Ivion's POV
Pagabi na at nakatutok sa amin ngayon ang mga naglalakihang ilaw na para bang tumatayong saksi sa nagaganap ngayon.
"Sabihin mo Ivion, ano ang kanyang ibig sabihin..." sabi ni Anaria.
Parang natigilan naman ako kung saan ko sisimulan ang lahat.
"Ah... Hindi niyo na dapat pa 'yung malaman, dahil nagbago na naman kayo 'di ba? Wala na naman kayong gagawing iba..." sabi ko.
"Kahit na taong may pakpak, karapatan pa rin namin iyong malaman..." sabi ni Tronium.
"Oh sige ako na ang magsasabi..." pagsali ni Mr. Dortle at ngumiti ng nakabubwesit.
"Ano ba ang ibig niyang sabihin?" pagtataka ni Arc at biglang napatingin kay Wendy na takang-taka na rin.
"Okay stop!" sigaw ko. "Makinig kayong tatlo, hindi ko alam kung saan mo nakuha ang impormasyong ito Dortle, pero dapat sasabihin ko naman 'to sa inyo, naunahan lang talaga ako ng matandang iyan. Sa katunayan kasi, may nilagay kaming backup system ni Mr. Thumpyr sa suot niyong mga suit, sa tulong na rin ni Mr. Solomon Port na siyang dumisenyo sa mga suit na ito. Don't get it wrong, it's not about we do not trust you guys, sadyang inuuna lang talaga namin ang safety ng mga tao lalung-lalo na kapag involved na kayo do'n. You three had a dark history sa nagdaang mga taon and we are clearly aware of it, and we do not want you guys to do it again..." pagpapaliwanag ko.
Sana maintindihan nila ako. Pero nakikita ko pa rin sa kanilang mga mukha na parang trinaydor ko sila.
"Sana sinabi mo ito ng mas maaga para hindi kami umasa rito na akala namin, okay na ang lahat. Na magkakaibigan na talaga tayo. Bakit, hindi ba pwedeng magbago? Ganyan naman talaga kayo eh, jina-judge niyo kami sa aming nakaraan nang hindi man lang inisip kung ano na kami sa ngayon sa kasalukuyan. Gusto niyo ng gano'n? Iyong nakamiminsala? Sige, pagbibigyan namin kayo... Yah!" sigaw ni Anaria at biglang lumiwanag ang kanyang mga mata ng kulay pink at binalot na rin ng kulay pink na enerhiya ang kanyang buong katawan lalung-lalo na sa kanyang mga kamay.
Sumigaw na rin sina Alzan at Tronium at bigla silang nagbagong-anyo.
Nabalot ng napakainit na apoy ang buong katawan ni Tronium at lumiwanag ang paligid.
"Yeah... Matagal ko na itong gustong gawin..." sabi niya.
Nagkaroon na rin ng mga pakpak ng paniki si Alzan at nabalot siya ng kulay itim o lilang usok at naging parang neon purple na rin ang kulay ng kanyang mga mata.
Napaatras naman ako at nakakmang pipindutin ang isang buton na nasa aking forearm pad device.
"Sige, pindutin mo Ivion..." sabi ni Anaria.
"Huwag Ivion..." sabi ni Arc na nasa aking likod.
"Itigil niyo na 'yan Anaria... Walang patutunguhan iyang ginagawa ninyo. Pinaptunayan niyo lang ang sinasabi ng iba..." sabi ni Wendy na nababahala.
Bigla namang nagsalita si Principal Knight...
"Sige, tama na ang drama..." sabi niya at biglang natanggal ang mga right shoulder pad nina Anaria na siyang ang backup system device sa paggalaw ng kanyang mga daliri gamit ang telekinetic ability na ninakaw niya kay Elise. "Umpisahan niyo na ang laban!" sigaw niya.
Hindi 'to maaari!
"Yah!" sigaw nina Anaria at sumugod.
Lumingon naman ako kay Arc at tumango. Tumango rin naman siya at sinabing...
"Kailangan natin 'tong gawin..." sabi niya at biglang sumugod at sinundan na rin siya ni Wendy.
Ibinuka ko naman ang aking makikintab na bakal na mga pakpak at sumigaw.
"Yah!" sigaw ko at agad na lumipad.
Ang nilabanan ko ay si Alzan dahil pareho kaming may pakpak, si Wendy naman kay Anaria at si Arc naman kay Tronium.
Mukhang wala na talaga kaming magagawa rito kundi ang lumaban.
