong suminyas si dawyne na harangin ko ang may hawak ng bola kaya naman agad akong tumakbo papunta doon.
Hindi ko alam kong anong plinaplano niya pero kaylangan ko paring mag tiwala.

Nagulat ang kalaban namin na siyang may hawal ng bola ng makitang nasa harapan na niya ako kaya dali dali itong umikot duon ko hindi namalayan na nasa likuran na niya pala si Dwayne kaya mabilis niya itong naagaw at ng mag dagsaan sa kanya ang mga kalaban namin ay agad niya ipinasa ang bola saakin bago siya tumakbo palapit saakin para harangin ang mga papunta saakin.

Naritinig ko na ang buzzer ng orasan kong saan malapit ng maubos ang oras kaya naman dali dali akong tumalon at itinutok ang bola sa ring then.

Shoot.

Inkkkkkkk.

Bigla napaka bilis ng nangyari, bigla nalamang may tumulak kay dwayne at sa hindi inaasahang pag kakataon sabay kaming natumba at ang sumunod ng nangyari ang nakapag pawalang lakas saakin. Naramdaman ko na lamang ang malambot niyang labi na nakalapat sa labi ko.


To be continue...


I Love You To The Moon And BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon