5

9 5 1
                                    

Brie

Naalimpungatan ako sa kama sa pagkakatulog ko ng may narinig akong may nahulog na mabigat na bagay sa kwarto.

Bumangon muna ako sa kama bago tignan ang buong kwarto kung anong nahulog... Nagulat nalang ako ng makita kong wala na sa kama si Leo at nasa lapag na ng kwarto ko. Napatawa nalang ako ng mahina dahil napansin ko na yung paa ni Lea ay nakastretch papunta sa direksyon ng hinigaan ni Leo, kaya nahulog sa kama ang kakambal niya.

Binuhat ko nalang si Leo at inihiga sa kama ulit at nilayo yung paa ni Lea. Napagisipan kong mayamaya ko nalang sila gigisingin dahil mahimbing pa tulog nila.

Lumabas muna ako nang kwarto at napansin kong ang daming mga desenyo ngayon na pinagsasabit sa mga pader ng palasyo. Napailing nalang ako dahil alam kong si ina na naman ang nagplano na maging magarbo na naman ang selebrasyon namin mamaya. Di ko talaga malaman kay ina pero gusto niya laging magarbo kung may mga pagdiriwang eh kamikami lang namang mga nasa palasyo ang magdiriwang. Nakasalubong ko naman ang isang katulong nagmamadaling maglakad habang may bitbit na malalaking laso at mga kumikinang na bagay na alam na alam kong iniutos ni ina para ilagay sa bawat pader ng palasyo. Nagmamadaling yumuko lang yung katulong kaya ngumiti lang ako sa kanya at dumiretso sa opisina ni ina.

Pagkapasok na pagkapasok ko amoy ko na agad yung pabango ni ina na paborito niyang gamitin araw araw. Di naman niya ako agad napansin dahil nakaharap ang likod niya sakin habang nagsusulat siya ng kung ano sa isang napakahabang papel.

"Ina?" napatawa nalang ako ng biglang napatalon si ina sa pwesto niya at nabitawan yung papel.

"Anak naman, bakit ka ba dyan nanggugulat! Yan tuloy nahulog pa yung sinusulatan ko." inabot ko sa kanya yung papel na nahulog niya at humalik muna sa pisngi niya bago ako ulit magsalita.

"Ang dami mo na naman kasing inaatupag ina, parang isang araw lang naman na selebrasyon at kung ano ano na naman pinagpapalagay mo sa palasyo." inirapan lang niya ko at nagpatuloy sa ginagawa niya kaya medyo lumapit ako sa pwesto niya at nakita na yung madaming sinusulat niya ay yung mga pagkaing gusto niyang paluto para mamaya sa mga tagaluto namin dito sa palasyo.

Tumawa nalang ako kaya napatingin siya sa akin na para bang tinatanong ako kung bakit ako tumatawa bigla. Umiling nalang ako sa kanya at nagpaalam na babalik muna ako sa kwarto para makapagayos na.

Pagkabalik ko sa kwarto nakita kong tulala ang kambal na nakaupo sa kama ko kaya nung maramdaman nilang nandito na ko sa loob ng kwarto ay biglang tumakbo sila sakin at sinabing magayos na daw kami. Tumango nalang ako sa kanila at napatawa nang hinila nila ako papunta sa tapat ng salamin para magayos na daw muna ako ng buhok.

Nilugay ko lang yung buhok ko at naglagay ng dalawang maliliit na kumikinang na ipit, para kahit papaano ay di masyadong simple. Nagsuot lang ako ng hanggang tuhod na dress at nagsapatos lang ng hindi mataas para mas makakilos ako ng komportable.

Habang si Lea naman ay parang kamukha lang ng suot ko pero ang ayos ng buhok niya ay nakataas na para bang gusto niyang ipaabot sa noo niya... Pero siyempre di niya yun gagawin at baka masermonan pa siya ni ina. Si Leo naman ay nakasuot ng polo at pantalon at naka  rubber shoes na binili pa niya noong nasa mundo pa kami ng mga mortal.

Lumabas na kami ng kwarto ko at dumiretso na sa baba kung saan gaganapin ang pagdiriwang. Pagkarating namin doon ay may napakahabang lamesa na nasa gitna na punong puno ng mga pagkaing katakamtakam. Yung mga kawal at mga katulong ay nakita kong pinaupo na ni ama sa tapat ng lamesa habang yung mga tagaluto ay nasa isa pang lamesa na mas maliit nga lang. Kami naman nila Leo ay umupo narin sa tapat nung mahabang lamesa at nakatabi ko yung isang matandang kawal na tahimik lang na nakatingin sa mga pagkain.

Yumuko naman sakin kaagad yung matandang kawal nung napansin niya ko, nginitian ko lang siya at tinanong kung bago lang ba siya dahil ngayon ko lang siya nakita dito sa palasyo.

"Ako po si Felix, mahal na prinsesa. Nakadestino po ako sa bayan kaya di po ako gaano nakakapunta rito sa palasyo." paliwanag ni Felix kaya tumango nalang ako at nakinig na sa mga sinasabi ni Ama.