"Yah!!!!" sigaw naming lahat.
*********************
Third person's POV
"Sige, maglaban lang kayo..." sabi ni Knight at napangiti. "Ang saya sana nilang tingnan, pero wala na akong oras para riyan... Umalis na tayo tito..." sabi niya at bigla siyang hinawakan ni Mr. Dortle at mabilis silang nawala kasama si Elise na kasalukuyan pa ring walang malay nung may lumitaw na portal sa lupa at nilamon sila.
Patuloy pa nga sa paglalaban sina Ivion, at parang hindi ito matatapos basta-basta.
Sumigaw ng napakalakas si Alzan na para bang naka-high pitch na boses na napakalakas na ipinatatama niya kay Ivion na iniilagan naman niya gamit ang pagliku-liko sa ere.
"Tigilan mo na 'to Alzan!" sigaw ni Ivion.
Ngunit hindi siya pinakinggan at bumitaw pa ng mas malakas na sigaw si Alzan.
"Waaaahhh!"
Samantala sina Anaria naman at Wendy ay naglalaban pa rin.
"Let's talk Anaria, we can fix this..." sabi ni Wendy.
"No!" sigaw ni Anaria at bigla niyang pinatamaan si Wendy gamit ang kulay rosas na enerhiyang lumalabas sa kanyang mga kamay.
Tinapatan din naman ito ni Wendy gamit ang tubig na lumalabas din sa kanyang mga kamay. "Ha!" sigaw niya.
Maririnig naman ang malakas na tunog ng apoy na nagmumula sa mga braso ni Tronium na kasalukuyang nababalot din ng apoy.
"Hetong sa'yo!" sigaw niya habang patuloy na nagpapalabas ng apoy sa kanyang mga kamay at habang nagpapalabas din ng apoy sa kanyang mga paa para siya ay makalipad.
Nagpapalabas din ng napakalakas na pwersa ng yelo sa kanyang mga kamay si Arc para tapatan ito at para maprotektahan ang kanyang sarili.
"Tumigil na kayo! Ugh..." sabi niya.
Parang nilamon na nga ng kanilang emosyon ang tatlo at parang hindi na sila mapipigilan.
Nilamon na sila ng kanilang nga galit at lungkot dulot ng pagiging hindi tapat ni Ivion sa kanila. Isa lang ang napatunayan nito, malaking bagay pa rin pala ang pagiging tapat sa isa't isa, dahil ito ang humuhubog ng matibay na pundasyon ng pagkakaibigan. Kung wala ito, imbis na tulay ang magawa, pader ang haharang.
Ang katapatan ang siyang bubuhay sa atin saan man tayo mapunta. Ngunit minsan, ito rin ang papatay sa atin.
Ngunit hindi rin madaling maging matapat, hindi pwedeng araw-araw tapat ka, minsan kailangan mong magsinungaling para matapos na ang lahat at para hindi na madugtungan pa ang kwento.
Sa kalagayan ni Ivion, hindi madali ang kanyang ginawa. Maaring mali ito para sa iba, pero para sa kanya ito ang tama. Pinapatunayan lang nito na ang bawat nilalang ay may kanya-kanyang pananaw.
Hindi nga mapigil ang kanilang paglalaban. Maririnig ang mga malalakas na pagsabog na nililikha ng kanilang mga pag-atake na nababalot ng galit ngunit mapapansin namang parang nagpipigil sina Ivion, Wendy at Arc. Syempre gusto rin naman nilang walang masaktan.
At habang naglalaban nga sila ay bigla na lang may dumating na kakaibang eroplano na para bang spaceship na kulay itim. Lumapag ito malapit sa kanila at biglang bumukas ang pinto.
Agad na may bumaba ritong tatlong tao at ang isa ay sumigaw ng...
"Itigil na ninyo 'yan!" at biglang pinatunog sa lupa ang hawak niyang bakal na gintong tungkod na lumikha ng kakaibang tunog at kulay gintong enerhiya na tumapos ng lahat.
****************
BINABASA MO ANG
THE MYTHMEN REBORN TWO: NEW REBORNERS (CSU SERIES #9)
Ciencia FicciónSi Arc na isang Mythmen kasama ang kanyang mga kaibigan ay magkakaroon ng isang kakaibang misyon at may mga bagong dadagdag sa kanilang team. Paano kaya ito makatutulong sa kanila? Magiging maganda kaya ang kalalabasan nito? CSU SERIES #9 Sequel/S...