3

14 5 2
                                    

Brie

"Goodmorning Ate! Bilisan mo bumangon te dahil may sasabihin daw sila ina! Hihi" nagising naman ako sa lakas nang boses ni Lea habang si Leo ay niyuyugyug ako.

Pagkabangon ko nakita ko si Aunty sa paanan ng kama at nagtatakang tinignan sila Lea.

"Ano na namang lengguahe iyang pinaggagamit mo Lea?"

Napatawa nalang ako nang mahina dahil dito sa mundo namin di talaga nila maiintindihan ang mga salitang english kung tawagin ng mga mortals. Ang mundong pinagtrainingan ko kasi ay ang mundo ng mga mortals at dahil kung saan ako pumupunta ay pupunta rin sila Leo at Lea sumunod sila sakin at doon kami nagstay ng mga two months kaya nalaman na rin namin ang mga lengguahe nila. Buti nalang pumayag sila ina na sumama sila Lea dahil na rin sigurong alam nilang maprprotektahan ko ang kambal.

Sabay na kaming naligo ni Lea habang si Leo naman ay sanay na daw siyang maligong magisa. Napangiti nalang ako dahil sa simula pa lang si Leo ang laging malakas ang loob sa kanila nakikigaya nalang si Lea dahil na rin siguro sa mas nakakatanda si Leo sa kanya nang mga 3 mins. Nalaman ko lang to dahil pinatingin namin sila sa doctor kung tawagin ng mga mortals o manggagamot bago sila magdalawang taong gulang.

Pagkatapos namin maligo ni Lea ay nagsuot muna ako ng roba at siya muna ang inuna kong ayusan. Hindi naman ako yung klase nang prinsesa na kailangang may nagaayos pa ng buhok at damit, kaya alam ko kung paano magayos nang sarili ko lang.

Sinuotan ko lang si Lea nang isang simpleng puting dress na hanggang tuhod niya saka siya sinuotan ng puting flat shoes. Ang ayos naman ng buhok niya ay naka lugay lang pero sinuotan ko siya nang paborito niyang puting supil na may malaking bulaklak sa gilid nito. Ang get-up ngayon ni Lea ay simple yet elegant.

"Hihi, Thank you Ate! Titignan ko po muna kung maayos ang ootd ni Leo para di ako mapahiya kung katabi ko siya! Hihi.. Bye. See you later Ateee!"

Ngumiti nalang ako sa masiglang boses ni Lea na papalayo na. Ngayon naman sarili ko naman ang aagusin ko at ako naman ang ikahiya ni Lea kung ako ang nakatabi niya. Haha.

Nagsuot lang ako ng off shoulder na dress na kulay dilaw at nagsuot nang medjo may pagkamataas na sapatos. Ang buhok ko naman ay itinumpok ko lang nang malinis at nilagyan lang ng dalawang pin na kumikislap para di masyadong plain ang ayos nang buhok ko. Kahit kelan di pa ako nakakaranas na magsuot ng mga pants o shorts na kung tawagin ng mga mortals dahil lumaki akong laging pinapasuot sakin ay mga dresses o kaya naman mga gowns. At saka ayaw ko rin naman magsuot non dahil para sakin di ako comportable dahil na rin siguro sa di ako sanay magsuot nang ganoong klaseng damit.

Lumabas na ako sa kwarto ko at dumiretso na sa dining hall nang palasyo at nadatnang naroon na ang lahat at ako nalang ang hinihintay. Yumuko muna ako kanila ama at ina at humalik sa pisngi nila bago umupo sa upuan ko na nasa harap ni Lea na dumidila kay Leo na katabi ko ngayon na nakasimangot na naman.

"Pinatawag ko kayo ngayon mga anak dahil gusto kong malaman niyong ipapapasok ko si Ate niyo sa Academya ng centre dahil na rin sa nasabi sakin ni Adviser Sunshine. Alam ko anak na lagi kang nananaginip at ito lang ang solusyon para maalaman mo kung ano ibig ipahiwatig nito." Tatango na sana ako sa sinabi ni Ama nang biglang tumayo nang sabay si Lea at si Lea.

" No, ama! Hindi kami papayag na si Ate lang ang pupunta sa academyang yun! Gusto namin ni Leo ay kasama kami. At di niyo kami mapapatahimik sa karapatan naming kambal! Over my dead sexy body!"

