7

9 4 2
                                    

Lea

"oh no! Paano nalaman ni Headmistress ang identity natin?! I can't believe it!"

Reklamo ko kanila ate habang hinahanap na namin yung mga kwarto namin. Nakita ko namang saglit na napatigil si Leo sa paglakad at may malalim ata na iniisip.

"Baka dahil siya ang Headmistress dito ay alam na niya agad kung sino sino ang mga pumapasok dito.. Katulad lang ni ate sa palasyo diba?" napaisip rin naman ako sa sinabi ni Leo, pero kung alam na niya kung sino kami bakit tinanong niya pa kami kung sino kami diba?

"kitakita nalang tayo bukas.. Ito na yung room ko." nabalik nalang ulit ako sa diwa ko nang magsalita si Leo, at pagkakakita ko sa tapat ng room niya ay ang numero ng room ko rin!

"Andito na rin pala ang kwarto ko ih! Magkatapat lang tayo Leo! Huehue." natutuwang sabi ko pero bigla rin nawala yung saya ko ng mapagtantong magiging malayo sa amin si ate. Nang mapansin ni ate na nakasimangot na kami ni Leo ay ngumiti na siya samin at niyakap kaming dalawa.

"Osige na magpahinga na kayo, hahanapin ko pa ang kwarto ko. Huwag kayong masyadong naglalalabas ha? Bukas ko nalang sa inyo ituturo kung saan ang kwarto ko kung nahanap ko na." tumango nalang kami ni Leo kay ate at tinignan lang siya hanggang sa di na namin siya makita sa sobrang layo na niya..pumasok na kami ni Leo sa sarisarili naming kwarto at inayos na ang mga gamit namin.

~*~

Brie

Nang makapagpaalam na ako kanila Lea ay nagpatuloy na ako sa paghahanap ng kwarto ko.

Tinitignan ko lang yung mga numero ng bawat pinto at napansin na yung dinadaanan ko ay medyo nagiging madilim na at kumokonti na yung mga pinto. Nagpatuloy nalang ako hanggang sa nasa pinakadulo na ako at nakita ko na yung kwarto ko na may mga katabing tatlong pang pinto. Napansin ko rin na iba yung kulay ng pinto ko at nung tatlo pang pinto sa ibang mga nadaanan kong mga kwarto.

Di ko nalang yun pinansin at pumasok na sa kwarto ko.. Napasinghap nalang ako sa laki at ganda nung kwarto. Lahat ng mga gamit ay kulay Gold at may napakalaking banyo at lalagyanan ng mga damit ko at ng mga sapatos ko. Inayos ko na yung mga dala kong gamit at inilagay na sa mga tamang lalagyanan at humiga muna sa kama. Pero napagdesisyonan kong maligo muna dahil sa napawisan ako kanina kakahanap ng kwartong to.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot lang ako nung dress na nakalagay na dito sa kwarto at nagsuot ng sandals. Pinagmasdan ko lang muna yung buong kwarto ko at napansing merong isa pang pinto na di ko nakita kanina sa sobrang nakapokus ako sa pagaayos ng mga gamit.

Napanganga nalang ako pagkabukas ko nung pinto dahil meron akong sariling napakalaking hardin! Sa sobrang tuwa ko ay naglibot libot muna ako dito at humiga higa sa mga damuhan. Di ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

"Brie!?" nagising ako nang  biglang may sumigaw sa akin sa kung saan.

Pagkadilat ko, nakita kong may nakatayo na isang pamilyar na babae sa harapan ko. Kinusot kusot ko muna yung mata ko at pinandilatan ng mata yung napakapamilyar na babae.. Bakit siya nandito? Hindi kaya...

Hindi. Umiling iling ako sa naiisip ko dahil bakit naman siya mapupunta dito diba?

Napasinghap nalang ako nang maalala yung mga panaginip ko na makikita ko sila dito sa loob ng akademya.

"Brie! Ikaw nga!!" napabalik naman ako s adiwa ko ng bigla akong niyakap ni Trixe at natumba kaming parehas sa damuhan.

Napadaing nalang ako ng kaunti sa sobrang bigat nitong babaeng to. Nang matauhan si Trixe ay mabilisang tumayo siya sa pagkakadagan sakin at inalalayan rin na akong makatayo ng maayos.

"kyaaah! Ngayon nalang kita nakita brieeee! Sobrang namiss kitaa!" napangiti nalang ako dahil sa sobrang kakulitan ni Trixe, di pa rin talaga siya nagbabago.

"Paano mo natutunan ang isa sa mga lenggwahe ng mga mortal? Hindi ka naman doon nagsanay sa mundo nila ha?"

Napatawa naman sakin si Trixe bago siya sumagot. "Nagsanay nga ako sa mga libingan ng mga hari at ng iba pang matataas na posisyon na tao na namatay na.. Pero dahil na rin sa pagsasanay ko ay nalaman ko ang ibat ibang salita dahil na rin sa kanila. At dahil dito mas naging gamay ko na ang kapangyarihan ko! Galing ko noh?"  napailing nalang ako sa kanya at tumingin ulit sa hardin..

" Sandali nga lang, paano ka nakapunta rito sa hardin ko?" tanong ko kay Trixe kaya babatukan na niya sana ako ng may maalala siya. Tatanungin ko na sana kung anong problema nag bumalik ulit yung ngiti niya.

"Anong hardin mo? Hardin ko rin to noh! Pagkabukas ko kasi nung isang pinto sa kwarto ko nakita ko nalang to" napakunot naman yung noo ko dahil sa sinabi niya. Parang ganon rin ang nangyari sakin kanina. Haha.

Pinaturo ko naman sa kanya kung saan siyang pintong dumaan at nakita kong sa tabi lang ng pinto ko. Di ko to napansin kanina ha.

Hmm..

"Nakita mo na rin ba sila Rainier at Alex!? HAHAHA! Oo, nandito rin silaaaa! Yipieeee" sabi sakin ni Trixe nang makita niyang di ako makapaniwala na nandito rin yung iba pa naming kaibigan.

Ngumiti nalang ako kay Trixe at sinabing babalik muna ako sa kwarto at magkita nalang kami sa labas dahil magkatabi lang naman ang kwarto namin. Tumango nalang siya at sabay na kaming bumalik sa mga kwarto namin.

Pagkapasok ko ay napaupo nalang ako sa kama dahil sa di ako makapaniwala na totoong nangyayari yung napanaginipan ko! Alam kong mangyayari talaga itong araw na magkikitakita kami pero di ko inakala na sa pinakaunang araw ng pagpunta namin dito sa akademya.

Lumabas na ako sa kwarto at nakitang nandoon na si trixe na kanina pa pala naghihintay sakin. Nagsimula na kaming maglakad at hinanap yung kainan dahil kanina pa kami nagugutom. Ang pagkakatanda ko pa naman ay kung gutom itong si Trixe ay wala siyang ibang iisipin kundi pagkain lang. Hay nako.

REUNITED: GoldWhere stories live. Discover now