CHAPTER 27

3.1K 62 4
                                    

I miss him ...

Umuwi na kami ni Sam sa resort at wala man lang akong narinig mula sa kanya, tahimik kami hanggang sa nasa loob na kami ng bahay.

Pero hindi ko na napigilan pa ang sarili na kausapin sya nakakailang na kasi, at masyado na syang tahimik .

Aakyat na sana kami sa hagdan ng tawagin ko sya.

" Sam... "

Tumigil ito sa paghakbang at nanatili itong nakatalikod sa akin.

" mag usap tayo "

Saka lang sya humarap sa akin at huminga ng malalim. Walang expression ang mga mata nya habang nakipagtitigan sa akin.

" alam kong mali yung , inasta ni Jhune kanina at mali na ipakilala kitang kaibigan ko lang. Alam kong gusto mo akong protektahan Sam, kaya sorry "

He frowned , and look at me in disbelief.

" you know him?"

Napayuko ako at tumango . I heard him cursed kaya napatingin ulit ako sa kanya.

" kilala ko sya , pero wala talaga kaming kahit anong ugnayan sa isat isa .. maybe he's just a pervert and trying to seduce me pero believe me, always ko syang iniiwasan"

Yumoko ito at bahagyang umiling iling.

" S-Sam.. "

Tumingin ulit ito sa akin, ayan na naman ang malalim na mga mata niya.

" you know what Jessa, I'm trying my best not to punch that bastard face, I'm trying my best to cool down my temper dahil ayokong makapatay ako ng tao. I'm sorry kung naging mahigpit ako sayo Jessa, its the least i can do for you. Ayokong masaktan ka ulit at bastosin ka. Please, let me take care of you Jessa. Be my girlfriend "

Binasa ko ang labi ko dahil parang nanlamig ako sa sinabi nya, and at the same time nakaramdam ako ng kakaibang tensyon.

" S-Sam, pilit kong tinuroan ang puso ko na mahalin ka. Na pagbigyan ka, ayokong hingin mo ang pagmamahal Sam. Dont beg for it, ayoko ng ganon. Please , wag mo naman akong madaliin . Alam mo naman ang dinadaanan ko ngayon diba? Hindi kasi ganon ka dali Sam. Pasensya ka na Sam, pero sa ngayon. Hanggang kaibigan parin talaga ang maituring ko sayo. Sorry"

Naluluha kong sabi, ngumiti ito ng mapait at tumango tango ..

" okay, as what i have said. Maghihintay ako Jessa "

" Guys? "

Napatingin kami pareho sa may hagdan, Its Lucas. Bumaba si Lucas at humarap sa aming dalawa ni Sam.

" may problema ba ? Bakit parang kakaiba ang awra ninyo? Ano ? Nag aaway kayo? Sus ... mga lovebirds talaga, isa lang kulang nyan. Pagbibigyan ko kayo sa kwarto namin ni Sam .. "

Tumawa ito , umiwas ako ng tingin si Sam naman ay mukhang mas lumala ang talim ng tingin. Natigil si Lucas sa kakatawa ng mapansin ang seryosong mukha ni Sam na nakatingin sa kanya.

" wuw! Joke lang naman bro, ano ka ba. Ngayon ka lang ata di mabiro ng ganyan.. "

Tumingin ako kay Sam at nag iba na naman ang expression nito, kung kanina ay matalim ngayon naman ay mukhang relax na pero may lungkot parin sa mga mata. Na guilty tuloy ako.

" gusto ko lang naman sabihin sa inyo na , mag ready na kayo at uuwi na tayo bukas sa Maynila. 8 am daw kailangan naka handa na lahat para umalis "

Uuwi na pala kami bukas? Na excite ako pero nalungkot din. Simula bukas, panibagong buhay na ako. Wala ng Leo sa paligid ko, hindi ko na sya makikita at makakasama pa. At higit sa lahat, simula bukas kakalimutan ko ng wala akong nakilalang kagaya niya.

ONE IN A MILLIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon