Stuck Driver

4 0 0
                                    

(Unang gabing tumawag si Samina kay Jeshan.)

Jeshan "Hello?"

Samina "Sam's here, nabanggit mo kasi kay Auntie na pwede kitang tawagan kapag ganitong oras na diba?, sorry sa abala wala na kasi akong masakyan pauwi."

Jeshan "Ah oo, .. Oo sure. "

(Nagmadali nang nagbihis si Jeshan at nag ayos na ng buhok.)

Samina "Thank you.. Buti gising ka pa ng ganitong oras?"

Jeshan "Ah oo, madalas kasi akong maalimpungatan ng ganitong oras."

Pero ang totoo nagising lang si Jeshan dahil sa tawag ni Samina.

(Nasundan pa ang mga panunundo ni Jeshan kay Samina sa hating gabi, kwentohan habang nasa biyahe at iba pa, kong minsan pa ngay hindi na naghihintay si Jeshan na tawagan siya ni Samina, nagpupunta na siya kaagaad upang masiguradong hindi siya mahuhuli sa paghatid dito.)

Jeshan "So anong balak mo kapag naka graduate ka?"

Samina "Ako? Gusto ko magtravel tayo ni Marie kasama si Auntie then sa 2nd year gusto kong masubukan magtrabaho sa isang Hospital kahit anong position basta sa hospital, then sa susunod na taon magpapagawa na ko ng sarili kong clinic tapos kasama ko kayong dalawa ni Marie dun tapos magreresign ako dun sa hospital na pinagtatrabahohan ko hahaha ang cool diba palalaguin nalang natin yung nasimulan nating clinic, tapos kapag 25 years old na ko mag aasawa na ko."

Jeshan "Ano namang pangarap mo para sainyo ng mapapangasawa mo?"

Samina "mmm.. Susundin ko naman siya sa gusto niya, susuportahan ko siya sa pangarap niya."

Jeshan "eh ikaw ba wala kang pangarap para sainyo?"

Samina "Kong ano yung sakanya ganun na din saken, kasi si mommy naghiwalay sila ng Daddy dahil hindi sang ayon si Mommy sa mga gusto niya, my Dad feel controlled and deprived freedom."

Jeshan "Aww sorry for asking Samina. "

Samina "No sorry. Nga pala, How's Jeshan?"

Jeshan "Ok naman siya as  always. bakit mo natanong?"

Samina "mmm, actually matagal ko na siyang gustong kausapin. Pakiramdam ko kasi kailangan naming mag usap."

Jeshan "Panu mo naman nasabi?"

Samina "Napaka suplado niya kasi saken eh pakiramdam ko naman, gusto niya rin akong kausapin nahihiya lang siya dahil sa ginawa niyang pagpapalayo saken noon. Taas kasi ng pride"

(Nainis si Jeshan, dahil sa di matanggap na napapansin pala ang mga akto niyang ganun ni samina. At mas Lalo pa siyang nanggigil ng mabanggit ni Samina ang patungkol sa kanyang pride kaya napaprino siya.)

Samina "Ohhh!!!"

Jeshan "Ganun lang talaga siya pag ayaw niya sa tao."

Samina "are you jealous?"

Jeshan "Huh hindi ah!"

Samina "eh bakit parang sinisiraan mo siya?"

Jeshan "Ang ibig ko lang namang sabihin, ayaw niya sa mga taong nadidistract siya."

Samina "Kong talagang hindi siya mapride bakit di niya parin ako magawang kausapin kahit Hi lang pakiramdam ko naman di ako gaanong nakakaistorbo."

Jeshan "Baka may iba pang reason."

(Hindi na umimik si Samina, habang si Jeshan ay napapaisip sa kong ano nang tingin sakanya ni Samina. Sa paglipas ng mga gabing magkasama sila marami pang ibang masayang nangyari maliban sa paghatid kay Samina, Kumain sila sa 24 hours na restaurant, pamamasyal sa playground nang kahit silang dalawa nalang ang nanduon ay nagagawa paring magsaya, di alintana ang pagod at Puyat sa bawat paglalakad sa gilid ng ilog, at sa mga sandaling iyon nakakalimutan ni Jeshan kong sino siya sa araw.)

The why's of Renaissance Human IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon