Brie
Pagkadating pa lang namin sa opisina ni HM. Nakakunot na ang noo nito na tumingin sa nakahawak sa kamay ko na nakayuko na ngayon. Tinignan ko naman ito ng deretso sa mata ng mapagawi na ang tingin niya sa akin.
Hinigpitan ko ang hawak ko kay Keren para kumalma siya saka umupo sa harapan ni HM.
"Gusto kong sa silid ko mamalagi na si Keren." walang paligoy ligoy na saad ko kaagad kay HM na tinaasan ako ng kilay saka ito nangalumbaba sa lamesa niya.
"Ang misyon niyo ay hanapin ang bata at ibalik ito sa tribo niya, hindi ang kuhanin ito mula sa pamilya niya, brigitte." ako naman ngayon ang nagtaas ng kilay sa kanya dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ko.
"Dapat inalam mo muna ang buong kwento bago mo ibinigay ang misyon sa amin. Kung hindi pa sa amin kinwento ni Keren ang totoong pangyayari ay baka maibigay pa namin siya sa masama." sabi ni Alex na nakayukom ang kamao na nakatingin na rin ngayon kay HM. Naku baka gamitan pa niya ng kapangyarihan niya si HM, itong lalaking to talaga.
"Paano niyo naman nalaman na nagsasabi talaga ng totoo ang batang iyan?" nakangising tanong sa amin ni HM. Tatayo na sana si trixe pero binalingan ko ito ng tingin kaya napabuntong hininga na ito saka umupo ulit.
"Sinasabi mo bang hindi ka naniniwala sa akin, Abigaille?" nabura naman ang ngisi sa labi ni HM at tinignan ako na nilalaro ang buhok ni Keren na ngayon ay nakatingin rin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at binalingan ulit ng atensyon si HM na nanlalaki ang mata sa akin.
Bakit? Ginamit niya ang una kong pangalan kaya dapat ganoon din ang gawin ko sa kanya.
Nang hindi na ito makasagot tumayo na ako kaya sumunod na ring tumayo ang mga kaibigan ko at naglakad na patungo sa pinto. Ngunit bago ko pa ito buksan lumingon ulit ako kay HM na ngayon ay nakatulala pa rin.
"By the way, Abigaille. Papadalhan ko ng sulat ang palasyo at sasabihin ang tungkol kay Keren. Kung pumayag ang hari at reyna sa gusto ko ay wala ng pipigil sa pagkupkop ko rito." huling saad ko saka naglakad na palabas at dumiretso na sa silid ko na magiging silid na rin ni Keren. Nang nasa tapat na kami ng sarisarili naming silid ay binalingan ko ng tingin ang mga kaibigan ko na hinihintay na rin ang sasabihin ko.
"Mamaya na natin kausapin tungkol sa misyon si Keren, pagpapahingahin ko muna ito. Magpahinga na rin kayo." ngumiti na ako sa kanila saka na kami pumasok sa silid ni Keren. Bumaling naman ako dito ng tingin at nakitang nakayuko na naman ito.
"Ayaw mo ba na kupkupin kita? Sabihin mo lang dahil pwede ko namang ipaurong ang pagpapadala ng sulat sa palasyo. Pero nga lang tutulungan pa rin kita sa pang araw araw mong buhay sa bayan." napaangat naman ang tingin nito saka agad itong umiling sa akin.
"hindi po... Nahihiya lang ho ako dahil ang dami niyo nang tulong sa akin ng kapatid mo. Hindi ko po alam kung anong maibibigay kong kapalit sa mga ginawa niyo para sa akin. " napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Maging mas malakas ka lang at magkaroon ng tiwala sa sarili ay sapat na para mabayaran mo ang mga tulong namin kuno" natatawang sabi ko pero seryoso ako tungkol sa pagiging malakas niya. Papaturo ko siya kanila lea para mas maging komportable siya dahil halos magkasing edad lang naman si Keren sa mga ito.
Ngumiti na sa akin si Keren saka tumango, hinawi ko muna ang buhok na nakatabing sa mukha niya saka siya pinalinis ng katawan. Alam ko kasing kailangan pa niyang magadjust sa mga nangyayari sa kanya ngayon kaya hinayaan ko muna siya. Pero alam ko ring unti unti na niyang binubuksan ang sarili niya para sa amin.
Nang makalabas na ito sa banyo at nakapagpalit na ng damit na mula pa sa gamit dito ni Lea na medyo maluwag pa rin kay Keren, ay pinatulog ko na ito na nakayakap na sa akin ngayon.
Mamaya ay kakausapin pa namin siya para malaman na namin ang gusto at kailangan sa kanya ng mga tribo. Hindi naman namin ito kukunin mula sa kanya kung ano man iyon, pero sisiguraduhin naming hindi iyon mahahawakan man lang o makukuha ng mga naghahangad sa kanya ng masama. Pumikit na ako saka dinalaw na ng antok dahil sa mga ginawa namin ngayon. Gigising nalang kami mamayang hapon para makapagsimula na.
YOU ARE READING
REUNITED: Gold
FantasyThey are not just mere myths and stories that parents can't tell to their children at night. They are alive, they exist and this FOUR can make you believe it and can even bring out disaster or... peace. code: 'quattro' ^^^^^^^^^^^^^ Date started: M...