4

11 5 1
                                    

Brie

Pagdating ko sa tapat ng pintuan ni Aunty ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako tuluyang pumasok na sa opisina niya. Nagulat naman ako ng di ko siya makita sa opisina niya kaya aalis na sana ako nang..

"Sino yan?" nanlaki naman ang mata ko at lumingon sa pinanggalingan ng boses at dun ko nakita sa likod ng mga tore toreng mga papeles na nagsisilbing harang ngayon sa nakasilip na mukha ni Aunty.

Natawa nalang ako at nilapitan siya at kinuha muna yung ibang papeles at nilagay sa cabinet niya. Nakita ko namang kumunot ang noo ni Aunty sa ginagawa ko kaya pinaliwanag ko na, baka kasi magsisigaw na naman ito sakin.

"Aunty, wag mo kasing pinagsasabaysabay iyang mga ginagawa mo, di mo talaga malalaman at maiintindihan yang mga yan dahil nasa isip mo lang ay tapusin agad ang lahat ng mga papeles na inatas sayo. " seryosong paliwanag ko kay Aunty kaya dahan dahan nalang siyang napatango sakin. Napabuntong hininga na lang ako nang mahina dahil sa mga pinaggagawa ni Aunty.

"wag ka kasi nagmamadali lagi, Aunty. Tandaan mo na karamihan sa mga natapos na gawain nang isang nagmamadaling tao ay di laging maganda ang kinakalabasan." napatango ulit si Aunty at mayamaya ay nakita ko siyang sumimangot at sinamaan ako ng tingin. Nagtatakang tingin lang naman ang ibinigay ko dahil sa mabilis na pagbabago ng asta ni Aunty.

"Sino ba ang mas matanda sa atin Brie....? Diba ako? Ikaw kung sabihan mo ako parang ikaw ang mas nakakatanda sa ating dalawa." nagkibit balikat nalang ako saka umupo sa upuan na nasa tapat ng lamesa niya.

"Bakit ka ba nandito bata ka? Kung manggugulo ka lang ay wag mo nang ituloy at baka makalimutan kong prinsesa ka." Biro sa akin ni Aunty habang kunwari seryoso ang mukha niya kaya naman natawa nalang ako at mayamaya rin ay nakisabay na rin siya sa tawa ko.

"Tatanungin ko lang po sana na kung bakit di kita nakita noong ipinatawag kami ni ama at ni ina?"

"Ah, kasi nga sa sobrang daming pinapabasa at pinapapirmahan ng amang hari mo kaya iyan pagod na pagod tuloy ang aunty mo! Hayz.." madramang saad sa akin ni Aunty kaya naman napatawa nalang muli ako at dahan dahan nang tumayo sa pagkakaupo ko at nagpaalam na kay Aunty.

Alam ko kasing sa sobrang daming ginagawa na naman ni Aunty ay nawawala na naman siya sa wisyo niya, at alam ko ring kailangan niya munang mapag isa para makapagpokus siya nang husto sa pinapagawa sa kanya ni ama ngayon.

Bumalik nalang ako ulit sa kwarto ko at tumabi kanila Lea sa pagkakahiga nila para makatulog rin muna ako ng saglit at mayamaya ay alam kong magkakatipon ulit kaming buong pamilya dahil sa aalis na kami kinabukasan nila Lea at Leo. Kaya gusto nila ama na magkaroon muna ulit kami nang bonding kaming mga nakatira dito sa palasyo at oo kasama ang mga kawal at mga katulong, bago kami tuluyang makapunta na sa akademya.

Kaya magpapahinga muna ako at magtitipon muna nang madaming lakas sa mangyayari mamayang gabi na pagdidiwang naming mga nakatira lang sa palasyo na once in a month lang nangyayari sa palasyo ng Alterhia.

REUNITED: GoldWhere stories live. Discover now