Third person's POV
Mabilis ngang umalis si Ivion sa library at binalikan ang lugar kung saan niya natatandaang nakapwesto si Elise.
Ngunit... Huli na ang lahat.
Wala na si Elise at ang nakapagtataka rin ay wala na ring taong dumadaan sa lugar.
Sa paghahanap ni Ivion sa paligid ay nakita niya ang cellphone ni Elise na nasa bench.
Pinulot niya ito at tiningnan.
Bigla rin naman itong nag-ring at agad niya rin itong sinagot.
"Hello?" sabi ni Ivion.
"Anghel... Hawak ko ngayon ang iyong pinakamamahal na babae..." sabi ng nasa kabilang linya.
"Sino ka, nasaan na siya?!" sigaw ni Ivion.
"Sabihin mo muna kung bakit kayo nandito sa aking teriyoryo... Hmmm, Bakit nga ba?"
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Sa tagal ng panahon kong namumuno rito sa paaralan ngayon lang ako binisita ng mga gaya ninyo. Sabihin mo, ano ang pakay niyo rito?!"
"Nasaan muna siya... Kahit iparinig mo man lang ang boses niya!"
"Oh sige..." sabi ng nasa kabilang linya at bigla niyang tinanggal ang telang nakatakip sa bibig ni Elise na kasalukuyang nakatali.
"Ivion tulungan mo ako! Wala na akong kapangyarihan! Kinuha..." pagputol ni Elise.
"Ano?! Hello?! Hello?! Elise! Elise!" sigaw ni Ivion. "Magbabayad ka sa ginawa mong ito!" dugtong niya.
"Kung gusto mo talaga siyang makita, pumunta ka kasama ang iba mo pang mga kasama sa gitna ng american football field ngayon mismo..." sabi ng nasa kabilang linya at pinatay ang tawag.
Bigla namang pinindot ni Ivion ang isang buton na nasa suot niyang suit na nasa parteng braso at tinawagan si Arc at ang iba pa.
"Reborners, kailangan ko kayo ngayon. Mukhang hindi na lang 'to basta pag-iimbestiga pa, it's a rescue mission now..." sabi niya at mabilis na umalis.
***************
Mula naman sa kinalalagyan ng taong kumid-nap kay Elise o sa principal's office.
"Ikaw si Principal Knight 'di ba?! Bakit mo 'to ginagawa?!" sigaw ni Elise.
"Naniningil lang naman ako, dapat nga hindi ko pa 'to gagawin kaso, tamang-tama naman ang pagdating ninyo, kaya ginawa ko na... It's payback time..." sabi ni Knight at tumawa at ibinalik ang tela sa bibig ni Elise.
Kinuha niya naman ang telepono niya sa kanyang bulsa at biglang may tinawagan.
"Ah... Hello, yes ako 'to. Pumunta ka na agad doon..." sabi niya at napatingin kay Elise.
***************
Wendy's POV
"Number 46!" sigaw ng isang babae.
"Oh ikaw na girl..." sabi ni Dyosa at napatayo kaming tatlo.
"Galingan mo ha..." sabi naman ni Cath sabay palakpak na para bang excited.
Bakit parang may pumipigil sa akin na gawin ito? Parang may nagsasabing mali 'tong ginagawa ko. Pinapaasa ko lang ang dalawang 'yun. So paano na kapag tapos na ang misyon namin dito? Paano ko sa kanila maipapaliwanag ang lahat?
Nung palakad na sana ako ay bigla na lang tumunog ang communicator ko na naka-built-in sa aking hikaw.
"Reborners, kailangan ko kayo ngayon. Mukhang hindi na lang 'to basta pag-iimbestiga pa, it's a rescue mission now..." tinig ni Ivion na para bang nababahala at 'di mapakali. At mukhang seryoso siya.
BINABASA MO ANG
THE MYTHMEN REBORN TWO: NEW REBORNERS (CSU SERIES #9)
Ciencia FicciónSi Arc na isang Mythmen kasama ang kanyang mga kaibigan ay magkakaroon ng isang kakaibang misyon at may mga bagong dadagdag sa kanilang team. Paano kaya ito makatutulong sa kanila? Magiging maganda kaya ang kalalabasan nito? CSU SERIES #9 Sequel/S...