May Island

5 0 0
                                    

(habang nagkikwentohan ang dalawang bangkero, natanaw na ni Jeshan ang Isla, ang malaking Bahay na nag mumukhang Kastilyo dahil sa nag iisa lang ito sa lugar  na walang gate at tila ba parang paraiso na may puting mga buhangin, iba't ibang uri ng halaman at iba  pa., hindi makapaniwala si  Jeshan sa sobrang tahimik at ganda ng lugar.)

Jeshan "Kuya malapit na ba tayo, kailangan pa ba nating maglakad ng malayo para marating yung bahay nila Samina?"

Bangkero "Nakikita mo yang Bahay na Malaki na yan?..(Tumingin si Jeshan) jan nakatira yung hinahanap mo yun nga lang hindi kami sigurado kong nanjan pa siya, puntahan mo nalang at kausapin mo si manang Tere."

(Nang makarating sila inihatid ng isa sa mga bangkero si Jeshan hindi magkamayaw sa kakatingin sa paligid si Jeshan sa sobrang ganda ng lugar may mga nagtatanim, naglilinis sa lugar na tila ba alagang alaga ang lugar, maya maya lumabas na si Manang Teressa.)

Manang Teressa "Oh Jeshan, nandito ka na pala kamusta ka na?"

(Nagulat si Jeshan)

Jeshan "Aunty? (Tumakbo palapit.) Nasan na po si Samina ayus la ba siya? kamusta na po siya?"

Manang Teressa "Ayus lang naman siya wag kang mag alala, Tara pumasok ka muna at magtanghalian, dito na rin kayo kumain (Bangkero)"

[Sa hapagkainan]

Jeshan "Kumain na po ba si Samina? bakit hindi natin siya kasabay?"

(Kabadong kabado si Jeshan at hindi mapakali iniisip na kahit anong oras makikita niya na si Samina pero.)

Manang teressa "Wala siya dito, Kumain ka nalang muna jan at wag kang mag alala."

(Pagkatapos kumain at bumalik na sa trabaho ang dalawang bangkero nagkaroon ng pagkakataon magkakwentohan si Manang teressa at Jeshan.)

Jeshan "Nasaan po ba ang parents ni Samina? at bakit kayong tita niya ang nag aalaga po sakanya? wala po ba kayong sariling pamilya?"

Manang Teressa "Jeshan, Hindi ako totoong Aunty ni Samina at hindi ko siya tunay na pamangkin, Pero totoo simula bata yan siya ako na ang nag alaga sakanya, dati akong katulong ng kanyang ama si sir Kahlil yung tumawag saken para itanong kong kilala nga daw ba kita, sino ka at anong relasyon mo kay Samina. Galing sa mayamang pamilya si sir Kahlil pero naging taga alaga niya lang ako nuong kinse anyos pa lang siya hanggang ngayon nagtatrabaho ako sakanila pero si Samina na ang inaalagaan ko."

Jeshan "Bakit po nasaan sila sir Kahlil at ang Mommy ni Samina?"

Manang Teressa "Si sir Kahlil nasa ciudad sa Makati dun siya nagtatrabaho at ang asawa niya naman na si Taja ay nasa iba't ibang bansa naninirahan kasama ang kapatid ni Samina, Magkasama naman dito sa Pinas si Samina at Kahlil pero hindi ganun kadalas umuuwi dito ang Daddy niya dahil nasa ciudad ang negosyo."

Jeshan "Kong ganun po Aunty bakit kailangan pang magtrabaho ni Samina noong nag aaral siya?"

Manang Teressa "Kong hindi mo naitatanong, yung unang taon niya sa paglabas sa lugar na to ay yun din ang huling beses na lumabas siya."

Jeshan "Ano pong ibig nyong sabihin?"

Manang Teressa "Sumunod ka saken (Dinala siya sa napaka laking kwarto ni Samina na may dalawang palapag ang taas at sinlapad ng isang covered court, na punong puno ng mga libro, gamit sa pang arts, computer, Telescope, Laruan, Puzzle at iba pa na makikita mo lang sa isang mayamang paaralan, may mahaba siyang lamesa pero may dalawang upuan lamang, napaka lawak ng kanyang hugis bilog na kama, pati ang mga gamit niya magmula nang siya ay sanggol pa ay nanduon.) Dito nanirahan si Samina ng mahigit labing walong taon, Nagulat din ako noon nang una siyang ikulong dito ng kanyang ina walang sino man na ordinaryong tao ang nakakalapit sakanya maliban sa akin ni ultimo sa sala hindi siya nakakalabas, hindi niya naranasang makapag aral kasama ang ibang bata, iba't ibang professional na mga mentor lang ang nakakapasok dito para turuan siya, Science, Math, English, Accounting, Medicine, Computer, Business, Technoly, Electronics, Language at iba pa na mapag aaralan lang sa college eh naituro na sakanya dito ng one on one ilan sa mga nakikita mong libro ay pag mamay ari ni Kahlil at ang iba naman ay iniregalo ng kanyang mentor at ang ilan ay sinadyang bilhin para sakanya pero lahat yan nabasa niya na."

The why's of Renaissance Human IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon