Wendy's POV
Nagulat ako sa sinabi ng dalawa.
Ano?!
Ako ang magiging pambato nila?
Parang biglaan naman yata ha.
"Okay heto ang kanyang number, maari na kayong pumasok sa loob..." sabi ng babae na nakaupo sa harap ng desk at ibinigay ang isang numero na nakasulat sa cardboard.
Kaya pumasok na nga kami habang hawak-hawak nila ako sa balikat para hindi ako makaalis.
"Wait!" mahina kong sigaw kaya tumigil silang dalawa. "Ipaliwanag niyo muna sa akin kung ano ang nangyayari..." dugtong ko.
"Okay..." sabi ng beki sabay huminga ng malalim. "May emergency election kasi ngayon, so kailangan nila ng bagong SSG President ASAP, lumipat kasi ng school 'yung dating president dito na wala namang ginawa. So here is our plan. Me and my friend here ay mga estudyanteng may gustong ipaabot at pagbabago. We need you to be our candidate kasi sikat kaming dalawa rito sa pagiging nerds kaya sino ang maniniwala sa amin? You are our only hope para mapatupad lahat ng aming mga hangarin sa school na ito. Sorry if na-force ka yata namin..." pagpapaliwanag niya.
"We're sorry..." sabi naman ng babae.
"You can leave now... Pasensya na talaga ha..."
"'Di ba sabi mo sikat kayo rito? Did you mean binu-bully kayo rito?" tanong ko.
Tumango silang dalawa silently. Parang naawa naman ako. Bumalik tuloy ang mga alaala ko nung college days. Hayys.
"Okay. I will do it..." sabi ko.
Napangiti naman silang dalawa sabay yakap sa akin na ikinagulat ko.
"Thank you!" sabit nila ng paulit-ulit.
"Pfft, wala 'yun... Keye telege..."
"Um, by the way, I'm Dyosa..." sabi ng beki.
"Dyosa?" tanong ko bigla.
"Short for Diosdado Alejandro Jr" sabi niya na para bang nagdi-disagree siya sa pangalan niya.
"Pffft..." pagtawa ko bigla.
"Ewan ko ba bakit junior pa..."
"Ako naman si Catherine, Cath na lang ang itawag mo sa'kin..." sabi naman ng babae.
I smiled first bago ipinakilala ang aking pangalan.
"Ako naman si... Uh..."
Teka lang, okay lang bang sabihin ang tunay kong pangalan?
I don't think so.
I cleared my throat then I continued...
"I'm Abby, Abbygail Santiago. I'm actually a transferee from Harvestton University sa Central city."
*******************
Anaria's POV
Nilapitan ko na nga ang mga pabebeng babaeng 'to na nakaupo sa study table na kasalukuyang nagre-retouch.
Mga nasa apat sila na sa tingin ko mga cheerleader, dahil na rin sa pagkakapareho ng mga suot nila na kulay yellow at black na uniform siguro nila sa pagche-cheerleading. May skirt eh.
"Ah... Hi..." sabi ko.
"Oh... Hello, anong kailangan mo?" sabi ng mataray na babaeng may blonde na buhok na naka-ponytail na mukhang anak-araw.
"Ah... Wala naman. Pwede ba akong makipagkaibigan?"
Tumayo ang babae at humarap sa akin.
"FYI, ang mga kinakaibigan lang namin ay mga mayayaman, may class at marunong sa cheerdancing. Bakit gano'n ka ba?" mataray niyang pagkakasabi.
Naku, 'pag 'di ako nakapagpigil dito sasapakin ko na 'to. Buti na lang talaga nagbago na 'ko.
Tumikhim ako at nagpatuloy.
"Actually, lahat ng sinabi mo ay ako. Mayaman, may class at cheerdancer..." mataray ko ring sagot.
"Well, kung sa gano'n..." bitin niyang sabi na para bang may pasabog pang pahabol.
But then nagulat ako dahil bigla na lang siyang sumigaw ng...
"Welcome to the squad! I'm Sabrina, this is Daisy, iyon naman si Fiona and that one is Violet... And you are?"
Well, as suspected, magaganda lang sila pero mga bobo o 'yung para bang kulang sa gatas nung mga bata pa sila? Tsk. Spoiled brats.
"Ah... I'm Anar..." sasabihin ko sana ang tunay kong pangalan kaso ang pangit. Iniba ko na lang para may class. "Ah... I'm Veronica..."
"Nice meeting you Veronica..." sabi nila.
*************
Alzan's POV
Parang hindi ko yata 'to kaya. Nahihiya ako.
Huh? Ako nahihiya? Bago yata 'to sa'kin ah?
Matagal na panahon din kasi ang itinagal namin sa T.S.M.A. kaya parang naguguluhan ako kung paano ako magsisimula. Kung gano'n pa rin ba makipag-usap ang mga tao ngayon.
Naglalakad ako ngayon sa loob ng kanilang music hall na parang isang napakalaking museum dahil na rin sa mga naka-glass na mga trophy, medal, certificate na malamang ay napanalunan nila sa iba't ibang kompetisyon.
Halos nga sa makita ko ay puro gold na nangangahulugang parati silang nasa unang pwesto kapag musika na ang pinag-uusapan.
Galing!
Dumiretso ako sa kanilang theater kung saan ginaganap ngayon ang isang audition para sa magiging bagong miyembro ng banda.
Binuksan ko ang pinto at ako na nga ay pumasok.
This is it.
Maipapakita ko na talaga ang aking talento.
********************
Third person's POV
Makikitang nag-uusap sina Thumpyr at Revenger sa loob ng Meeting hall.
Nakaupo si Thumpyr sa kanyang upuan habang nakatayo naman si Revenger na mapapansing nababahala.
"Sigurado ka ba sa nararamdaman mo Reve?" tanong ni Thumpyr.
"Oo naman Thumpyr, alam ko kapag may masamang mangyayari dahil iyon ang aking kapangyarihan. Katulad ng mga nagdaang insedente rito sa syudad, lahat 'yun ay nakita ko na sa aking vision bago pa ito mangyari..." sabi ni Revenger na kasalukuyang suot ang isang supersuit na kulay asul at silver na bumabagay sa kanyang silver and dark blue one length hairstyle.
"Sinasabi mo ba na may masamang mangyayari kina Arc, sa iyong apo?"
"Kaya dapat mo na silang pabalikin dito Thumpyr bago pa mahuli ang lahat..." sabi ni Revenger at napatingin sa pinto na biglang bumukas at pumasok ang isang agent at nagsalita.
"Magandang umaga po Mr. Drangerock, may bago po kaming impormasyon tungkol sa mythmen na pinapahanap niyo po sa amin. Ang tungkol po sa dating butler ni Zumus na si Dortle... Nasa New Lock city po siya ngayon. To be exact, nasa Victorious school po siya ngayon..."
Parang nagulat naman si Thumpyr at napatayo at tumingin kay Revenger at sinabi sa agent na...
"Pumunta ka ngayon din sa Legendaria chamber..."
********************
BINABASA MO ANG
THE MYTHMEN REBORN TWO: NEW REBORNERS (CSU SERIES #9)
Science FictionSi Arc na isang Mythmen kasama ang kanyang mga kaibigan ay magkakaroon ng isang kakaibang misyon at may mga bagong dadagdag sa kanilang team. Paano kaya ito makatutulong sa kanila? Magiging maganda kaya ang kalalabasan nito? CSU SERIES #9 Sequel/S...