Chapter 1

2 0 0
                                    

The Happiest Person

Disclaimer: Wala pong social media accounts at portrayers ang aking characters. Kung meron, hindi po ako yon. Salamat!

--

Nakapanglumbabang nakatulala ako habang tanaw ang aming mga manggagawa na busy sa pagtatrabaho sa aming garden. Tinignan ko isa isa sina Mang Cardo, Mang Lucio, at err, sino nga tong lalakeng to? Actually, ayaw ko lang talaga sa kanya kaya hindi ko tinatandaan ang kanyang pangalan.

Nakakainis kasi! Ngiti siya ng ngiti kahit mahirap yung buhay niya habang ako, hindi man lang ako nakaramdam ng tuwa gaya ng nakikita ko sa kanyang mata at tamis ng ngiti niyang hindi ko pa nagagawa. Kelan nga ba ako naging masaya? The last time I checked, hindi pa eh.
I don't know. Nakukuha ko naman lahat ng gusto ko, pero hindi ko magawang maging masaya. Like duh! Ikaw ba naman ikulong dito sa mala palasyong bahay na ito, mabigyan ng apelyidong dapat iniingatan, at buhay na...hindi naman akin. Bakit hindi akin? Eh kasi naman, parang ang buhay ko ay dinedemo nalang sa akin ngayon ng aking ina. Para bang hiniram ko ito sa taong mula sa kapanahunan pa ni Magellan at dinedemo nalang sa akin ngayon.

"Hi Mam!" Nakangiting sabi ng lalakeng kinaiinisan ko. Inirapan ko siya at bumaling sa kabilang bahagi kung nasaan si Mang Cardo. Pero nagulat ako ng bigla kong nakita ang ngumingiting lalake.

"Magandang umaga Mam! Smile naman diyan!" Nakangiti pa rin siya.

"Tse!" Inis na sigaw ko sa kanya. Nagulat nanaman ako ng tumawa siya.

"Ang ganda mo pala pag nagagalit Mam!" Sabi niya ulit kaya hindi ko na lang siya pinansin. Im sure titigil na yan. Lumingon din sina Mang Cardo at Mang Lucio saka ngumisi sa akin.

At tama nga ang hula ko, tumigil siya dahil dumating ang bestfriend kong si Letizia. Medyo close kase sila dahil sa twing hinihintay ako ni Zia twing may lakad kami ay doon siya sa garden naghihintay. Kaya minsan, naaabutan ko silang nag uusap ng lalakeng iyon ng kung ano ano.

Umalis na ako doon at nagtungo palabas ng aking kwarto para salubungin si Zia. Naabutan ko na siya na papasok na siya sa kusina namin.

"Zia!" Tawag ko habang pababa ng hagdan. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Hi Mei!" Sabay lapit sa akin. "Ito, may dala akong cookies para sa iyo," sabay pakita sa akin ng paperbag. "At para kay Matteo." Bulong niya sabay hagikhik.

"Matteo?" Takang tanong ko dahil medyo pamilyar ang pangalan. I heard it somewhere pero hindi ko matandaan kung saan.

"Yung hardinero niyong gwapo!" Halakhak niya. Ah yeah! That stupid hardinero! Matteo pala pangalan nun? Tsh! Makaluma.
Gusto kong masuka sa tawa sa mga iniisip ko. "Wag mong sabihin na hindi mo kilala yon?" Sabay hampas ng mahina sa akin ni Zia.

Sarkastiko akong tumawa. "Hindi talaga!" Sabay hawi ng buhok. "Tara na nga tikman natin tong cookies mo. Ikaw nagbake?" Tanong ko dahil sa nakakatakam na amoy ng nasa paperbag. Tumango tango naman siya.

Pumunta kami ng kusina at doon kinain ang kanyang cookies.
Nagkwentuhan rin kami tungkol sa crush niyang nagkajowa na.

"Eh, bes, hindi ko siya ata kayang palitan! Wala ng gaya niya!" Nagmamaktol niyang sabi na tinutukoy ang crush niyang si Fredrick Castro.

Napairap nalang ako. "Andiyan naman si Zayn! Mabait kaya yon tapos gwapo rin at matalino!" Sabi ko.

Napuno ng tawanan at kwentuhan ang aming kusina dahil sa aming dalawa ni Letizia. Noong mga bata pa talaga kami magkaibigan kaya kung anong liko ng sikmura niya, ganon din sa akin.

"Alam mo, marami na rin akong kakilala jan sa school nating mga lalake, pero ni isa sa kanila, walang pumapasa sa akin." Sikat siya sa school namin ganon din naman ako pero hindi ako katulad niya na kinakaibigan ang lahat. Bawal daw kasi sabi ni Momny kaya si Zia lang at si Zayn ang natatangi kong kaibigan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Life is UnfairWhere stories live. Discover now