CHAPTER 18

3.5K 70 2
                                    

Isla de Salvador

" Hi .."

Napatingin ako sa gilid ko at nakita kong nakatayo si James doon, hinalikan nya ako sa pisngi at umopo sa harap na sofa ko dito sa coffee shop nya.

" I miss you "

Sabi pa nya habang nakangiti sa akin. Halatang masaya ito dahil nagpunta ako dito .

" nagpasya akong pumonta dito kasi, gusto kong mag relax"

Nag sip naman ako nang coffee

" thats good, mabuti nang makapag relax ka rin kesa trabaho lagi inaatupag mo"

Napangiti ako sa kanya at yumoko . Nakaramdam kasi ako ng guilt , paano pag nalaman nyang nakuha na ako ng kaibigan nya. Matatanggap pa kaya nya ako?

" m-may problema ka ba Jessa?"

Napatingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti it was fake , i know.

" w-wala naman James, pagod lang siguro"

Ngumiti ito sa akin dahilan para ngumiti narin ako at umiwas nang tingin agad sa kanya.

" anything you want? Sabihin mo lang. Kahit ano"

Tumango nalang ako at uminom nang kape , minabuti ko nalang rin na wag mag mag salita kasi kinakain ako nang konsensya ko kapag nagpaparamdam ito nang pagmamahal nya sa akin at kagustohan nyang mahalin ko sya .

" salamat sa pa libre mo James"

Ngumiti sya at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa lamesa .

" anything for you Jessa. Ihahatid na kita pauwi"

Sumang ayon ako sa alok nya, kahit aayawan ko naman ito siguradong pipilitin ako nito.

Agad naman naming narating ang bahay .

" thank you James"

Sabi ko at tinanggal ko na ang seatbelt, binuksan ko ang pinto pero bago ako lumabas lumapit muna ako sa kanya at dinampian ko sya nang halik sa pisngi, nagtama ang mga mata namin nang humiwalay ako .

Matagal ang titigan naming iyon. At bigla nalang nyang ginulo ang buhok ko, napanguso ako at lumayo sa kanya.

" next time wag mo nang gawin yun. "

Napatingin ako sa kanya awang ang bibig ko . Hindi nya nagustohan ang halik ko sa pisngi nya?

" naa attemp mo akong halikan ka sa labi Jessa, at ayokong magawa ko iyon dahil wala pa akong karapatan. Okay?"

Kagat ko ang labi at umiwas nang tingin sa kanya. Kung pwede lang turoan ang puso na mahalin sya , matagal ko nang ginawa .

Agad akong lumabas sa kotse nya

" mag iingat ka James."

Tumango naman ito at napapansin kong namumula ang tenga nito, nag wave ako at saka ko sinara yung pinto nang kotse nya. Agad naman itong umandar palayo.

Buntong hininga akong nakatingin lang sa papalayo na kotse nya, at pagkatapos ay binuksan ko na ang gate . Pagkapasok ko agad ako tumalikod para isara ang gate .

" where have you been?"

Napaigtag ako sa gulat at napaharap sa likoran ko.

" Leo?"

Naka cross arms itong nakatayo sa harap ko. Halatang bagong ligo ito at naaamoy ko pa ang mabango nyang showergel na ginamit nya.

" bakit ka ba nanggugulat?"

ONE IN A MILLIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon