CHAPTER 36

3.4K 102 3
                                    

First Date together...

I am in a hurry ngayon dahil nasa labas ang love ko naghihintay sa akin , baka malate pa kami pareho sa trabaho. Yes bumalik na ako sa pagiging secretary nya, pagkatapos ng isang linggo kong walang trabaho at sa isang linggong pagpilit ni Leo sa akin na bumalik ay sa wakas at tinanggap ko yung offer nya. Sabi nya sasabihan nalang nya ang HR na yung pag kawala ko sa trabaho ng isang linggo ay gawin nalang na leave ko for the record daw. Nag okay naman ako don para narin maka balik ako sa trabaho at matulongan ko si Leodemar sa mga gagawin sa office mas mabuti narin para magkasama kami lagi .

Alam kong kailangan nya ng tulong ko kasi nitong nakaraang araw sa twing kakausapin ko sya tungkol sa company sinasabi nyang okay pero may kasamang lungkot naman. Kaya napag isipan ko na kailangan ko ng bumalik sa trabaho nagbabakasakaling may maitulong ako.

Bumababa na ako ng hagdan at nakita ko sina Nanang at Leo nag uusap sa sala, lumapit naman ako sa kanila .

" Goodmorning "

Bati ko sa kanilang dalawa at sabay naman silang tumayo. Leo looked at me and smiled. Ginantihan ko rin sya ng ngiti.

" lets go ?"

Tanong ko kay Leo.

" eh teka lang anak, aalis na kayo? Hindi pa nga kayo nag aalmosal "

" Nanang we need to go , marami po kasing gagawin sa opisina ngayon. Sa susunod nalang po kami kakain dito ng agahan. Salamat po nanang "

Niyakap ko na si nanang , at nag pa alam na kami ni Leo para umalis na.

Pagkadating namin sa office agad akong nag check sa mga schedules ni Leo na meeting nya sa mga ka business partner nya. Ng ma check ko na lahat ay agad kong ini-report iyon sa kanya. Naging magana naman ang galaw namin ngayon sa trabaho lalo na at inspiration namin yung isat isa.

Agad namang natapos ang araw at heto ako ngayon nagtitimpla ng kape. Ng may narinig akong nag uusap na dalawang babae sa likod ko.

" hindi naman talaga yan nag leave eh, nag resign na yan at pinabalik lang talaga ni Sir mukhang may something talaga sa kanila "

" oo nga, nako baka kung anu ano yang ginagawa nya sa loob ng opisina ni Sir at mukhang nakuha talaga ni sir ang attention nya, sa lahat ba naman na nagkakagusto kay sir na bumibisita sa kanya dito eh sya pa talaga na secretary lang "

Sabi nong kasama nyang babae

" ganyan talaga pag feelingera .. "

Agad namang komento ng unang nagsalita na babae..

Kahit anong bulong nila naririnig ko iyon dahil kami lang naman ang nandito.

Humarap ako sa kanila at humakbang papalapit sa kinatatayuan nila. Nakita ko ang pagkagulat nila at tinaasan ko sila ng kilay.

" do you have a problem with me ? "

Napayuko ang isang babae while ang isa naman ay nakataas noong sinalubong ang tingin ko.

" wala naman bakit?"

Sagot ng babaeng tuwid na nakaharap sa akin.

" wala ba kayong mga trabaho ? Mukhang hindi kasi kayo busy ngayon , busy kayo sa pagchichismiss at pangingialam sa buhay ng iba. Alam nyo kung wala naman kayong kasiguradohan dyan sa mga pinagsasabi nyo, wag nalang kayong mangialam at tumahimik nalang kayo."

Umiwas ng tingin yung babae habang ang isa ay nanatiling naka yuko. Nag cross arms ako at nag smirk.

" You know nothing ladies, so shut the fuck up. Bumalik na kayo sa trabaho nyo "

ONE IN A MILLIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon