15

12 0 0
                                    

Brie 

Minulat ko na yung mata ko nang maramdaman ko ang pamilyar na mga yapak na papalapit na sa pinto ng silid ko. Tinignan ko muna si Keren na mahimbing pa rin ang tulog saka ako tumayo at pumunta sa tapat ng pinto.

Bumungad kaagad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Rainier pagkabukas na pagkabukas ko palang ng pinto ko. Tumango na ito sa akin bago sinilip si Keren na gising na pala nang di ko man lang namamalayan dahil sa kaharap ko ngayon.

"Handa na po ako ate..." saad sa akin ni Keren. Ngumiti na ako sa kanya saka sila inaya sa hardin naming apat. Pagkapasok namin ay andun na nga sila Trixe at Alex na himala ay tahimik lang ngayon. Napatingin ako kay Rainier ng hinila niya ako at pinaupo sa pangisahang upuan na nandun sa hardin.

"Hindi ka mauupo?" tinignan lang niya ako saka pumunta sa likuran ng upuan ko. Hindi ko na siya binigyang pansin pa at tumango na kay Keren na kanina pa samin nakamasid.

"Ang totoo po ay hindi ko rin po alam kung ano ang kailangan nila sa akin, hanggang ngayon nga po ay hindi ko pa lubusan na nalalaman kung ano ang taglay kong kapangyarihan dahil minsan ko lang ito mailabas at hindi ko rin po alam kung pano ko ito nagagamit, at kung naipapalabas ko man po ito ay hindi ko na po maaalala kinabukasan kung ano ang nangyari. Ang sabi lang ho sa akin ng mga magulang ko ay may kailangan ang mga katribo namin ngunit hindi po nila sa akin sinabi kung ano iyon." nakatingin lang kaming lahat kay Keren habang nagsasalita ito pero dahil malapit lang ako kay Keren ay napansin kong may umiilaw sa ilalim ng tenga niya na para bang may nakikinig rin sa pinaguusapan namin.

Napakunot agad ang noo ko at bahagyang tinignan sa likod si Rainier na nakatingin na rin pala sa parte ng ilalim ng tenga ni Keren. Nang lingunin ko sila Alex ay napansin kong bahagyang umilaw ang mismong itim ng kanilang mga mata, doon na ako kinabahan at pumunta sa harap ni Keren na hanggang ngayon ay may kung ano-anong sinasabi. Parang wala na siya sa isip niya dahil nakayuko nalang ito at puro kwento nalang pero ang mga kamay nito ay sinasakal na ang sarili nitong leeg.

Nagangat ito ng tingin sakin kaya nakita kong naging parang salamin ang kanyang mga mata ngunit sa likod nito ay may nakatagong nilalang na nakatingin na rin sakin ng deretso. Hindi ako nakaramdam ng takot rito bagaman ay naramdaman kong may humaplos sa puso ko ng tinignan ko ito.

Walang pagaalinlangang hinawakan ko ang bahagi ng ilalim ng tenga ni Keren saka hinugot ang parang nakasaksak duon na maliit na bagay na kumikislap, hindi ko pinansin ang kaunting dugo na tumulo mula sa parte na iyon dahil alam ko namang bahala na dito ang mga kaibigan ko.

Narinig kong umubo ng sunod sunod si Alex at Trixe habang si Keren naman ay nawalan ng malay, nang lumingon ako sa parte na madilim dito sa hardin ay napansin kong may bata doon na may kasamang nilalang na nakita ko kanina sa mata ni Keren.

Nang makita nila na nakatingin ako ay dahan dahan silang lumapit sa kinaroroonan namin pero ang mga kaibigan ko ay di ito napapansin dahil abala sila kay Keren. Pinagmasdan ko ang itsura ng bata at nung nilalang na leon ang ulo at lobo ang katawan at may nakatago rin itong parang pakpak ng agila na dahilan ng pagtaas ng kilay ko. Masyadong kakaiba ang itsura ng nilalang na ito. Sigurado akong nakita ko na ito dati sa mga libro na binabasa ni ina.

Bahagyang itinaas ng bata ang kanan nitong kamay at naramdaman kong parang may sumasakal sa akin. Tinignan ko ito ng deretso saka napangisi ng malaman ko agad ang kahinaan nito.

Bigla nalang itong sumigaw saka ko narinig ang parang may nabibiyak na kung ano. Nagkaroo ng malaking butas ang braso nito kaya kita ang loob habang nilalabasan ito ng kulay berdeng dugo. Napatingin na sa amin sila Trixe at dalidaling pumunta sa tabi ko habang si Alex ay ginagamot pa rin si Keren.

"Anong nangyayari Brie? Sino ang mga yan!?" pinailaw ko ang loob ng braso nung bata kaya nakikita nila Trixe kung anong itsura ng lamang loob nito. Masuka suka naman si Trixe kaya napailing na ako.

Tinigilan ko na ang bata kaya napahiga ito sa damuhan habang yung nilalang ay nakatingin pa rin sa akin. Hindi ko naman ito inurungan at lumapit pa dito ngunit nagulat nalang ako ng bigla itong yumukod sa akin at bigla nalang nawala.

Pagtingin ko kay Keren ay unti-unti na itong nagkakamalay saka tumingin samin ng nagtataka. Maging ang mga kaibigan ko ay nagtataka maliban kay Rainier na nakatingin sa bata na nakahandusay sa damuhan. Nang balingan ko ng tingin ang bata ay napansin kong andami pa ring lumalabas na dugo mula sa butas na lumabas sa braso nito kaya binalik ko na sa dati ang pagkakakonekta ng mga ugat nito sa katawan saka binalik sa normal na itsura ang braso nito.

Pinakielaman ko kasi kanina ang mga ugat niya sa braso ng mapansin ko na ibang kulay ng dugo ang dumadaloy sa parte na iyon. At alam kong iyon ang kuhanan ng kapangyarihan ng katawan niya.

Hindi pa rin maintindihan nila Alex kung ano ang nangyari kaya pinabalik ko na sila sa mga silid para bumalik muna ulit sa dati ang takbo ng isip nila dahil naririnig ko ang mabibilis na tibok ng puso na nagmumula sa kanila at kung gaanong kadaming bagay ang mga pumapasok ngayon sa mga isip nila kaya sila ay natutulala na naman. Kasama rin nila si Keren na hindi rin alam kung anong nangyari at bahagyang napahawak sa leeg nito na namamaga.

Nang kami nalang ni Rainier ang natira ay saka ako napaupo ulit at bahagyang napayuko dahil sa mga nangyari. Kaunting oras lang yun pero parang ang tagal...

Pumunta sa harap ko si Rainier kaya napatingala ako sa kanya habang nakaupo pa rin ako. Nakatiim na naman ang mga panga nito kaya alam ko na galit ito at may malalim na iniisip.

"Ang nilalang na iyon... ay ang tagabantay ng bata, kung hindi ako nagkakamali." saad ni Rainier na parang mas kausap pa ang kanyang sarili. Hinayaan ko lang siyang isipin at iproseso sa sarili niya kung ano ang mga nangyari. Matalino itong si Rainier, actually mas matalino pa itong lalaking to kesa sa aming magkakaibigan.

Tumayo na ako kaya napatingin agad sa akin si Rainier, nginitian ko nalang siya saka na ako tumalikod. Nang nasa malapit na ako ng pinto na nakakonekta papunta sa silid ko, nilingon ko si Rainier saka ako mahinang napatawa dahil nasa ibaba ang tingin niya saka malalim ang iniisip.

Nang nasa silid ko na ako ay humiga na ako at napasyahan ng magpahinga. Alam kong kinabukasan ay alam na ni Rainier at nasolusyunan na ang aming misyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

REUNITED: GoldWhere stories live. Discover now