"Nandito kayo ngayong lahat sa palasyo dahil kinabukasan ay pupunta na sa akademya ng centre ang aking mga anak dahil sa isang misyon ng anak kong panganay. Kaya bago sila umalis ay magdiriwang muna tayong lahat para na rin ipakita sa kanila ang ating pagmamahal at tiwala sa mga desisyong gagawin nila." nakita ko namang napairap lang si Lea kaya nilakihan ko siya ng mata ng napatingin siya sa gawi ko, kaya tumango nalang siya pero nakasimangot pa rin.

Tumayo naman ang lahat maliban lang samin ni Lea at Leo at sabay sabay na yumuko ang mga kawal at ang iba kasama na sila ama at ina pati na rin si Aunty sa amin. Yumuko rin kami bilang pasasalamat at nagsiupo na ang lahat at nagsimula na kaming kumain.

Nagsimula na ring magusap usap ang mga tao sa paligid kaya umingay na sa loob ng palasyo. Wala namang pakielam sila ama dahil kung gantong selebrasyon pinatupad ni ina na kaming mga matataas ay makikihalubilo sa iba para kahit minsan ay maging parang isang normal na taong bayan rin naman kami.

Nang matapos na kaming kumaing lahat ay nagsimula ng magsayawan ang lahat pati na rin sila Lea na ngayon ay nasa gitna ng mga tao at sumasayaw ng makislot. Napatawa nalang ako sa mga kinikilos nila.

Naramdaman ko namang may pares ng matang nakatingin sakin kaya naman di ko na siya pinahirapan kakatingin lang sa gilid ko kaya lumingon na ako at nakita ang isa sa mga kawal na katabi sa hapag kainan ni Lea kanina.

Ngumiti naman ako sa kanya dahil napansin kong nahihiya siyang lumapit sakin, kaya ako na ang lumapit sa pwesto niya at mas napangiti ako ng makita ko yung itsura niya na para bang gusto na niyang pumanta sa kubeta.

"Magandang gabi. May nais ka bang sabihin? Napansin ko kasing kanina ka pa nakatingin." natatawang deretsiyahang saad ko sa kanya kaya naman mas pumula ang buong mukha niya at nahihiyang yumuko sakin. Kawal ba siya talaga sa palasyo? Bakit parang mas mahinhin pa siyang kumilos kesa sakin? Haha.

Pinagmasdan ko naman siya ng maigi sa mukha niya at napansing parang may nilagay siya sa labi niya na pampapula nito at napansin kong medyo may kakaiba sa kilos niya. Hmm.

"Hindi ka lalake." deretsiyanhang sabi ko sa kanya kaya napalaki yung mata niyang kanina pa kung saan saan nakatingin.

"Prinsesa hindi po ah! Ako po'y isang tunay na lalaki." may pagkamataas na tonong saad niya sakin na pagkakamalang boses ng babae kaya naman siningkitan ko siya ng mata kaya napaatras siya sa tingin ko. Tsk tsk.

"Huwag kang nagsisinungaling sakin dahil simula lang ng tumuntong ka sa palasyo ay alam kong may iba na sa mga kinikilos mo."

Matagal tagal rin siyang tumahimik pagkatapos kong pagsabihan siya...

"Patawarin niyo po ako mahal na prinsesa. Alam ko po sa sarili ko na may pagkababae po sa pagkatao ko ngunit kailangan kong maging kawal para sa ikabubuhay ng magulang ko ho." saad niya sakin saka siya biglang yumuko kaya yung ibang malapit sa pwesto namin na  mga kawal ay napapatingin.

"Alam ko. Tinitignan ko lang kung magsasabi ka ng totoo sakin....Paghusayan mo pa ang pagiging kawal Mikael." huling saad ko sa kanya at umalis na, pero nakita ko pa rin yung pagkalaki na naman ng mata niya dahil sa pagsaad ko ng pangalan niya.

Lahat kasi ng mga nakatira o tumatapak dito sa kaharian ay nalalaman ko agad kung may masamang hangad ba siya o kung wala. Kaya naman lahat ng mga kinikilos nila ay napapansin ko, isa na dun si Mikael. Noong mga araw na pinagmamasdan ko ang pagsasanay nila ay pansin ko na may kakaiba sa kanya dahil iba ang tingin niya sa mga kasamahan niyang kawal pero di ito napapansin ng iba dahil na rin sa mga kilos niyang parang isang totoong lalaki na may tapang at lakas kung kumilos. Di ko naman sila masisi dahil totoong magaling si Mikael sa pagiging kawal niya. Gusto ko lang noon malaman mula sa kaniya kung anong totoo niyang pagkatao, kung babae ba siya o lalaki o kaya naman ay parehas. Haha.

-------

Pagkatapos ng pagdiriwang ay nagpaalam na ang lahat at yung mga katulong ay inayos na yung mga pinagkainan kaya tumulong na rin ako dahil sa sobrang dami nilang aayusin. Nang tapos na kami sa paglilinis  ay yumuko na yung mga katulong bilang pasasalamat sakin kaya tumango lang ako at dumiretso na sa kwarto at naglinis muna ng sarili bago magpahinga dahil kinabukasan na ang alis namin.

Goodnight!

REUNITED: GoldWhere stories live. Discover now