CHAPTER 22

3.1K 67 3
                                    

Broken heart</3

Patuloy akong tumakbo hanggang sa hindi ko na sila makita. Hinihingal ako habang umiiyak kaya napaupo nalang ako sa buhangin at niyakap ang sarili .

Ang sakit lang kasi, harap harapan nyang sinabi na mahal pa nya si Rose tapos tatanongin nya pa ako kung may gusto ba ako sa kanya? Gusto nya talaga akong masaktan?

All my life I've never been hurt like this , para akong dinudurog , parang na saakin na lahat nang sakit at lungkot. Dahil, ngayon lang naman ako nakaranas na pagmamahal , sana hindi nalang sya ..

" Jessa "

Hindi ako lumingon sa tumawag sa pangalan ko pero alam ko na kung sino sya.

" leave me alone Sam"

Sabi ko habang umiiyak .. rinig ko ang habul na paghinga nya. Sinundan nya talaga ako? Pero mas gusto kong mag isa sa ngayon.

" no, i wont leave you here all by yourself Jessa. You know I'm here , always . You can count on me . Ilabas mo lahat sa akin , yang sakit na nararamdaman mo ."

Umopo sya sa tabi ko at hinawakan ang pisngi ko para iharap nya ako sa kanya.  Habang rumaragasa ang luha ko sa.pisngi.

" fuck! "

Nasabi nya at binitawan ako at bigla nalang nyang sinuntok ang buhangin. Nagulat man ako sa ginawa nya pero patuloy parin ang pag iyak ko.

" you know how much i dont want to see you like this Jessa. I dont want to see you crying "

Saglit syang natahimik habang ako naman ay umiyak nang umiyak, kailangan kong maubos itong lahat na luha kasama ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

" Jessa, please stop crying. You can use me, gawin mo akong rebound kung gusto mo. And i will make you happy again, pangako ko yan sayo I will do everything Jessa.. everything"

At niyakap nya ako. Binaon ko ang mukha ko sa dibdib nya habang sya ay nakaluhod na nakayakap sa akin. Ramdam ko ang pag himas nya sa buhok ko na syang nagpatigil sa akin sa pag iyak. Nang hindi nya na ako narinig na humagulgol nang iyak ay binitawan nya na ako at umopo narin sa harap ko.

" so its Leo pala na sinasabi mong mahal mo .. "

Napayuko ako at nag nod , narinig kong nagbuntong hininga sya.

" i knew it. Pansin kong nag iiba ka ng kilos pag nandyan si Leo. Pero binalewala ko iyon dahil hindi ako nawawalan ng pag asa sayo Jessa."

Kinuha nya ang kamay ko at hinawakan iyon nang mahigpit.

" ako nalang Jessa.. ako nalang ang mahalin mo. "

Napatingin na ako sa kanya at nakita ko ang luha nyang nangingilid na sa gilid nang mga mata nya.

" sorry Sam, dahil nasaktan kita. Ayokong mangyari ito sayo. "

Nagsimula na naman akong umiyak, kaya agad nyang pinunasan ang luha kong pumatak.

" no no please, dont cry again .. its okay for me Jessa, tanggap ko naman iyon. At kahit masakit sa akin tatanggapin ko dahil mahal kita. Handa akong magparaya Jessa. Pero diba sabi ko sayo , pag nasaktan ka hayaan mo ako ang magpapaligaya sayo?, so please Jessa. Let me"

" ayokong gawin kang panakipbutas lang Sam, you dont deserve that. I dont deserve you, i dont deserve your love anymore Sam .. not anymore .."

Nakita ko ang pagkunot nang noo nya.

" but why? .. all i know is i love you Jessa and you is enough for me. Nothing more"

Tumolo ang luha ko at napayuko ako.

ONE IN A MILLIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon