CHAPTER 21

3.2K 74 10
                                    

Truth or dare...

JESSA'S POV

" bakit mo ba ginawa yun?"

Tanong ni Sam sa akin habang naglalakad kami patungo sa kinaruruonan ni Leo.

" i just wanted to prank you, sorry"

Ngumiti sya sa akin at bigla nalang nya akong niyakap nang mahigpit. Ramdam ko ang init nyang balat na dumadampi sa balat ko, kahit basa kami pareho ay maiinit parin ang balat nya.

" its okay, wag mo na ulit gagawin iyon"

Tumango ako at saka nya lang ako binitawan. Agad kami naglakad at nang nasa tabi na kami ni Leo hindi ko maiwasan na sulyapan sya. Namumula ang tenga nya na nakayuko lang, may kung anong gumohit sa puso ko bigla. Ewan pero napapangiti ako dahil sa ginawa nya kanina.

Nice ka rin Jessa, gumawa ka pa nang kalokohan. Masaya ka naman na pinansin ka ni Leo?  Pero galit na sya sayo.

Umiling iling ako sa iniisip ko ngayon. Hindi ako dapat magpapadala na naman sa mga pa ganon nya. Ang sabihin nya, ginawa nya yun dahil pinapaselos lang nya si Rose, at mukhang effective naman ang ginawa nya. Napangiwi ako at lumakad para pumasok na sa bahay. Mag bibihis nalang ako.

" saan ka  ?"

Napatingin ako kay Sam na sumonod pala sa akin.

" magbibihis lang ako Sam, bumalik ka na doon susunod ako"

Tumango naman ito at agad akong pumasok sa kwarto namin ni Kayline. I saw Kayline nakatayo kaharap sa salamin na naka dikit sa malaking kabinet.

" what a scene"

Biglang sabi nya kaya napalingon ako sa kanya na naka cross arms na ngayon naka kaharap sa akin.

" what a nice move Jessa. Mukhang effective ang ginawa mo kanina at kita mo naman kung paano nakatingin sa inyo si Rose kanina while Leo is trying to save you"

Nakataas na ang kilay nito sa akin ngayon.

" wala akong intensyon na gawin iyon para sa kanila. I'm just kidding around with Sam it was just a prank na para kay Sam "

Hindi ito sumagot at nakatingin lang sa akin.

" malay ko ba at si Leo pala ang nag try na e save ako. "

Siya na ngayon ang tinaasan ko nang kilay, alam ko na ang mga ganyang baho kagaya ni Kayline, she's trying to make a move para iwasan ko na si Leo.

Naglakad ako patungo sa bathroom at naligo nalang ako.

Mabilis tumakbo ang oras at ngayon ay nasa labas ako at nakaupo sa buhanginan na naka harap sa dagat, madilim na ang paligid at tanging nakikita ko at naririnig ko lang ay ang mga alon na humahampas sa buhangin.

Maraming bagay ang gumugolo sa isip ko ngayon, ang pagmamahal ko kay Leo, si  Rose sa buhay nya at si Sam and James na ayokong saktan at paasahin.

Napabuntong hininga ako at niyakap ko ang tuhod ko na naka talukbong sa harap ko.

" that's deep "

Napalingon ako kay Sam na nasa gilid ko at nilagay nya sa balikat ko ang jacket na dala nya .

" mahangin dito, di ka ba nalalamigan sa suot mo?"

Ngumiti ako at umiling sa kanya.

" what's on your mind right now? "

Tanong nya at agad akong umiwas ng tingin.

" marami.. "

Sabi ko habang nakatingin lang sa madilim na dagat.

ONE IN A MILLIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon