6

11 5 7
                                    

Brie

Maaga kaming nagising ngayon nila Leo para pumunta muna sa bayan para bilhin yung kanina pa na sinisigaw na gustong bagay ni Lea,at pagkatapos naming makapunta doon ay dederetso na kami sa akademya.

Kinuha na ng mga kawal yung mga gamit namin na dadalhin at inilagay na sa loob ng sasakyan namin. Ang iba namang mga katulong ay isinuot na samin ang aming mga mano at talukbong para di masyadong pansin ang mga kulay ng buhok namin pati na rin ang mga suot naming mga pang palasyo. Kahit kasi na di nila kami agad makikilala dahil na rin sa di nila alam ang mga itsura namin ay agaw pansin pa rin ang mga kakaiba naming taglay na pisikal na tampok.

Nagpaalam na kami kanila ama at tinandaan ang kanilang mga payo samin bago kami maglakbay na.

Pagkatapak na pagkatapak ko sa bayan ay naramdaman ko agad ang kakaibang atmospera na di ko maipaliwanag kung anong ibig ipahiwatig samin.

"Ate, huwag kang masyadong lalayo samin ni Leo ha? Di mo na kasi alam ang mga ugali ng mga tao dito ngayon dahil na rin sa tagal mo nang di nakakapunta rito sa bayan."

"Lea ako pa rin ang ate niyo kaya naman ako dapat ang magbabantay sa inyo, maliwanag?" natatawang saad ko kay Lea pero umiling lang siya.

"Ate, kami nga kasi ang halos araw araw na pumupunta dito sa bayan kaya mas gamay na namin ang mga tao dito. Okay?" kokontrahin ko na sana si Lea ng marinig kong nagsalita si Leo na kanina pa tahimik sa tabi.

"Di pa ba tayo magsisimulang hanapin yang gusto mong bilhin Lea? Kanina pa tayo nakatayo dito sa gitna ng mga tao at kanina rin pa tayo nila tinitignan. Kaya kung ako sa inyo magsisimula na akong maglakad." at nagsimula na nga siyang maglakad kaya naiwan kami ni Lea na nakatayo dito habang pinagmamasdan siyang naglalakd na para bang wala siyang pakielam sa mga tingin samin.

"Ineng, may problema ba?" wala sa oras na naibaba ko ang talukbong ko sa mukha ng biglang may kumausap sakin na ale.

Umiling lang ako sa kanya pero para bang di pa yun sapat na sagot sa kanya kaya naman mas lalo siyang nagtanong ng kung ano ano sakin kaya naman hinila na ako ni Lea papalayo habang sinigawan niya yung ale na " wala kang pakielam"

Napanganga nalang ako dahil sa walang galang na sagot ni Lea pero nginitian lang niya ako na parang wala siyang ginawang mali at hinila nalang ako sa daan kung saan pumunta si Leo kanina.

Nakita naman namin si Leo na nasa tapat ng isang parang lumang tindahan at may tinitignan na maigi sa loob, kaya naman lumapit kami ni Lea at nakita naming pinagmamasdan niya yung mga lumang bagay na ibinibenta. Nagulat naman ako ng biglang tumili si Lea habang may itinuturo sa loob ng tindahan.

Titignan ko pa sana kung ano yung itinuturo niya ng bigla niya kaming hilahin ni Leo papasok dun sa loob ng tindahan.

"Kyaah! Haha. Ito na nga! Ito na nga!" napangiwi nalang kami ni Leo sa lakas ng boses ni Lea hanggang sa may lumabas na isang matandang lalaki na kung di ako nagkakamali ay siya ang nagtitinda dito.

"Iha, bakit ka naman sumisigaw! Mas lalo mong sinisira ang pandinig ko!" napatawa ako ng mahina ng sermunan nung matanda si Lea kaya naman humingi lang ng paumanhin si Lea at ibinigay dun sa matanda yung gusto niyang bilhin.

Napansin kong sandaling napahinto yung matanda ng ibinigay ni Lea yung parang lumang maliit na korona na gusto niyang bilhin. Napailing nalang yung matanda bago siya ngumiti ng alanganin kay Lea na ngayon ay di mapakali sa kinatatayuan niya.

"Alagaan mo to iha, may espesyal tong kapa-- uh! Ang ibig kong sabihin ay dahil may espesyal tong bahagi sa puso ko sa sobrang tagal na nitong nasa pangangalaga ko."

REUNITED: GoldWhere stories live. Discover now