Third person's POV
Sa loob naman ng isang napakaabalang ospital ay makikita ang isang lalaki na nakahiga sa kanyang puting-puting kama na may nakakabit pang dextrose.
Ilang oras pa lang namang nakalatay ang lalaking ito dahil kaninang umaga pa lang siya nakapasok mula nung dinala siya rito galing sa isang dalampasigan na walang malay.
Bigla siyang nagising at natuwa rito ang nurse na nagbabantay sa kanya.
"Mabuti naman at gising ka na pogi..." sabi ng nurse.
"Teka lang, nasaaan ako at sino ka?" mahinang sabi ng lalaki.
"Nandito ka ngayon sa ospital mula nung dinala ka nila rito, wala ka pa ngang malay kaninang umaga eh... Ah... Para lang 'to sa records namin ha, for confirmation lang, maari bang malaman ang iyong pangalan?" sabi ng nurse.
"Pangalan? Ah... Ako si... Hindi ko na matandaan..." pagtataka ng lalaki.
****************
Sino naman kaya ang lalaking ito?
At ano ang magiging papel niya sa buhay nina Arc?
Abangan!
***************
BINABASA MO ANG
THE MYTHMEN REBORN TWO: NEW REBORNERS (CSU SERIES #9)
Science FictionSi Arc na isang Mythmen kasama ang kanyang mga kaibigan ay magkakaroon ng isang kakaibang misyon at may mga bagong dadagdag sa kanilang team. Paano kaya ito makatutulong sa kanila? Magiging maganda kaya ang kalalabasan nito? CSU SERIES #9 Sequel/S...