chapter 9

8 0 0
                                    

Alden's pov.

Kakarating ko lang mula sa clinic kong saan namin dinala si Dwayne.
Pagka pasok ko sa loob ng bahay ay nakita kong kausap ni Angela si Mama.

"Oh kuya nandiyan kana pala?Bakit di kayo sabay ni Riel umuwi?"

"Nasan siya?"
Tanong ko kay angela.
Naupo ako at tinangal ang sapatos kong suot.

"Natutulog pa ata,kanina pa nga yun eh hindi ko na nga ginising ng tanghalian kasi bagsak na bagsak."

"Ano bang pinag gagawa ng kapatid niyong yan bakit pagod na pagod?"
Rinig kong tanong ni mama.

"Oo nga kuya bakit parang pagod na pagod yun eh nanuud lang naman siya ng laro?"

"Bigla lasing hindi sumulpot sila Aris kaya napilitan silang dalawa ni dwayne na mag laro para hindi kami ma disqualified."
Sabi ko tsaka pumunta sa upuan long saan nasa likuran ni Angela para makausap si mama.

"Hindi na ba talaga mag babago yang kapatid niyong yan?"
Iling iling na tanong ni Mama.

Alam ni mama kong ano ang mga pinag gagawa ni Ariela dito.
Simula ng umalis siya ay lagi kaming nag k-kwento ng mga nangyayari dito.
Ayaw lang ni mama na sabihin kay Ariela na alam niya kong ano talaga siya dahil umaasa siya na hindi pa huli ang lahat para magbago siya.

Kami rin dalawa ang nag pumilit kay mama na paghandaan ang nalalapit niyang birthday.
Alam ni mama na ayaw ni Ariela ang ganong bagay ngunit naisip namin na sanayin siya sa mga bagay na hindi niya ginagawa.
Masyadong matigas ang ulo ng isang yun kaya kaylanagan takutin para naman sumunod.
At si mama ang panakot namin sa kanya.

Hindi sa tutol ako sa kong amo man siya ngayon pero naniniwala parin talaga ako na darating ang oras na marerealize niya kong ano talaga siya.

Hinayaan ko munang mag usap sila ni Angela at nag paalam na para kausapin si Ariela kaya naman deritso akong umakyat sa taas.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako pumasok.
Nakitako siyang nag aayos ng sapatos niyang suot.

"Oh kuya nandiyan kana pala?"
Tanong niya habang sinusuklay ang buhok niya.
"Nga pala kuya pupunta ako kila Danica gusto mo bang sumama?"

"Bakit mo ginawa kay Dwayne yun?"
Seryusong tanong ko.

Natigilan siya sa pag tatali ng buhok niya.

"Kuya pwedi bang wag mo munang banggitin ang pangalang yan."
Inis na sabi niya.
"Nakita mo naman ang nangyari kanina diba"

"Ariela hindi kasalanan ni Dwayne yun!"
Singhal ko sa kanya.

Halatang gulat siya ng biglang tumaas ang boses ko.

"Pinag tatangol mo ba siya kuya?"
"Bakit parang ako pa may kasalanan kong bakit niya ako n-na halikan!?"

"Pero hindi din yun ginusto nung tao!"Hindi ko siya pinag tatangol ang ipinupunto ko ay kung bakit mo ginawa yun kay Dwayne."

"B-bakit kuya ano bang ginawa ko at ikaw tong nagagalit diyan?"
"Ah yung pag bunggo ko sa kanya?"
Tumatango tango niyang sabi habang mag ka krus ang dalawang braso.
"Kung yun ang ikinagagalit mo e di sorry,para namang mamatay nun yung tao."

"At talagang confident kapang sabihin yan!Nakukuha mo pang mag yabang !"
"Alam mo bang hindi na siya makakapag laro ng basketball ng dahil sa ginawa mo!"

Nakita kong nag seryuso ang mukha niya.

"Masaya kana na may isang tao kang na perwisyo?"
"Alam mo bang napaka importante ng larong basketball kay dwayne?"
"Tapos ngayon ng dahil sa pag ka immature mo hindi na siya makakapag laro."
Kitang kita sa mukha niya na nakokonsensya siya.

"N-nagbibiro ka lang kuya diba?"
Malumanay na sabi niya.

"Sana nga nag bibiro lang ako Ariela dahil ako mismo na kukonsensiya sa ginawa mo."

Napakamot na lang siya sa ulo.

"Anong gagawin ko kuya?"
"Hindi ko naman sinasadya yun eh,naiinis lang talaga ako kanina kaya ko nagawa yun pero hindi ko naman alam na aabot sa ganito."
Kinakabahang sabi niya habang kinakagat kagat ang pinaka maliit na daliri niya sa kamay.
"Kuya anong gagawin ko?"

Malumanay na sabi niya na parang batang nangingisay sa kanyang kama.

"Ano ba ang ginagawa kapag may nagagawang kasalanan ang isang tao?"
Tanong ko sa kanya.

"Humihingi ng sorry."

"Eh di yun ang gawin mo!"

"Kuya baka mapatay ako nun kapag nakita niya ako."

"Hindi ko masasabing kong mangyayari yan sayo  dahil kong saakin man mangyari ang ganung bagay eh talagang makakapatay ako."

"Kuya naman eh."
"Tinatakot mo naman ako"
"Hindi ko naman nga sinasadya diba."
Inis na sabi niya.

"Wag ka saakin mag paliwanag."
Sabi ko sa kanya at tsaka pumihit patalikod para lumabas.
"Humingi ka ng sorry sa kanya."

"Paano kapag hindi niya ako pinatawad!"

"Eh di mag sorry ka ulit hanggang sa mapatawad ka niya.Dahil kong ako man nasa kalagayan niya at ikaw tong dahilan kong bakit hindi na ako makakapaglaro,Naku hinding hindi talaga kita mapapatawad kahit kapatid pa kita."

"Ehhhhh."

"Alam mo dami mong reklamo gayong ikaw naman tong may kasalanan."
"Malamang makikita mo siya mamaya kaya simulan mo nang humingi ng sorry sa kanya dahil hanggat hindi ka nag sosorry sa kanya hindi ka makakagamit ng mga damit ko."

"Kuya naman eh..."
"Anong konek nun!"

Hindi ko na siya sinagot at tuluyang sinarado ang pinto.

"KUYAAAAAAAAA"
malakas na sigaw niya.

Dumiretso na ako sa kwarto ko para magbihis.

Kung siguro hindi nangyari yun kay Dwayne malamang kanina ko pa tinukso si Ariela tungkol sa nangyari kanina pero mas nag aalala lang talaga ako kay dwayne kaya naman hindi ko na pinatulan pa si Ariela tungkol sa topic na yun.

"Ano kayang naramdaman ng kapatid ko kanina?"
Mahinang bulong ko habang nag hahanap ng sapatos na masusuot.

Hindi lang talaga ako makapaniwala na si Dwayne ang lalaking unang nakahalik sa kapatid ko.




To be continue...








I Love You To The Moon And BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon