CHAPTER 26

3.1K 61 2
                                    

The vocalist...

Busy ako sa pag halungkat ng damit ko sa bagahe ko, isusuot ko mamaya sa pupuntahan naming bar ni Sam.

Biglang bumokas ang pinto, hindi ko na nilingon pa kung sino yung pumasok. Si Kayline naman panigurado yun.

" do you need help?"

Suggestion nito, halata namang plastic.

" hindi na"

Sabi ko at patuloy na pumipili ng damit sa bagahe ko.

" it seems like you are having a hard time there kasi, I'm here offering you help. "

Napatingin ako sa kanya at ngumiti.

" I already said no. Salamat nalang "

Agad kong binalik ang tingin sa bagahe at mga damit ko.

" alam mo, hindi mo na kailangang gawin yan. Hindi ka na mapapansin pa ni Leo kahit ano pa susuotin mo. Dahil nakay Rose na lahat ng atensyon nya. "

Ramdam kong umopo sya sa kama, naka talikod kami sa isat isa. Napatigil ako sa pag halungkat.

" wala naman akong intensyon na agawin kay Rose ang attention ni Leo sa kanya. Hindi ako ganon ka desperada"

" kung ganon, ano yung mga nakikita ko kagabi? Seems like you're enjoying your own show, halata naman na nagpapansin ka kay Leo kagabi"

Tumayo ako at hinarap ko sya, agad naman syang tumayo at taas kilay akong hinarap.

I crossed my arms at nag smirk .

" bakit? Ganyan ka na ba ka insecure sa akin kaya ako nalang lagi mong binabantayan? For the record, wala akong ginawa. Sadyang  ka akit akit lang ako kaya ganon ang reaction ni Leo sa akin"

Ako naman ngayon ang naka taas ang kanang kilay sa kanya.

Nag smirk sya at umiling iling .

" I'm not insecure. Sadyang ayaw ko lang talagang may isa pang harang. I know someday, Leodemar will be mine. Sa ngayon, hahayaan ko muna syang maglaro sa inyong dalawa ni Rose. "

Awang ang bibig ko sa sinabi nya at lumakad sya pa alis sa kwarto. Pagkasara nya ng pinto ay agad akong bagsak na napa upo sa kama. Nilingon ko ang mga damit ko sa bagahe at napangiwi .

" she's a damn bitch "

Nasabi ko at saka ako nag halungkat uli sa damit ko.

___________________________________________

Nasa harap ako ng malaking salamin sa kabinet at nakangiting tiningnan lang ang reflection ko dito. Perfect as always , napangisi ako.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Si Sam na siguro.

Agad akong lumapit doon at binuksan. Hindi ko alam pero nailang ako sa titig nya sa akin habang naka awang ang bibig.

" hey!"

Untag ko sa kanya habang nagpitik ng daliri sa harap nya. Bahagya naman akong napatawa sa naging reaction nya.

" ah, uhmm.. are you sure yan ang susuotin mo sa bar ngayon?"

Tanong nya while nasa katawan ko nakatingin. Pinaningkitan ko sya ng mata at nag cross arms kaya agad syang napatingin sa mukha ko.

" bakit? Hindi ba bagay?"

Umiling iling sya.

" ah no no.. its , its not like that. Ano lang, ayoko lang ng masyadong reaveling tingnan Jessa. Lalo na at bar itong pupuntahan natin. Baka may magawa pa akong mali doon "

ONE IN A MILLIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon