Brie
Nang makalabas na sa kwarto si Aunty ay nagsitakbuhan na agad sa kama ko sila Leo at inilapag doon ang mga daladala nilang mga bulaklak at tsokolate.
"Ateee! Binili namin to sa bayan kanina ni Leo para sayo! Akalain mo yun Ate ang mura lang pala nito! WAHAHAHA." napatawa rin ako nang marinig ko ang nakakahawang tawa ni Lea.
Si Lea at si Leo ay di ko talaga mga tunay na kapatid. Kinupkop ko lang sila nung mga sanggol palang sila. Habang nililibot kasi ako ni Aunty noong mga sampung gulang palang ako ay nakarinig ako ng mga iyak ng bata sa may tabi nang basurahan. At dahil naawa ako sa mga bata ay inuwi ko to sa palasyo at hindi pinansin ang mga protesta ni Aunty na magagalit daw sila ama.
Pero pumayag rin siya saka sila ama at ina na kupkupin ko sina Leo dahil sa sobrang daming sinasabi ko mapapayag lang sila. Kaya naman itinuring totoong anak na nila ama at ina ang kambal, at ako naman ay sa simula palang ay itinuring ko na talaga silang sarili kong nakababatang mga kapatid.
At dahil rin doon, bata palang sila ay kaya na nilang kontrolin ang mga kapangyarihan nila nang husto dahil na rin sa sumasabay sila sa training ko. Kung saan ako pumupunta kailangan pupunta rin sila kaya naman mas lalong malapit kami sa isat isa.
Seven na taong gulang na sila ngayon at ako naman ay seventeen na.
"Kayo lang dalawa ang pumunta sa bayan?" tanong ko sa kanila habang pinagmamasdan ko sila nang deretso sa mata.
"Ah Ahahaha.. May kasama kaming kawal ate huehue.." siningkitan ko lang sila ng mata kaya napaiwas sila nang tingin sakin.. Di ko nalang pinansin yung sagot nila kahit alam kong nagsisinungaling na naman tong magkambal na to. Gusto kasi nila laging lumalabas nang kaharian at maglibot libot sa bayan, buti nalang at di kami kilala sa mukha nang taong bayan. Di kasi hinahayaan ni Ama dahil baka daw mapahamak pa kami nila Leo. Malalaman lang nila na ako ang prinsesa kung nakita nila ang tattoo ko na phoenix sa shoulder ko. At malalaman din nila na kung sila Leo at Lea talaga iyon kung nakita nila ang tattoo na ibon na nilagay ko sa taas ng pusod nila.
Ang alam nang mga taong bayan ay totoong kapatid ko sila Leo at Lea dahil ayaw kong paalam sa iba na ampon lang sila, at ayoko kasing maiba ang tingin nila sa kambal.
Nang makita kong pagabi na ay pinatulog ko na sa kama ko sila Lea at ipinalagay ko muna sa dumaang katulong ng palasyo yung tsokolate sa kusina para kainin nalang bukas. Yung bulaklak naman ay inilagay ko sa vase na nasa ibabaw ng lamesa.
Matagal bago ako makatulog dahil na rin sa natatakot akong managinip muli ako. Kaya napagpasyahan ko munang magbasa nang libro na binili sakin noon nila Lea sa bayan.
Napatawa naman ako mayamaya dahil ang nabili pala saking libro ng kambal ay tungkol kung paano magluto. Haha.
Hanggang sa dinalaw na ako ng antok kaya tumabi na ako kanila Lea at kinumutan muna sila nang maayos bago ako tuluyang makatulog.
YOU ARE READING
REUNITED: Gold
FantasyThey are not just mere myths and stories that parents can't tell to their children at night. They are alive, they exist and this FOUR can make you believe it and can even bring out disaster or... peace. code: 'quattro' ^^^^^^^^^^^^^ Date started: M...