8

12 5 2
                                    

Brie

Malayolayo rin yung nilakad namin bago kami makarating sa kainan nitong akademya, pero nagtaka naman ako ng pati rito ay walang mga studyante man lang na kumakain.

"Nasa mga klase pa rin ba ang mga studyante rito, Trixe? Kahit isa wala akong makita dito sa loob ng akademya na naglalakad man lang."

"Ahh, kasi lahat ng studyante dito ngayon ay nasa one week's mission nila. So ibig sabihin lang ang studyante na natitira lang dito ay ikaw, ako at sila Alex. Pero dont ya worre dahil ang mga may matataas na tungkulin dito sa akademya at ang mga tagabantay ay andito pa rin para maproteksyonan itong paaralan."

Tumango tango nalang ako sa saad sakin ni Trixe at hindi na sinabi pa sa kanya na nandirito rin sila Lea at Leo, dahil baka kulitin na naman ako ni Trixe para lang mayakap at kuritin sa pisngi sila Lea.

Umupo na ako sa isa sa mga lamesa dito sa kainan at hinayaan na si Trixe na bumili ng makakain namin dahil na rin sa di ko pa alam mga masasarap nila ditong putahe.

Mayamaya lang naramdaman ko na may papalapit sa pwesto ko na dalawang tao, pero di ko nalang pinansin baka kasi mga tagalagay lang ng mga pagkain na binili ni Trixe para samin.

Napasinghap nalang ako sa gulat ng may biglang yumakap sa likod ko habang kinikiskis yung mukha sa leeg ko. Gagamitan ko na sana ng kapangyarihan itong walang kahihiyan na yumakap sakin ng bigla akong lumutang pati na rin yung kanina pa nagpapapansin sa likod ko.

Pagkatingin ko sa baba ay nakita ko ang isa sa mga kaibigan ko na matagal ko na ring di nakikita na nakangiti sakin at pinapagalaw ang kanyang mga daliri habang sumusunod naman yung katawan ko sa mga kilos na pinapagawa niya.

Nang mabalik na ako sa pagkagulat ko ay sinamaan ko siya ng tingin at ginamitan na rin siya ng kapangyarihan. Napangiti nalang ako ng mapansin kong unti unti nang nagiging kulay lila yung ilalim na bahagi ng katawan niya hanggang sa pataas na ito ng pataas. Wala naman siyang reaksyon at nagpatuloy lang sa pagikot ikot sa akin pati na rin dun sa taong hanggang ngayon ay ayaw pang umalis sa likod ko.

Tatapusin ko na sana yung laban ng biglang may sumigaw.

"Hoy! Itigil niyo nga yan! Mga batang to! Nagpapasikat pa talaga!" nawalan na kami ng konsentrasyon kaya sa di inaasahang pangyayari ay mabilis na bumagsak ako at yung taong nasa likod ko sa lapag kaya napadaing nalang ako.

"Huhu.. Paumanhin bribrie! Kasi naman si Rainier ih! Bigla tayong pinalutangggg!"
Napalingon nalang ako sa binagsakan nung nasa likod ko na walang iba kundi si Alex na ngumangawa ngayon sa lapag habang tinuturo yung direksiyon ni Rainier.

Tumayo na si Alex at inalalayan na rin ako makatayo kaya nginitian ko siya at magpapasalamat na sana ng biglang may tumatakbong babae na papalapit sakin. "Haluh, ayos ka lang ba Brie? Anong ginawa sayo ng dalawang to!? Gusto mo guluhin ko na yung mga future nila? Sabihin mo lang gagawin ko talaga para sayo!" mabilis na hinihingal na sabi sakin ni Trixe habang tinitignna ng pabalik balik sila Rainier at Alex.

Napatawa nalang ako ng mahina at umiling kay Trixe, kaya naman napasimangot siya at tatlong beses na binatukan ng malakas si Alex kaya naman mangawangawa na naman si Alex.

Napatalon naman ako ng biglang may humalik sa kanang pisngi ko at pagtingin ko ay nasa tabi ko na pala si Rainier at nakangiti na naman siya sakin.

"Masaya akong makita ka muli, kamahalan" biro ni Rainier at yumuko sakin bago siya tumayo ulit ng tuwid.

Napatawa nalang ako pero naalala ko yung ginawa niya sakin kanina kaya naman sinamaan ko siya agad ng tingin.

"Huwag mo akong binibirobiro Rainier ha? Bakit mo ako ginamitan na naman niyang kapangyarihan mo ng walang permiso galing sakin?" mahinahong sabi ko sa kanya habang sinasamaan ko pa rin siya ng tingin.

Siya naman ang may ganang tumawa sakin ngayon. "Tinitignan ko lang po kamahalan, kung kaya niyo pang kontrolin ang kapangyarihan niyo. At masasabi kong kaya mo pa dahil muntik mo na akong patayin kanina lang. Pero sige, gagamitan nalang kita ng kapangyarihan ko kung may PERMISO galing SAYO po." palabirong saad na naman sakin ni Rainier kaya naman napatawa na ako at tinignan ang iba pa pala naming kasama dito na kanina pa pala kami pinagmamasdan.

Nginitian ko nalang sila at nakitang bumubungisngis si Alex, napataas ng kaunti ang kaliwang kilay ko dahil sa kinikilos niya.

"Ahehe, bribrie kasi ngayon nalang ulit kasi nagsalita ng napakadami iyang si Rainier! Kung kami kasi kausap niyan akala mong di kami mga kaibigan niya dahil lagi rin saming nakasimangot at minsan lang samin ngumiti! Psh!" napangiti nalang ako ulit sa malabatang sumbong sakin ni Alex habang si Trixe naman ay nakasimangot na nakatingin kay Alex.

"Ehem!" napatingin kami sa kunwaring umubo sa gilid namin na siyang umawat samin ni Rainier sa labanan namin.

"May ubo ho ba kayo?"

Napatampal nalang sa noo si Trixe dahil sa tanong ni Alex dun sa may edad na lalaki na ngayon ay tumatawa na ng pagkalakaslakas habang hinahampas pa yung katabi niyang lamesa.

Tinignan ko naman siya ng may pagtataka dahil sa mga kilos niya kaya naman dahan dahang humina yung tawa niya at umayos na ulit siya ng tayo.

"Iho, wala akong ubo salamat nalang sa pagalala mo. Pero gusto ko lang makuha ang atensyon niyo kanina dahil sa sarisariling mundong kinaroroonan niyo. Ang sasabihin ko lang sana ay bawal gamitin ang mga taglay ninyong kapangyarihan dito sa loob ng akademya imbis nalang kung may labanan na may pahintulot ng inyong mga guro." mahabang salaysay nung matanda kaya naman nagsitanguan nalang kami nila Trixe.

"Pwede po ba naming malaman kung sino ho sila?" tanong ni Trixe dun sa matanda.

"Ay, paumanhin mga iha at iho at di agad ako nagpakilala. Ako ang isa sa mga may matataas na tungkulin dito sa akademya. At ang pinanghahawakan kong katungkulan ay ang pagiging pinuno ng mga tagabantay dito sa akademya. Tawagin niyo nalamang akong Uno.... Sige mauuna na ako sa inyo! Paalam!"

Napangiti nalang ako kay Uno at tinignan ang mga kaibigan ko na nakangiti rin at nagsiilingan nalang sa saad nung matanda.

REUNITED: GoldWhere stories live. Discover now