Indebtedness

480 1 0
                                    

Hindi napigilan ni Valentina ang pag-ikot ng mga mata matapos malaman na ayaw mag painterview nang subject nila. Kasama niya ang feature writer na si Marri. Kanina pa sila dito sa harap ng pagkali laking gate ni Nyx Merrick Luthgard. Mula sa kompanya ng Flamingo, kung saan saan pa kami pumunta para lang macorner ito. Hindi madaan sa santong-appointment eh di harangin!

"Kuya, baka naman kahit sandali lang. Ten minutes." Pangungulit pa ni Marri.

Naasar na siya dahil feeling importante naman ang taong iinterviehin nila. Ang Flamingo ay isa sa mga sikat na clothing line para sa mga lalaki.
Mula sa sukat na small to extra large. Kaya naman gusto ni Ma'm Shaira na ifeature si Nyx Merrick Luthgard sa kanilang magazine, ang Glamour.

Isa pa. Anong oras na! Wala pa silang matinong kain!

"Mister..." nginitian ko nang matamis ang lalaki.
"Bakit ba ayaw kaming paunlakan ni Mr. Luthgard? Oo sige. Andyan ang mga kaibigan niya, naiintindihan namin kung bakit hindi sya makakaharap sa amin ngayon pero kahit tanggapin na lang nya ang iseset naming appointment for interview."

"Miss. Uulitin ko. Hindi talaga nagpapainterview si Mr. Luthgard."

Walang salisalitang hinaklit ko ang damit ng lalaki. Dumiin ang mukha nito sa gate.

"Kuya! Nalipasan na ako nang gutom at masakit na rin ang mga binti ko kakadrive at kakatayo. Pakisabi dyan sa boss mo, bwisit sya! Kung ayaw nyang magpainterview... huwag! Pumangit sana sya!" Nanlilisik ang mga mata kong talak sa lalaki. Saka ito padaskol na pinakawalan.

"Marri! Halika na! Umalis na tayo." Mainit ang ulong nagmarcha ako patungong sasakyan namin. Narinig ko pa ang pag hingi nang pasensya ni Marri sa lalaki.

Kabubuhay niya pa lang ng sasakyan ng sumakay si Marris. Agad syang himampas nang notebook na hawak nito.

"Gaga ka Val! Sa ginawa mo malilintikan tayo kay Ms. Shaira!" Talak nito habang nag seseatbelt.

"Naku! Yung isang buwan nyang palugit papaubos na. Saka ayaw magpa interview nung tao!" Minaniobra ko ang kotse papaalis habang panay ang litanya.

"Kung gusto ni Ma'm Shaira na interviewhin iyung si Luthgard, siya ang maghabol! Punyeta!" Gigil na pinukpok ko ang manibela.
"Ginutom lang ako nang walangya! Pag ako pumayat..."

Mahinang napa tawa si Marri.
"Oh sya. Tara sa bahay. Pakakainin muna kita bago pauwiin."

Sa bahay na inuupahan ni Marri kami tumuloy. Nagtulong sila sa paghahanda nang pagkain.

"Friday ngayon, gusto mong uminom?" Si Marri na may hawak na beer in can habang nasa harap ng naka bukas na ref.

"Isang lata lang. Mag dadrive pa ako pauwi." Inilapag ko ang hawak na mangkok ng ulam sa mesa.

Dala ang dalawang lata ng beer ng umupo si Marri sa tapat niya. Walang imikan silang kumain.

"Hanga din naman ako sa iyo, Val. Hindi ka takot pumayat." Tumungga si Marris sa lata bago muling sumubo ng pagkain.

"Sus! Nasa lahi namin ang pagiging payat. Baka nga kapag nagkaanak ako saka ako papayat." Nag sandok ako muli nang kanin.

"Oo nga. Ikaw lang ang chubby sa inyo eh. Hindi halatang panganay ka."

Sinamaan ko niya ito nang tingin habang tumutungga sa sariling lata ng beer. Apat silang magkakapatid. Siya na lang ang tanging nagsosolo sa buhay.

LingerWhere stories live. Discover now