CHAPTER 16

3.4K 77 4
                                    

Jealousy...

Dito na nga naghaponan si James, at marami kaming kwentohan na nagaganap while nasa hapagkainan kami kanina, I can see na natutuwa rin sa kanya si Nanang, mukhang magiging close nga silang dalawa, sinabi pa nga nya kay James na dalasan ang pag dalaw dito sa bahay. Ang James naman ay sumang ayon agad sa gusto ni Nanang, nagkakasundo na talaga sila.

" turoan nyo rin po ako magluto nanang ha"

Tumaas ang kilay ko nang marinig iyon kay James.

" oo naman iho, mukhang madali ka lang naman matuto "

Nakangiting sabi ni Nanang kay James, bakas naman sa mukha ni James ang excitement.

" Oo naman po, lalo na at master sa kosina ang magtuturo sa akin kagaya nyo po"

Napanguso ako sa sinabi ni James, talagang nambola pa ang loko, pero talaga namang masarap at magaling magluto si Nanang.

" bolero rin pala itong manliligaw mo anak"

Patawang sabi ni Nanang sa akin.

" totoo naman pong masarap ka magluto nanang, kaya nagustohan ni James "

" oo nga nanang, marami po talaga akong na kain . Mawawala po abs ko nito .."

Sabay kaming napatawa sa sinabi ni James. Umalingaw ngaw ang halakhak at tawanan sa loob nang bahay.

Dapit alas nuwebe na nang gabi nang magpasya nang umuwi si James, kaya heto at nasa labas na kami nang gate ngayon.

" mag iingat ka pauwi ha"

Ginulo nya na naman ang buhok ko .

" oo naman, iingatan ko sarili ko para sayo Jessa"

Ngumiti sya sa akin na syang dahilan para ngumiti rin ako sa kanya.

" nako, hihirit ka pa talaga nang ganyan. Pero, salamat at naparito ka . Napasaya mo si Nanang.."

Humakbang ito palapit sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Mainit ang palad nitong nakahawak sa aking mga kamay.

" napasaya rin naman ako ni Nanang , at masaya rin ako dahil nakasama kita ngayon"

Malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa mga mata ko, mukhang nalalabanan ko na ang mga titig nang mga mata nito.

Na alarma naman ako nang biglang lumipat nang hawak ang mga kamay nya sa pisngi ko.

" i want to kiss that lips, pero alam kong hindi pa dapat. "

Ngumiti ito at nilapit ang labi nya sa cheek ko at dinampian iyon nang halik, hindi pa nga ako nakamove on sa halik na iyon ay nilipat nya ang kanyang labi sa noo ko at hinalikan iyon. Halik na ramdam mong punong puno nang respeto at pagmamahal.

Nang humiwalay ito sa akin ay nagpakawala ito nang matamis na ngiti .

" Goodnight Jessa"

" Goodnight James.."

Agad itong humakbang at sumakay sa kotse nya, bago pa ito napaandar ang kotse ay nag wave na ako sa kanya, tapos ay saka lang nya pinaandar ang kotse nya. Nakatingin lang ako dito habang papalayo, hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Nayakap ko ang sarili dahil sa ngayon ko lang naramdaman ang lamig dito sa labas .

Tumalikod na ako at bubuksan na sana ang gate nang may biglang humila sa braso ko at pinaharap sa kanya.

Nagulat ako dahil nakahelmet pa ito, pero nong nakilala ko kung sino sya ay agad na tumibok nang napakalakas ang puso ko. Parang pa babasag na ang mga ribs ko sa lakas nito. Napatingin ako sa likod nya, bakit hindi sya nag kotse? Naka Harley Davidson motor pa sya .

ONE IN A MILLIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon