Arc's POV
Today is the day.
Wala na yatang mas excited pa maliban na lang sa akin. Yohoo!
Suot ang aking earphones, ay masaya kong pinakikinggan ang isang kanta. Well, lately, parang naadik yata ako sa a cappella music.
Bumili pa nga ako ng bagong cellphone dahil nasobrahan yata sa charge at pumutok 'yung isa. Dahil na rin sa ginagamit ko 'yun habang naka-charge. Langya.
Playing now: New rules x Are you that somebody by Pentatonix. 🎶
Bitbit ang isang bag ay papogi akong naglalakad sa gitna ng training field papunta sa aming "school service".
The Quadjet.
Yes, it's Zumus's ship na mas pinaganda at nilagyan lang namin ng mga bagong upgrades.
Parang naka-slow-motion akong naglalakad bitbit ang aking blue na bag, suot ang aking earphones at sunglasses. At habang ningunguya ang isang chewing gum.
Oh yeah!
****************
Wendy's POV
Ugh! Ano ba ang nakain ng bugok na 'to?! Akala ko ba misyon ang pupuntahan namin?
Bakit parang pormadung-pormado yata siya ah?
"Hey what's with the shades?" I ask.
"Duh, it's New Lock city? The city of fashion? Let's go..." sagot ni Arc sabay hablot sa kamay ko at inakbayan na lang ako bigla at ipinasuot ang isa sa kanyang earphones.
A cappella music?
"Um... What's happening?" --
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya.
At lumakad na nga kami at pumasok sa ship. Minsan talaga mahangin din 'tong si Arc.
*************
Elise's POV
I don't know kung ano ang trip ng baliw na magjowang 'to. Para silang mga bata. Tsk.
Nakatingin lang ako sa kanila mula sa kanilang likod dahil papunta na kami sa ship na magiging sasakyan namin.
Nakaiinis sila panoorin.
Dumagdag pa 'tong period ko, parang na-bad trip pa ako lalo. Tssk!
Buti na lang nandiyan si Fafa Ivion ko para pagaanin ang loob ko.
Hay...
Nasa loob na siya ng ship sa driver's seat, pinipindut-pindot ang mga kung anu-anong buton at kitang-kita ko siya dahil sa windshield.
Why so cute?
Pagpasok ko ay nasa loob na rin pala sina Tronium na nasa gilid nakaupo sa kanilang mga upuan habang naka-seatbelt.
Kaya umupo na rin ako at binuksan ang aking phone.
Hay... Mabuti pang panoorin ko na lang ang mga monthsary pictures namin ni Ivion.
Ngayon ko lang nalamang, ang swerte ko pala.
Napangiti naman ako pero bigla rin namang nawala dahil biglang sumakit ang puson ko. Sh*t!
Ugh.
******************
Ivion's POV
Umupo na si Arc sa kanyang upuan sa tabi ko dahil siya ang aking copilot.
"Pansin ko lang, parang bad trip yata babae mo 'vion..." sabi ni Arc at biglang tumawa habang ikinakabit ang kanyang seatbelt.
"Pansin ko nga... 'Di ko nga rin alam kung bakit, but I find it cute. Tingnan mo kung paano siya naiirita. Ang cute..." sabi ko sabay tingin kay Elise na kasalukyang naba-bad trip sa pagkakabit ng seatbelt.
"Talaga lang ha?" sabi ni Arc at pinindot ang engine buttons.
"Yeah..." sabi ko at napangiti.
"Inlove spotted..." biro niya.
"Ba't ikaw ba hindi? Pansin ko nga nung mga nakaraang araw palagi na lang kayong lumalabas ni Wendy..."
"Haha... Stalker mo talaga..."
"Hindi 'no!" sagot ko at biglang hinawakan ang manubela.
Bigla namang nagsalita si Anaria...
"Kung magtsitsismisan lang naman kayo pwede naman kayong bumaba muna, maglatag ng tela sa damo at mag-picnic habang nagku-kwentuhan kung gaano kayo ka inlove..." pagka-irita niya.
"Mas mabuti pa nga 'yung gawin..." biro ko at umapir kay Arc.
"Yooon!" sabi ni Arc at tumawa.
"Ugh... Mga lalaki talaga!" pagka-bad trip ni Anaria at bumalik sa kanyang upuan.
"Okay... Fasten your seatbelts everybody...." sabi ko at pinindot ang buton para sa thrusters at bahagya kaming lumutang sa ere.
"Teleporting... In three, two, one..." sabi ni Arc at biglang pinindot ang isang buton at mabilis nga kaming nawala gamit ang teleportation system.
*************
Third person's POV
Mula naman sa isang silid kung saan kita ang training field mula sa isang bintana ay makikita si Thumpyr na nakatingin habang may hawak na tabako.
"Mag-iingat kayo... At 'wag niyo akong bibiguin" sabi niya.
***************
Mabilis ngang nakarating sa New Lock city ang The Mythmen Reborn at nasa ere sila pinapanood ang makulay na syudad na nagliliwanag sa gabi.
"Welcome to New Lock city..." sabi ni Arc.
"Activating stealth mode" sabi ni Ivion at pinindot ang isang buton at mabilis nga silang lumipad nang hindi namamalayan ng kung sino man.
Now playing: Another one bites to dust by Queen.
***********
BINABASA MO ANG
THE MYTHMEN REBORN TWO: NEW REBORNERS (CSU SERIES #9)
Science FictionSi Arc na isang Mythmen kasama ang kanyang mga kaibigan ay magkakaroon ng isang kakaibang misyon at may mga bagong dadagdag sa kanilang team. Paano kaya ito makatutulong sa kanila? Magiging maganda kaya ang kalalabasan nito? CSU SERIES #9 Sequel/S...