Napatawa nalang ako sa salitang pinaggagamit ni Lea dahil alam niyang di naiintindihan nila ama kaya malakas loob niyang sinasabi.

Si Leo naman ay puro tango lang habang tinitignan nang mabuti sila ama't ina.

" kahit di ko naiintindihan ang ginagamit mong salita Lea nararamdaman kong iba ang ibig sabihin niyan." napangiti nalang ako dahil sa seryosong tono ni Ama pero kita ko pa rin sa mata niya na natutuwa siya, ganon rin si ina na ngayon ay tahimik na tumatawa habang kumakain sa tabi ni Lea.

Pero seryosong tumingin pa rin sila Leo at Lea kay ama at ina kaya napabuntong hininga nalang sila at dahan dahang tumango.

Napangiwi nalang ako nang biglang tumili nang pagkalakas lakas si Lea na parang aabot na sa lakas sa kabilang bayo ng kaharian. Habang sa Leo naman ay nakangiti na ngayon kaya napailing nalang ako sa tigas rin ng ulo ng kambal na to. Ganon nalang rin nagawa ni Ama dahil na rin siguro parehas kami ngayon ng iniisip.

========

Pagkatapos namin kumain at mapagusapan yung tungkol sa pagpunta namin sa academya ay pumunta si Lea at Leo sa kwarto ko na naman na may daldalang mga bag na nila na aayusin palang, kaya sabay sabay kaming nagayos ng mga damit na dadalhin namin at mga gamit rin na mahahalagang kailangan naming dalhin. Pagkatapos namin magempake ay deretsong higa na ang kambal sa kama ko habang ako naman ay tinignan na yung mga natapos naming gawain. Ang kabuuang dadalhin ko ay isang malaking bag na naglalaman na nang mga dadalhin kong damit, mga gamit para sa buhok ko at ang lima kong nagustuhang dalhin na mga sapatos ko, alam ko rin kasi na may bilihan na sa akademya ng ibang mga masusuot kaya kaunti lang mga dinala ko...

Habang ang kambal naman ay may tigisang malaking rolling bag na pambata na naglalaman ng lahat na nilang dadalhin para sa academya.

Pagkalingon ko ulit sa nakahigang magkambal ay nakita kong nakatulog na sila sa pagod kaya naman inayos ko muna ang pagkakahiga nila at lumabas muna ako ng kwarto at pumunta sa hardin para na rin makapagpahangin.

Kumuha muna ako sa mga nakahanda nang mga sapin sa gilid ng bawat puno bago ito inilatag sa damuhan at umupo na. Naisip ko na naman yung mga napanaginipan ko... Doon ko nalang muli nakikita mga mukha ng mga kaibigan ko dahil na rin sa hindi kami makalabas labas sa aming sarisariling kaharian.

Noong naisabi ko sainyo na nanirahan muna kami ni Lea at Leo ng dalawang buwan sa mundo ng mga mortal para makapagtraining iyon ang araw na nagkahiwahiwalay na kaming magkakaibigan dahil na rin sa hindi kami iisa ng mundo na pinagtrainingan. Kung ako sa mundo ng mga mortal. Ang kaibigan kong babae ay napunta sa mundo ng mga libingan ng dating mga hari. Sa kanya lang ang alam ko dahil narinig ko na napagusapan nila ama ng makabalik na ako dito sa mundo namin. Ang sa dalawa kong kaibigang lalaki ay di ko nalaman kung saan. At simula noon di na kami nagkakakitang apat dahil na rin sa daming gawain ngayon sa sarisarili naming tungkulin sa aming kaharian.

Nang makita kong magtatanghali na at nagsisipuntahan na ang mga kawal sa hardin para makapagsanay ay tumayo na ako at pinagpag muna ang damit ko at ang sapin bago ko ito ibinalik ulit sa lalagyan niya.

Nang madaanan ko ang mga kawal na nakasuot na ng mga yuniporme nila para sa pagsasanay ay agad silang yumuko sakin kaya naman pinatayo ko na sila ng tuwid at nginitian muna bago tuluyang umalis na sa hardin.

Pagkabalik ko sa kwarto ko ay nakita kong mahimbing paring natutulog ang magkambal kaya napagdesisyonan kong pumunta naman muna sa opisina ni Aunty para tignan kung anong ginagawa niya, dahil sa di ko siya nakita kaninang pinagusapan namin nila ama ang pagpunta namin nila Lea sa akademya.

REUNITED: GoldWhere stories live. Discover now