CHAPTER 46

3.2K 81 1
                                    

#He's Mine Bitch ...

NASA condo unit na kami ngayon ni Leo at kanina pa sya tanong ng tanong sa akin kung bakit daw ako nag handa ng maraming pagkain at may pa wine pa daw akong binili, kinukolit nya ako kanina pa pero syempre matigas din ako at hindi ko talaga sasabihin sa kanya hanggang sa dumating na si Kayline at doon nya lang malalaman.

" okay fine, suko na ako .. hindi na ako mangungulit pa sayo kung bakit mo to ginagawa ngayon, whatever it is I am so happy because you're going to sleep with me here tonight "

Wika nya habang nagsasalin ng alak sa baso nya , ako naman ay hinanda ang lamesa.

" oo alam ko , but before natin gagawin yang iniisip mo ha... tulongan mo akong hainin yung ibang pagkain .. "

Ngumoso lang ito sa akin at umopo sa silya na nasa gilid ko bit bit ang basong nag lalaman ng alak.

" naku , ayaw mong tulongan ako ? Edi walang sex ngayong mangyayare "

Napatawa ako ng bigla nalang itong tumayo at agad na tinungo ang mga pagkain na hindi pa nakahain..

" sabi ko nga gagawin ko na love "

Napa iling iling nalang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko ng biglang may nag doorbell at napatingin kami pareho ni Leo sa isat isa .. halatang wala syang ini expect na bisita ..

" ako na dyan love , buksan mo na yung pinto "

Utos ko sa kanya .. salubong ang kilay nyang naglakad palabas ng kosina ..

" wala naman akong ini-expect na bisita ngayon ah .. "

Rinig ko pang sabi nya habang naglalakad patungo sa pinto para buksan iyon. Nakatalikod lang ako habang nilalagay ang inihain kong ulam sa bowl at narinig ko ang sinasabi ni Kayline kay Leo mula sa sala ..

" I miss you Leo , akala ko ba alam mong pupunta ako dito .. why acting like you're not expecting me to come here ? "

Napa smirk ako sa narinig ko kay Kayline ,  kaya agad kong nilagay ang bowl sa lamesa at naglakad palapit sa kanila.

Pagka dating ko sa sala nakita kong kaharap ni Leo si Kayline , bitbit na ni Leo ang mga dalang pagkain ng babae.

" hi .. "

Nakangiting bati ko at halatang gulat si Kayline ng nakita ako, agad akong tumabi kay Leo at hinawakan ang braso nya, pansin ko ang paglanding ng mga mata ni Kayline sa mga kamay kong nakahawak sa braso ni Leo, halata ang pagkagulat nya ..

" she's here too ? "

She said with her plastic smile..

" yah , of course Kayline hindi pwedeng hindi kasali ang girlfriend sa pa dinner mo"

Nakangiting nakataas ang kilay nya sa akin..

Well, ano na bitch ? Galit ka ? Dahil na unahan na kita ?

Nasa isip ko .. binigyan ko rin sya ng ngiting plastic lang .. akala siguro nito hindi ako lumalaban sa mga ganyanan nya sa akin.

" girlfriend ? Kinarer mo talaga ha . "

Natatawang sabi nya ...

" official na ang relationship namin ni Jessa,  Kayline, totohanan .. ano bang ginagawa mo dito at may dala ka pang ganito ? "

Si Leo na ang nagsalita , mas lalo ko pang dinikit ang sarili ko kay Leo at napansin na naman iyon ni Kayline, naniningkit ang mga mata nyang tinitignan ako .. binigyan ko lang sya ng ngiti ..

" well then, congratulations sa inyo. Isipin mo nalang Leo na pa celebrate ko na to para sa inyo "

Halata ang inis sa mukha nya kahit nakangiti pa sya sa harap namin..

ONE IN A MILLIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon