CHAPTER 8

3.8K 78 2
                                    

RED ROSES...

" If we are done , you may now go Sam .."

Ma awtoridad na sabi ni Leodemar.

" babalik nalang ako sa susunod na araw, bibisitahin ko dito si Jessa.."

Napatingin ako sa kanila, nakatayo na ngayon si Sam habang naka pamulsang naka yuko kay Leodemar na busy rin sa binabasang papers..

" this is my office Sam, if you don't have any important appointment related to business you can't just come in here and flirt with my employees. If you want to flirt with her go to other place, not here. "

Napakuyom ang kamao ko sa sinabi nya. Seryoso ito sa sinasabi nya , nakita kong nag smirk sa kanya si Sam..

" chill bro! Di ka naman ma biro. Babalik nalang ako dito pag may update na ako."

Agad itong naglakad para umalis .. pero bago pa nito hawakan ang doorknob ay tumingin muna ito sa akin at nag wink sabay smile .. ramdam kong namula ang pisngi ko , umiwas agad ako ng tingin at na rinig kong binuksan nya ang pinto hanggang sa pag sara nito ..

Hindi ko alam kung bakit biglang nakaramdam ako ng ilang , ang tahimik namin ngayon dito sa office , sinulyapan ko ang oras na naka sulat sa screen ng phone ko.

Malapit na pala mag lunch .. napatingin ako sa gawi ni Leodemar na ngayon ay kasalukoyang nagbabasa sa mga papers na hawak nya..

Mas gwapo parin ito kaysa kay Sam, ibang iba ang dating nya.

Napakagat ako ng labi nang nakita kong umigting ang panga nya at binaba ang papers na hawak nya, sumandal sya sa sandalan ng upoan nya at napapikit, mukhang pagod sya. Hindi ko maiwasang makatitig lang sa kanya, ano bang ginagawa ng lalaking ito sa akin at ganito nalang nya na ma magnate ang mga mata ko? ..

Dumilat ang mga mata nya at deretso ang mga itong tumingin sa akin, umayos ito ng upo.

" What? Do you have something to say  Ms Fuentez?"

Napakurap ako at binigyan sya ng maliit na iling pagkatapos ay inayos ko ang upo at tumingin sa screen ng laptop ko.

" Are you done with your task? "

Natapos ko ito kanina pa. Tumayo ako at kinuha ang USB sa laptop at nagtungo ako sa harap nya..

" here it is  Mr Fernandez, tapos na po.."

Hindi ito nakatingin sa USB na nilagay ko sa lamesa nya malapit sa Laptop nya, nakatingin ito sa akin deretso sa mga mata ko.. Naramdaman ko ang hiya ng nagtungo ang mga mata nito pababa sa dibdib ko, pababa sa tiyan ko hanggang sa hita ko..

Huminga ito ng malalim bago ito dinampot ang USB.

" you can go now for your lunch. Make sure to be here at 1 oclock. "

Sabi nya habang nakatingin lang sa laptop nya..

" Okay Mr Fernandez.."

Agad akong tumalikod sa kanya at kinuha ko ang cellphone ko , binitbit ko narin ang bag ko at agad na lumabas sa office.. huminga ako ng malalim at pinikit ko ang nga mata ..

Pagkamulat ko ay nagulat ako ng nasa harap ko si Maam Valdez..nakakunot ang noo nito sa akin..

" what happened Ms Fuentez? Bakit namumula yang pisngi mo?"

Namumula ang pisngi ? .. agad akong umiwas ng tingin at umalis don sa pwesto ko, nakaharang kasi ako sa pinto..

" pag may sakit ka wag ka munang pumasok .. mag send ka nalang ng letter sa HR.."

Sabi nya at agad na pumasok sa loob ng office ni Leodemar.. mukha ba akong may sakit ngayon ? .. hindi ko talaga maiwasan ang mga ganitong bagay , he gives me  hard time, lagi nalang talaga.

ONE IN A MILLIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon