Dinner Night

5 0 0
                                    

(Habang naglalakad sa hallway si Samina muli niya nanamang Nakita ang update ng kompetisyon na kinabibilangan niya at nalalapit na nga magclose ang competition at irirate na ng judge ang kanilang mga gawa sa loob ng dalawang linggong pag uusisa. tinignan ni Samina ang kanyang orasan sa kaliwang kamay at bigla na lamang nagtatatakbo papunta sa garden ng kanilang campus dito binuksan niya ang laptop at tinignan ang nagawang program, may Nakita siyang mali pero hindi niya na magawang bagohin kaya naman nagdesisyon nalang siyang ulitin at burahin ang nauna pero wala parin sinubukan niyang gumawa ng ibang account at ibang entry name pero  narerecognize parin siya kaya hindi siya magawang tanggapin, wala siyang ibang nagawa kundi ipagpatuloy ang nasimulang program, habang ginagawa ito naalala niya ang mga planong ginawa niya para rito pati ang mga pag aaral na ginawa niya noon bago pa ang contest.)

(Sa sumunod na mga araw mas nagfocus pa si Samina at araw araw pinag aaralan at iniimprove ang gawa niya. Sadyang pinagbubutihan ni Samina ang competition na iyon ng husto sa pag asang sa ganung paraan mapapansin siya ni Jeshan at magiging mas komportable sila sa isa't isa dahil sa parehas nilang idea sa iisang bagay. At bukod dun naniniwala rin siya na hahangaan siya ng mga taong tumulong sa kanya para matutunan ang bagay na iyon at nagsisilbi ring bayad sa utang na loob ang pagkapanalo niya hindi man ang una sapat ng mapakita niya na may kinahinatnan ang hirap ng mga tumulong sakanya, katulad na lamang ng ibang contest na nilabanan niya. Wala siyang ibang hinangad pagkat ito lamang ang alam niyang paraan ng pagpapasalamat.)

(Napapansin naman ni Jeshan ang kanyang pagiging abala, dahil halos lahat ng kuha niya kay Samina sa Camera eh may bitbit itong laptop o kaya naman ay ginagamit niya ito, muli siyang napaisip sa mga pinagkakaabalahan nito pero ni minsan hindi niya naitanong.)

(Isang gabi sa Radio station, maagang pinauwi sina Samina dahil sa may ibang magboboses muna para sa mahalagang okasyon ng isang kompanya na kanilang inaadvertize. sakto naming naiwan niya ang cell phone kaya naghintay na lamang siya imbis na sumakay ng ibang sasakyan, tumingin siya sa orasan at 7 palang ng hapon at 10 pa ang kanyang uwian alam niya sa sariling matatagalan pa si Jeshan gayong hindi naman saktong 10 siya lumalabas kaya mas minabuti niyang pumasok muna sa café nag order siya ng hot choco wala na siyang makitang ibang bakante pang upuan kaya matapos ang 15 minute lamang lumabas na siya at nagulat siya na naruon na si Jeshan, nakasandal sa kanyang sasakyan at pinagmamasdan ang kanyang paglabas ng pinto. napahinto siya sa paglakad dahil sa kakaibang tingin ni Jeshan, nagtuloy na lamang siya nang may tumulak sakanya mula sa kanyang likod para dumaan.)

Samina "ahmm. Good evening, grabe hindi ko inaakalang magkikita tayo ngayon dito. saan nga pala ang punta mo?"

Jeshan "Susunduin kita tara na."

Samina "Huh? nasaan si Roshen hindi ba siya makakapunta nakakahiya naming binilin niya pa ko sayo."

(Saka naalala ni Jeshan na hindi pala siya nakaayos ng porma ni Roshen, natataranta na siya at hindi alam kong papaano lulusutan ang pinag gagagawa niya.)

Jeshan "Ah ako to si Roshen! haha ikaw naman Samina, pinaprank ko kasi Marie nagpanggap akong si Jeshan tinitignan ko lang kong marerecognize ba niya yung pagkakaiba naming, naku pasensya ka na ha di na ko nakapagbihis."

Samina "Ah ganun ba."

Jeshan "Oo, hindi nga rin alam to ni Jeshan eh balak ko rin siyang iprank mamaya haha. saka teka maaga pa diba? gusto mo bang mamasyal muna bago umuwi?"

Samina "Ah yeah sure."

(Habang nagdadrive si Jeshan  nanunuod lang si Samina sa bintana ng kotse sa mga daang nilalagpasan nila, naging ugali na ito ni Samina sa tuwing babiyahe sila habang si Jeshan naman ay nagagalak na pasulyap sulyap siyang pinagmamasdan hanggang sa makatulog siya. pag dating sa lugar, napansin ni Jeshan ang pagkakatulog ni Samina balak niyang gisingin pero natigil siya at kinuha niya ito bilang pagkakataon para titigan siya kinuhanan niya rin ito ng litrato. at habang tinitignan ang mga ito nagising si Samina.)

The why's of Renaissance Human IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon